Erich Gonzales hopes Dina Bonnevie likes the TV version of her 1980 film, Katorse

"Pinagpe-pray ko na sana magustuhan niya [Dina Bonnevie] at maging proud naman siya sa ginawa ko," said Erich Gonzales. "Kasi ako sobrang one hundred percent ang binigay ko sa show na ito. Ang puso ko nandito talaga at ito siguro yung masasabi ko na talagang show na ikaka-proud ko."


Hindi pa nakakausap ni Erich Gonzales si Dina Bonnevie, ang orihinal na gumanap na bida sa pelikulang Katorse noon na ngayon ay pinagbibidahan naman ni Erich via a soap opera ng ABS-CBN na ieere na ngayong August 24.

"Hindi ko pa siya nakakausap, pero her son, si Oyo [Sotto]... kasi nakatrabaho ko siya sa Midnight DJ, sinabi ko talaga kay Oyo na, 'Hoy ano ba?' Alam kasi nila na I'm doing Katorse. Sabi niya, 'O, sumbong kita sa mommy ko!'

"Ganyan, inaasar niya ako. Sabi ko, 'Grabe ka!' Si Oyo napakamaloko nun. Lagi niya akong ginaganun. Sabi ko, 'Sabihin mo kay Ms. Dina yung Katorse, sana hindi siya magalit o ma-disappoint sa kinalabasan!' Yung movie niya, we were made to watch it talaga in preparation for the show."

KATORSE THEN AND NOW. Ilang percent ng acting ang ginaya ni Erich mula kay Ms. Bonnevie?

"Hindi ko naman siya puwedeng magaya, Dina Bonnevie yun. Kaya ako, pinagbuti ko na lang ang trabaho ko, ang acting ko. I mean, yung character dito ni Nene, yun nga may pagka-innocent siya dito, gaya nung pinortray ni Ms. D.

"Binigyan ako ng guidelines ni Direk Malu [Sevilla] kung ano yung gusto niyang makita dito sa show na ito. Kailangan niya makita yung innocence, especially sa eyes ko and then the way I cry, yung mga luha ko may mga sounds, ganyan, the way magsalita si Nene. Sa lahat ng eksena, lagi niyang sinasabi na we need your emotion ganito-ganyan."

Kapag napanood ni Ms. Bonnevie ang Katorse, sa palagay kaya ni Erich ay ano ang mararamdaman nito?

"Hindi ko alam pero siyemre pinagpe-pray ko na sana magustuhan niya at maging proud naman siya sa ginawa ko. Kasi ako sobrang one hundred percent ang binigay ko sa show na ito. Ang puso ko nandito talaga at ito siguro yung masasabi ko na talagang show na ikaka-proud ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's a story ng pamilya, about sa mga conflicts ganyan, mga nangyayari talaga in real life. Madami silang makukuhang lessons dito, guidance, ganyan."

HOPING FOR MS. D'S GOOD OPINION. Halimbawang napanood ni Miss D ang Katorse at hindi nito nagustuhan, ano ang magiging reaction ni Erich?

"Siyempre if that's her opinion, irerespeto ko yun. Lahat naman tayo may kanya-kanyang opinion. Kung yun yung sinabi niya, okay lang yun, rerespetuhin ko yun."

Paano kung sinabi naman ni Ms D na nagustuhan nito nang husto ang Katorse ni Erich?

"Siyempre nakaka-flatter naman yun dahil siya yung gumawa nung original na movie tapos sasabihin niya yun. Siyempre nakakataba yun ng puso!"

Naging topic rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ni Erich ang tungkol sa isang pang mahusay na aktres, si Ms. Cherie Gil, na kasama ni Erich sa Katorse.

Ano ang impression niya kay Cherie?

"Nakatrabaho ko na siya sa Pieta. She's very nice, very pleasant and siyempre sobrang kinakabahan talaga ako nung time na yun na talagang kaeksena ko siya for the first time. Pero she's telling me na huwag akong kabahan."

Sinabi ni Cherie in an interview na may nakikita itong potensyal kay Erich.

"Nakaka-overwhelm yun, coming from her. She's one of my idols also and sobrang nakakaano ng heart, hindi ako makapaniwala. Sobrang honored lang talaga ako na kasali siya sa show na ito at nakatrabaho ko siya ulit."

Ang tatlong bidang lalaki sa Katorse ay sina Xian Lim, Ejay Falcon at Enchong Dee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN