Ogie Alcasid gets recording equipment as birthday gift from girlfriend Regine Velasquez

Singer-songwriter-comedian-TV host Ogie Alcasid turns 42 on August 27. As a birthday gift, his girlfriend, Asia's Songbird Regine Velasquez, has ordered recording equipment reportedly worth P150,000 to P200,000.


Excited nang matanggap ni Ogie Alcasid ang recording equipment na ireregalo sa kanya ng kasintahang si Regine Velasquez para sa birthday ng singer-songwriter sa Huwebes, August 27. Forty-two years old na si Ogie sa darating niyang kaarawan.

Ayaw sabihin ni Ogie kung magkano ang halaga ng recording equipment na bigay sa kanya ni Regine. Pero nang pinilit ng PEP (Philippine Entertainment Portal) magsabi ang Asia's Songbird, sinabi na rin nitong naglalaro sa P150,000 hanggang P200,000 ang equipment na in-order pa niya sa U.S. Sa salitang showbiz, katumbas daw ng isang Chanel bag ang halaga ng recording equipment.

Ayon kay Regine, deserving daw si Ogie ng ganitong kamahal na regalo dahil mas marami pang mamahaling regalo na raw ang ibinigay sa kanya ng kasintahan. Isa pa, kung siya raw ay mahilig sa mga bags, si Ogie ay mahilig naman sa recording equipment. Sabi pa ni Regine, pareho nilang magagamit ni Ogie ang recording equipment na iyon.

Hindi naman daw nasorpresa si Ogie sa regalo ni Regine, ayon sa singer-songwriter, nang makausap namin siya sa big finale ng Are You The Next Big Star? kahapon, August 23. Pero ikinatuwa niya ito nang sobra dahil alam na alam daw ng Asia's Songbird na kailangan niya ng bagong recording equipment.

Paliwanag ni Ogie, "Kasi may kulang pa doon sa equipment ko, alam naman niya yun. So, sabi niya, alam na niya kung ano ang ireregalo ko sa 'yo. Ayun nga, equipment."

OGIE'S BIRTHDAY WISH. Wala nang maisip na birthday wish si Ogie para sa sarili dahil balanse naman daw ang buhay niya ngayon. Ang naiisip niyang wish ay makapagpahinga naman silang dalawa—lalo na ang Asia's Songbird—sa sunud-sunod nilang schedules.

Isa sa plano ni Ogie bago sumapit ang birthday niya ay dalhin sa Tagaytay si Regine. Gusto rin kasi nitong maging special ang celebration nilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Grabe rin kasing magtrabaho si Regine," ani Ogie. "'Eto nga, may nasimulan na siyang movie with Aga [Muhlach]."

Si Ogie naman ay may natitira na lang dalawang shooting days para sa pelikula nila ni Michael V. under APT Entertainment and GMA Films, ang Spoiled Brat. Matapos nito ay makakaluwag-luwag na rin siya sa schedules niya.

Inaasahan ni Ogie na ilalabas sa mga sinehan ang pelikula nila ni Michael V. sa huling linggo ng September.

Maliban sa album at pelikula, balik hosting si Ogie para sa third season ng Celebrity Duets sa GMA-7, kung saan kasama rin niyang maghu-host si Regine.

Hindi na raw muna tumanggap ng ibang TV project si Ogie para makapag-concentrate siya sa kanyang bagong album. Gusto niyang matutukan ang promotion nito.

Sa December naman ay aalis sila ni Regine para sa series of shows nila sa Europe. Pero bago ito, dadalo muna silang dalawa sa kasal ng dating misis ni Ogie na si Michelle Van Eimeren sa Australia. Inaasahan ni Ogie na doon sila magpa-Pasko at Bagong Taon ni Regine kasama ang mga anak ni Ogie na sina Leila at Sarah.

Samantala, itinanggi ni Ogie na flop ang pelikula nilang dalawa ni Judy Ann Santos na OMG (Oh, My Girl!).

"Okey naman siya sa box-office. Noong namatay lang si Tita Cory [former President Corazon Aquino], all of us were grieving, e. Buong bayan, sa pagkamatay ni Tita Cory naka-focus," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN