Gabby Concepcion puts 1995 filmfest scandal behind him

Gabby Concepcion's comeback film, I Love You... Goodbye, is entered in the Metro Manila Film Festival, something that could dredge up bad memories for him. But the balikbayan actor says, "Wala akong trauma. Wala nga. Iba na ang buhay ngayon. Ako'y nagpanibagong buhay na. Basta ang pag-uwi ko rito ipinangako ko na lahat kakaibiganin ko, mamahalin ko, kakalimutan, wala akong bad memories. I'm moving forward with my life."


Maganda ang ratings ng dalawang pag-host ni Gabby Concepcion sa programa ni Willie Revillame na Wowowee. Marami tuloy ang nagsasabi na baka si Gabby na ang kunin ng ABS-CBN na pansamantalang kapalit ni Willie sa number one noontime show sa buong Pilipinas.

"Actually, hindi ko alam. Ang alam ko nagpapahinga lang si Willie. Yung mga naririnig ko, hindi ko nakita. Lahat ng naririnig ko puro second hand information, e," panimula ni Gabby tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan ni Willie.

Dugtong pa ng aktor, "Well, ang gusto ko lang mangyari sana makabalik na siya dahil marami ang naghihintay sa kanya. Ako, nagkataon kaya ako kinuhang host dahil nagpro-promote ako ng Dahil May Isang Ikaw."

"MAHIRAP MAGSALITA." Ano naman ang personal na stand niya sa sitwasyon ngayon ni Willie?

"Hindi naman 'ata niya...katulad nga ng nabanggit ko kanina, yung misinterpretation kasi malaking ano 'yan, e, malaki ang nagagawa sa mga taong nagbibigay ng kahulugan sa sinasabi ng isang tao.

"Hindi ko kasi narinig. Totoo yun. May taong nagmamahal sa 'yo. May mga hindi, may mga neutral. May mga vocal, may mga hindi. Pero that's not for us to decide.

"Pero kung ako ang tatanungin, naku! Mahirap magsalita. Ayaw kong magsalita kasi yung interpretation nga, e. Wala akong stand kasi narinig ko lang kaya I cannot say anything. "

Marami naman ang nagulat nang mamigay si Gabby ng scholarship sa isang contestant sa Willie of Fortune segment ng Wowowee.

"Oo, nabanggit kasi ni Mommy 'yun. Kung sino ang nangangailangan d'yan pakiramdaman mo na lang. Nabanggit niya, 'tingnan mo kung sino ang deserving'. Ako hindi ko naman alam. Tamang-tama nangyari ito. So, okey."

May dalawang eskuwelahan ang mommy niya, ang Montessori de San Juan , at Montessori de Concepcion sa Baras, Rizal province. Ang pamimigay daw nila ng scholarship ay hindi bilang paghahanda ni Gabby sa 2010 election.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala... wala. Kararating ko lang, e. I'm still trying to figure out... Ilang buwan pa lang ako dito, e. Actually, [US] citizen na ako, e. Pero nag-reacquire ako nung Philippines , oo, dual [citizenship]."

MEMORIES OF A SCANDAL. Hindi na siya tatakbo palabas ng Pilipinas kapag may nangyari ulit sa kanyang eskandalo?

"A, hindi. Ang nangyari kasi, ang buhay ko, sa show business, I look at it that way, e. Kung ayaw na sa akin ng tao, I have to find my way. I have to find my life. Siyempre, lahat naman tayo we seek greener pastures. Lahat naman tayo we have to put food on the table. We have to work. E, kung ayaw ng tao sa 'yo, e, di, you have to find another job."

Dahil hindi natuloy ang movie nila ni Kris Aquino, ang first movie ni Gabby since bumalik siya sa Pilipinas ay ang I Love You... Goodbye. Kasama niya rito sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay sa direksyon ni Laurice Guillen. Entry into ng Star Cinema sa darating na Metro Manila Film Festival.

Matatandaang isa sa mga dahilan ng pag-alis ng Pilipinas si Gabby ay ang kontrobersyang kinasangkutan niya noong 1995 Manila Film Festival. After 14 years, excited ba siya na magkaroon ulit ng movie na kasali sa filmfest?

"Alam mo, mabigyan ka lang ng project ng ABS-CBN, bakit ka hindi mae-excite? Para kang... ang mga projects sa ABS-CBN ngayon para kang dumadaan sa butas ng karayom. The mere fact na mabigyan ka ng project, naku! Para kang nanalo ng lotto.

"Kasi ang daming project ngayon ang nai-scrap dahil hinihimay nila. So, ibig sabihin kapag nagkaroon ka ng project at pumasa yung isang project na yun, naku, dumaan na sa isang ano yun... sinala na yun. Kaya iba na ngayon ang panahon. Hindi katulad noon, 'O, eto yung project. Isalang mo na ang istoryang 'yan'. Ni hindi mo nga puwedeng baguhin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What about yung trauma na inabot niya sa filmfest scam na kinasangkutan niya dahil sa last movie niya bago siya umalis ng Pilipinas?

"Wala akong trauma. Wala nga. Iba na ang buhay ngayon. Ako'y nagpanibagong buhay na. Basta ang pag-uwi ko rito ipinangako ko na lahat kakaibiganin ko, mamahalin ko, kakalimutan, wala akong bad memories. I'm moving forward with my life."

GMA-7 CONTRACT. Hindi ba sasabit siya sa paggawa niya ng movie sa Star Cinema sa kontratang pinirmahan niya sa GMA-7?

"Ay, hindi naman. Naayos na kung anuman yung problema ko sa GMA. Nakapag-usap na kami at matagal nang tapos yun. Ibig sabihin, tapos na yun."

So, wala na siyang kontrata sa GMA Films?

"Wala na," diin niya.

Paano yung binigay sa kanyang pera bilang down payment sa movie project niya with GMA Films?

"Nasa kanila na. Binigay ko na. Matagal ko nang isinoli sa kanila," pagtatapos ni Gabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN