Jake Cuenca says he's not dating anyone: "Wala akong time."

If, as it's been rumored, that Melissa Ricks' parents disapprove of him, Jake says they've never even gone out once. But if he does go courting, he knows exactly who he needs to make nice to: "Bago ako manligaw, regardless kung si Melissa or any woman, kailangan kong manligaw sa magulang, yun ang uunahin ko."


In spite of their consistent denials, patuloy pa rin ang pagkalat ng mga balita tungkol sa tinatagong relasyon daw nina Melissa Ricks at Jake Cuenca. Pagkatapos mabalitaang sweet na sweet daw sila sa nakaraang Star Magic tour, usap-usapan na sobra daw ang pag-aalala at pagtutol ng mga magulang ng aktres sa pakikipagrelasyon niya sa aktor.

Ayon sa balita, nagbigay daw kasi ng pangit na impresyon sa pamilya ni Melissa ang mga negatibong balita tungkol kay Jake noon.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa aktor ay agad naming hiningan ang reaksyon niya tungkol dito.

"Sa akin naman, kung totoo man na galit o ayaw sa akin ng sinuman, siyempre I don't blame them kasi aware ako sa mga issues na lumabas tungkol sa akin. Di ako yung good boy type, di ko sila mabe-blame kung ganun man ang dating ko sa iba pero if ever man na manligaw ako, nais kong mailabas o maipakita ang tunay kong pagkatao.

"To be honest, di ako aware sa issue na 'yan. Nakakarating lang sa akin ang tungkol diyan sa mga interviews pero personally wala naman. Sa mga interviews ko, tinatanong ako about that pero ako naman, like I've said before, wala namang dapat ikagalit o ikaayaw coz di pa naman ako nanliligaw."

CLEARING UP ISSUE NOT A PRIORITY. Ayon kay Jake ay na-meet na niya nang personal ang mommy ni Melissa at wala naman pinakitang pangit sa kanya ito.

"Na-meet ko na siya, sobrang bait ng nanay niya. Actually matagal ko na siyang nakilala, na-meet ko na siya sa ASAP. Gaya ng sinabi ko dati sa mga interviews ko, alam ko kung bakit ganung klase ng tao si Melissa dahil sa nanay niya, dahil sa magulang niya. Ganun siya pinalaki—napakabait, napakatalino, napakaganda, napakaelegante—at dahil yun sa magulang niya."

Sa tanong namin kung may balak ba siyang pormal na kausapin ang pamilya ni Melissa para klaruhin ang nasabing issue at ipakilala na rin ang sarili niya, para kay Jake ay wala ito sa prayoridad niya ngayon. Hindi niya rin daw tinanong ang aktres tungkol dito lalo't bihira na silang magkita sa ngayon dahil sa kanilang mga schedules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For me it's not really a priority kasi di pa nga ako talaga nanliligaw but if ever I'll do it in the future, tulad ng sinabi ko dati, bago ako manligaw, siguro kahit kaninuman, regardless kung si Melissa or any woman, kailangan kong manligaw sa magulang, yun ang uunahin ko.

"Kami ni Melissa bihira din kaming magkita dahil minsan wala rin ako sa ASAP. Nagte-text ako from time to time but nahihiya naman akong magtanong. Ayokong magbigay ng problema sa kanya. Minsan na nga lang kami nagkikita, minsan na lang kami nag-uusap, pangit naman na i-text ko siya, 'Uy, 'balitaan ko na ayaw raw sa akin ng parents mo.' Ang pangit naman nun di ba?"

Agad din naming tinanong si Jake sa bali-balitang madalas daw silang nakikitang nagde-date.

"No, we haven't gone out of a date, di pa kami lumalabas. Wala akong time. For me, para mabili ko lang yung damit ko [para] sa ASAP, medyo kailangan kong hanapan ng butas yung sked ko. Ako naman, I wouldn't want it other way kasi gustong-gusto ko na araw-araw na nagtatrabaho. Mahal ko ang craft ko, sobrang thankful ako sa mga blessings na binibigay sa akin, kung puwede nga lang na araw-araw akong nagtatrabaho."

PROVOCATIVE DANCE NUMBER. For the first time sa ASAP ay nag-partner sina Jake and Melissa sa isang production number kung saan medyo provocative ang sayaw nila. Aminado naman ang aktor na in-enjoy niya ang ganitong pagsasama nila ng aktres.

"Ang saya. Di kami ang nagdesisyon nun, 'portion by' kasi yun, bale advertisers yung namili nung mga tao na kasama sa prod, nagkataon na sinama kami. Oo naman, nag-enjoy ako and like what I've said before, maybe in the future project lagi kong nire-request na makasama ko si Mel. It's something I wanna try coz di pa nangyayari yun. Gusto ko siyang makatrabaho coz number one, ang galing niyang artista, pangalawa, sino ba namang lalake ang di gustong maka-partner kay Melissa Ricks na ang ganda-gandang babae at napaka-talented?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Consistent pa rin ang taas ng ratings ng Tayong Dalawa at labis na pinagpapasalamat ni Jake ang patuloy na pagsuporta ng publiko sa pinagbibidahang teleserye.

"Okey na okey kami, pabigat na pabigat ang istorya namin. Nais naming magpasalamt sa mga taong sumusuporta sa amin mula sa simula hanggang sa ngayon na tuluy-tuloy pa rin nilang sinusuportahan ang Tayong Dalawa. Maraming-maraming salamat, kayo ang tunay na bida ng Tayong Dalawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN