For Korina Sanchez's bridal shower, please, no macho dancers!

Power couple Sen. Mar Roxas and newscaster Korina Sanchez are making it legal on October 23 and looking ahead to 2010. If the senator becomes president, Korina is willing to give up her day job: "Para ayusin ang bansang ito, oo! Okey sa akin i-give-up ang trabaho ko. Tulungan dapat para maayos na ang bansa natin sa maraming problema."


Kasama ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa entertainment press na naimbitahan sa sit-down dinner with the soon-to-be-wed couple na sina Sen. Mar Roxas at Korina Sanchez. Ginanap ang dinner sa Balay, isa sa mga properties ng mga Araneta sa may Cubao, noong Huwebes ng gabi.

Tungkol sa October 23 wedding na tinatawag na "People's Wedding" ang mga itinanong sa dalawa dahil lahat ng details ng kasal ay ipaaalam nila sa tao. But as of last Thursday, hindi pa napipili nina Korina at Sen. Mar kung saang simbahan sila pakakasal at pati sponsors ay di pa kompleto, kaya hindi muna nila inilabas. Either Monday or Tuesday nila i-a-announce kung saang church sila ikakasal.

Si Korina ang tinanong ng PEP kung bakit October 23 ang napili nilang wedding date.

"October is the best month to get married dahil Oct. 5 is my birthday, Oct. 21, birthday naman ng brother ni Mar (the late Dinggoy Roxas). Pag November, busy na ang tao at lalo na sa December, naghahanda sa Pasko.

Kay Sen. Mar galing ang information na between 4-4:30 p.m. ang wedding nila at nagbirong para hindi siya ma-late, bibili siya ng camper at dun na matutulog para matiyak na nasa simbahan siya sa oras ng kasal.

KEEP EXPENSES DOWN. Filipino ang motif ng kasal. Barong Tagalog ang isusuot ni Sen. Mar; ayaw niya ng amerikana o tuxedo. Gawa naman ni Pepito Albert ang wedding gown ni Korina at ang sapatos ay gawa ni Cesar Gaupo.

"Nagugulat ako sa rami nang nag-o-offer na sponosrs. Yung shoes ni Cesar, libre yun, may nag-offer na gagawa ng cake and the biggest cake raw ang gagawin nila. Ang flowers na gagamitin sa kasal ay manggagaling sa Davao, Tagaytay at Baguio. Ang ganda-ganda ng rosal, di na kailangan ng imported flowers. Saka, laging nagpapaalala si Mar na 'wag masyadong magastos," kuwento ni Korina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ang wedding boquet mo?

"Philippine vine siya with white flower."

Si Sen. Mar uli ang sumagot sa tanong ng press kung ano ang theme song nila ni Korina.

"Depende sa araw, depende sa mood, but right now, ang theme song namin ay Rock With You ni Michael Jackson."

Narinig din ng PEP na sinabi ni Sen. Mar na if ever manalo siyang presidente sa 2010 elections, hindi na puwedeng bumalik sa trabaho niya bilang newscaster si Korina dahil sa conflict of interest. Inalam ng PEP ang sagot ni Korina tungkol dito. Payag ba siya sa sinabi ni Sen. Mar?

"Para ayusin ang bansang ito, oo! Okey sa akin i-give up ang trabaho ko. Tulungan dapat para maayos na ang bansa natin sa maraming problema."

Sa mga nagbabalak na bigyan ng despedida de soltera si Korina, ipinauna na nitong huwag kukuha ng macho dancer. "Wala na lang macho dancer, naaawa ako sa kanila!"

Si Sen. Mar naman, ayaw ng stag party kahit okey kay Korina, at kung bakit, heto ang pahayag niya: "Buong buhay ko, hanggang makilala ko si Korina, ay isang buong stag party na. Tama na yun."

Inalam din ng press kung exclusive ng ABS-CBN ang coverage sa kanilang kasal. Sagot ni Korina, "I think it's open," at "everybody is welcome" naman ang sagot ni Sen. Mar.

WEDDING RECEPTION FOR THE PEOPLE. Bukod sa wedding reception sa bahay nina Sen. Mar sa Cubao, Quezon City, pinagpaplanuhan ding magkaroon ng reception sa Plaza Miranda para makisaya rin sa kanila ang tao, fans ni Korina at supporters ng senador.

"It's the only place na puwede ang maraming tao. Mag-o-ocular inspection nga si Direk Johnny Manahan one of these days sa Plaza Miranda. Ang daming gustong makisaya sa amin at dapat lang na bigyan ng importansiya. Marami kaming bisita, relatives ni Mar from Negros, Iloilo, Capiz at Bulacan. Marami rin akong relatives at ang iba'y manggagaling sa New York," dagdag pa ni Korina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang feeling niya sa nalalapit nilang kasal ni Sen. Mar?

"Iba-iba! Excited, pagod, takot, may pangamba, alinlangan, maraming sakit ng ulo, but of course, masaya. Pagod at sakit ng ulo dahil I'm personally attending to the details of the decorations. Ako mismo ang naghahanap at nakikipag-usap sa cheapest suppliers of old wood and carved glass. Tumatawad ako dahil laging paalala ni Mar, 'wag masyadong gumastos sa dekorasyon. Ang nakakatuwa, hindi lang kami ang excited, pati ang mga tao sa paligid namin at mga taong walang sawang nangungumusta kung kailan kami ikakasal," pagtatapos ni Korina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN