Survivor Philippines Palau Watch: Transsexual Justine Ferrer is first castaway kicked out

Businesswoman-beauty queen Justine Ferrer was voted off during the first Tribal Council of Survivor Philippines: Palau. All her tribemates voted her out of the island. During the Tribal Council, Justine revealed that she is a transsexual.


Nabawasan na ang bilang ng castaways sa Survivor Philippines: Palau. Mula labing-anim ay naging labinlima na lang sila pagkatapos ma-vote out ang businesswoman-beauty queen Justine Ferrer.

Si Justine ang kauna-unahang castaway na napatalsik sa Survivor Philippines: Palau, sa bisa ng pitong boto na nakuha niya mula sa lahat ng kanyang mga kasamahan sa Koror tribe.

Bago ang botohan sa kauna-unahang Tribal Council ngayong season ay pinag-usapan ang tungkol sa totoong katauhan ni Justine—isa siyang transsexual na sumailalim sa sex-change operation. Nalaman ito ng kanyang mga katribo kahit tatlong araw lang ang inilagi ni Justine sa laro.

FIRST DAY. Nagsimula ang Survivor Philippines: Palau sa pamamagitan ng pagsundo sa 16 castaways sa kani-kanilang lokasyon sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Kahit na alam na nila na anumang araw ay susunduin sila, nagulat pa rin sila nang dumating ang mga kalalakihang naka-barong Tagalog para sunduin sila. Yun na pala ang araw ng pagpunta nila sa Palau—May 28—na siya ring unang araw ng 39 days na ilalagi nila sa isla para sa premyong P3 million pesos at ang titulong Pinoy Sole Survivor.

Nang mismong oras na yun ay pinagpaalam na sila sa kanilang mga kaibigan at mga kamag-anak, at pinag-empake na rin sila ng kanilang mga gamit.

Isinakay sa barko ang 16 castaways at saka sila inilipat sa motorboats papunta sa isla ng Peleliu sa Palau. Doon ay sinalubong agad sila ng host na si Paolo Bediones para sa kanilang unang araw.

Pagkatapos nito ay hinati na ni Paolo ang 16 castaways sa dalawang tribo sa pamamagitan ng pagtawag sa dalawang pinakamatandang castaway sa grupo—ang dating PBA player na si Cris Bolado, 39, at ang teacher mula sa Bohol na si Carol Gementiza, 45.

Binigyan din ni Paolo sina Cris at Ma'am Carol ng buffs na sumisimbolo kung sa anong tribo sila mapapabilang—orange para kay Cris na kumakatawan sa Airai, at green naman para kay Ma'am Carol na magiging kulay ng Koror tribe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumunod dito ay pinapili na ni Paolo sina Cris at Ma'am Carol ng kanilang unang makakasama sa kani-kanilang tribo—babae para kay Cris at lalake naman para kay Ma'am Carol. Ang mga napili ang siya namang pipili ng iba pa nilang makakasama.

Pinili ni Cris si Mika Batchelor, isang chef at restaurant owner, samantalang pinili naman ni Ma'am Carol si Louie Ang, na isang IT practitioner.

Ang iba pang nakasama sa Airai tribe, bukod kina Cris at Mika, ay ang hot dad na si Shaun Rodriguez, babaeng construction worker na si Amanda Cooley Van Cooll, lady pilot Maya Segovia, mentalist Troy Perez, at ang model na si Jef Gaitan.

Nakasama naman nina Ma'am Carol at Louie sa Koror tribe ang businesswoman-beauty queen Justine Ferrer, Japinoy student Suzuki Sudagutsu, call center agent Echo Caceres, model at estudyanteng Marvin Kiefer, English tutor Tara Macias, at businessman Charles de Vera Fernandez.

Pagkatapos mahati sa dalawang grupo ang 16 castaways ay sinimulan na agad ang una nilang challenge. Ito ay ang pagdadala ng bawat tribo ng dalawang ammo crates na naglalaman ng kanilang mga kakailanganin sa isla, pati bigas, water container, at bolo. Binigyan ni Paolo sina Cris at Ma'am Carol ng mapa bilang guide sa kanilang destinasyon habang dala-dala nila ang mabibigat na crates sa masukal na gubat.

Ang unang tribo na makakarating sa kanilang destinasyon ay magdadala ang binuhat nilang crates sa kanilang camp, samantalang ang natalong tribe ay tanging bolo lamang ang kanilang madadala.

Sa simula pa lang ay lumamang na agad ang Airai tribe dahil naging organisado ang kanilang pagbubuhat at paghahanap sa kanilang destinasyon. Samantalang ang Koror tribe naman ay nagkagulo dahil sa sari-sarili nilang diskarte.

Habang ginagalugad ng bawat tribo ang gubat ay lumabas na agad ang totoong ugali ng ilan sa kanila. Partikular na si Ma'am Carol, na parang nasa loob lang ng classroom at nagmamando sa kapwa niya castaways. Tuloy, nainis na agad sa kanya ang iba kaya sa simula pa lang ay nagkaroon na ng usapan sina Louie at Marvin tungkol sa alliance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Airai naman ay nagkaroon agad ng tuksuhan sa pagitan nina Suzuki at Justine dahil sa pag-offer ng Japinoy student ng kanyang damit bilang proteksiyon ni Justine sa pagbubuhat ng napakabigat na crates.

Sa huli, nanaig ang Airai at sila ang unang nakarating sa destinasyon. Bilang premyo, nadala nila ang dalawang crates na naglalaman ng iba't ibang supplies sa kanilang kampo.

KOROR & AIRAI TRIBES. Pagdating sa kani-kanilang kampo ay simimulan na ng dalawang tribo ang pagtatayo ng kanilang base camp.

Kapansin-pansin ang kaibahan ng teamwork ng magkabilang tribo.

Sa Koror ay sinimulan na naman ni Ma'am Carol ang pagmamando sa kanyang mga tribemates kung sino ang maghahanap ng water source at ng tree mail. Samantalang napansin naman ni Louie na tila hindi tumutulong si Charles sa pagtatayo ng kanilang base camp.

Sa kampo naman ng Airai ay maayos nilang naitayo ang kanilang base camp, pagkatapos nilang hanapin ang water source at ng tree mail. Napansin din agad ni Shaun ang mga puno ng niyog na maaari nilang pagkunan ng pagkain.

Naging mahirap para sa lahat ng castaways ang unang gabi sa isla; karamihan ay hindi nakatulog nang maayos.

Sa Airai camp ay naging isyu ang pagtabi ni Troy kay Mika sa higaan. Kung kay Troy ay balewala ito at "summer flirt" lamang, iba naman ang naging reaksiyon ni Mika. Nainis ang chef dahil hindi siya nakatulog nang maayos. Hindi rin nagustuhan ni Amanda ang pagiging "very touchy" ng mentalist.

Sa Koror camp naman ay nakatulog lang sila ng 30 minutes at nagising ulit. Nagkaroon din ng tuksuhan nang biruin ni Echo si Louie na nag-iinit na naman ito. Kaya sinagot siya ni Louie, "Gusto mo yatang makatikim ng init ko, e!"

Pero ang talagang nangailangan ng body heat ay si Charles na dinapuan ng minor flu.



REWARD & IMMUNITY CHALLENGES.
Sa second day ng mga castaways sa isla ay isinagawa ang kauna-unahan nilang Reward Challenge—isang maze at puzzle-making challenge, kung saan ang mananalong tribe ay bibigyan ng flint o metallic fire starter, na maaari nilang magamit sa pagluluto at upang malabanan ang lamig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa challenge na ito, mayroong tig-anim na puzzle seekers at tig-dalawang puzzle makers ang bawat tribo.

Sa Airai tribe, ang puzzle seekers ay sina Cris, Vlad, Amanda, Mika, Shaun, at Troy; sina Jef at Maya naman ang naging puzzle makers.

Sa Koror tribe, pinagunahan ni Marvin ang puzzle seekers, kasama sina Louie, Suzuki, Charles, Echo, at Tara. Sina Ma'am Carol at Justine naman ang naging puzzle makers.

Bagamat naunang natapos ang Koror tribe sa paghahanap ng puzzle bundles, nahirapan naman sina Ma'am Carol at Justine sa pagkakalas ng mga tali ng puzzle pieces. Dahil dito, nakahabol ang Airai tribe at mabilis na natapos nina Jef at Maya ang puzzle na naging dahilan para manalo sila sa unang Reward Challenge at maiuwi nila ang flint.

Nang sumunod na araw naman ay muling nagharap ang magkabilang tribo para sa kauna-unahang Immunity Challenge. Kailangan nilang buhatin ang nakabaong stone monolith papunta sa parallel balance beams, at dalhin ito sa isang wall. Bubuhatin ulit ng mga castaways ang monolith sa kabilang side ng wall at itayo ito sa isang sandpit station, habang dalawa sa kanilang tribemates ang maghahanap ng Immunity Idol sa isang pit na puno ng mga tuyong dahon.

Ang tribo na unang makahanap ng Immunity Idol ay siyang mananalo ng Immunity, at ang matatalong tribe ay kailangang pumunta sa Tribal Council para i-vote out ang isa nilang miyembro.

Bukod dito, sinabi rin Paolo na kapag nanalo ang Koror ay madadala na nila ang kanilang supply crate. Pero kapag ang Airai ang nanalo, sila ang magdedesisyon kung maiuuwi ng Koror ang supply crate nila.

At sinimulan na nga ang Immunity Challenge.

Ang Koror tribe ang unang nakapagpaangat ng kanilang monolith at unang nakarating sa kanilang parallel beams. Pero nakahabol ulit ang Airai at sila ang unang nakarating sa wall.

Parehong nahirapan ang dalawang tribo sa pag-angat ng monolith sa kabilang side ng wall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Koror, namura ni Louie si Charles dahil napansin nito na wala itong ginagawa. Napansin din ni Louie si Ma'am Carol nang bumaba ang teacher dahil sa kagustuhan nitong tumulong sa mga nasa ilalim ng monolith.

Sa huli, ang Airai ang unang nakapagbuhat ng monolith sa kabilang side ng wall, at nahanap agad nina Amanda at Shaun ang nakatagong Immunity Idol.

Pagkatapos nito ay may isa pang announcement si Paolo. Pinapili niya ang Airai ng isang miyembro ng Koror tribe na tatanggap ng Immunity Bracelet na makukuha sa White Pearl Eye ng Immunity idol. Ang sinumang may hawak ng Immunity Bracelet ay magiging safe sa Tribal Council.

Pinili ng Airai si Ma'am Carol kaya hindi siya puwedeng iboto ng mga katribo niya sa Tribal Council.

Ipinaliwanag ni Shaun na kaya nila pinili si Ma'am Carol ay para mapilitan ang Koror na pumili ng mas malakas na miyembro nila para mabawasan sila ng lakas sa susunod na challenge.

Hindi naman naitago ni Louie ang kanyang galit sa pagkakapili ng Airai kay Ma'am Carol para maligtas sa Tribal Council nila.

Bago bumalik ang dalawang tribes sa kani-kanilang camp ay tinanong ni Paolo ang Airai kung ibibigay ba nila ang supply crate sa Koror. Pero hindi sila pumayag, kaya hindi nadala ng Koror ang kanilang supply crate.


"This is a game. Dapat wala kang awa. No mercy. Durugan kung durugan. Kahit mangisay sila sa gutom. Bahala sila sa buhay nila,'' sabi ni Vlad sa kanilang desisyon.

TRIBAL COUNCIL. Ilang oras bago ang Tribal Council ng Koror ay lumabas ang pangalan nina Charles, Tara, at Justine bilang target na mapatalsik sa isla.

Nagkaroon pa nga ng diskusyon sina Tara at Charles nang aminin ng huli na ang unang pumasok sa isip niya na iboto ay si Tara. Pero nagkasundo rin sila kinalaunan.

Nabanggit naman ang pangalan nina Charles at Justine dahil sa kanilang kahinaan sa mga challenges.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, naging unanimous ang desisyon ng Koror sa pagboto kay Justine bilang kauna-unahang castaway na paalisin sa Survivor Philippines: Palau.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN