Lorayne Pardo: "Lalaban ako hanggang huli."

Last August 14, the first preliminary conference for the criminal complaint filed by Lorayne Pardo against Richard Gutierrez took place. The latter was a no-show because of a movie-shoot commitment.


Isang preliminary conference ang naganap sa Imus Hall of Justice sa Cavite, noong Agosto 14, kaugnay sa "Reckless Imprudence Resulting In Homicide" na isinampa ni Lorayne Pardo laban sa aktor na si Richard Gutierrez.

Si Lorayne ang asawa ni Nomar Pardo, ang personal assistant ni Richard na namatay sa car accident na naganap noong May 22 sa Silang, Cavite, nang ang sports car na minamaneho ni Richard ay lumihis sa highway at bumangga sa poste ng PLDT, bago sumalpok sa tatlong puno ng niyog, at tuluyang mahulog sa mababang damuhan. Si Pardo, na nakaupo sa likod, ay lumusot sa likod na salamin at tumilapon mga sampung metro mula sa binagsakan ng sports car.

Nakatakdang magsumite noong araw na iyon ng counter-affidavit si Richard. Subalit ayon sa abogado ni Richard na si Atty. Sheryll Mallari—isang junior partner sa Belo Gozon Elma Parel Asuncion & Lucila Law Offices—kailangan pa raw nila ng mas mahabang panahon upang buuin ang kanilang counter-affidavit.

Sa panayam ni Atty. Mallari sa Startalk, sinabi nito: "We just want some ample time to file our response because we haven't received the copy of the subpoena yet, and today, we received a copy of the amended complaint affidavit. So, next hearing is set on August 28 at 10:00 a.m."

Sa ngayon, saad ng abugado ni Richard: "We are in the process of preparing the affidavit for filing it at the Prosecutor's Office."

Hindi nakasipot sa hearing si Richard dahil first shooting day raw nito sa kanyang upcoming horror film, ang Patient X.

Nakapanayam din ng Startalk ang legal counsel ni Lorayne na si Atty. Ombra Jainal tungkol sa hindi pagsusumite ng kampo ni Richard ng kanilang counter-affidavit at sa hindi pagsipot ng aktor.

Ayon kay Atty. Jainal: "Maybe, she herself did not receive anything. But per information from the prosecutor herself, somebody who represented himself as a legal representative of Richard Gutierrez got a copy of affidavit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag nito: "[The] justice system is very reasonable. I think it will be good for everybody if we will allow our justice system to work. Walang personalan.

"The truth is, you don't even need a complainant for the case to be prosecuted. We have our own criminal laws. If the laws are violated, it is incumbent upon our public officer to make sure that these laws are implemented. So, this is not a subject of any compromise..."

Ano naman ang masasabi ni Atty. Jainal tungkol sa kanyang kliyente at sa isyu?

"Asawa niya namatay. Gusto niya makausap si Richard nang masinsinan to really find out the truth about what really happened and she's entitled... Isipin mo na lang, halimbawa ang nagmaneho si Nomar, 'tapos si Richard ang nadisgrasya, 'tapos kakausapin si Nomar ng nanay ni Richard. Hindi na ako magsasalita. You know the answer."

"LALABAN AKO HANGGANG HULI." Pagkatapos ng preliminary conference ay nakausap naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lorayne tungkol sa development ng kasong isinampa niya laban sa aktor.

Wala na ba talagang pag-asa na makipag-settle siya sa kampo ni Richard?

"Lalaban po tayo hanggang sa huli," ang payak na sagot ni Lorayne.

Nang tanungin uli siya ng PEP, ipinaliwanag niya ang sarili: "Ang isinampa ko pong kaso sa kanya, isa—criminal. Sa criminal [case] po, wala pong settlement doon. Wala, it's too late. Mahaba na 'yong two months, e, pero wala siyang ginawa... My lawyers are pro bono."

Ang "two months" na tinutukoy ni Lorayne ay ang panahon mula sa pagkamatay ni Nomar hanggang sa pagsampa niya ng kaso laban kay Richard. Sa panahong daw na iyon, walang ginawa si Richard upang ituwid ang pagkakamali. Sa tinukoy naman niyang "pro bono," ang ibig sabihin nito ay wala siyang ibinabayad sa abugado.

Sinegundahan ito ni Atty. Jainal: "As lawyers, it is incumbent upon us to render some free legal assistance, and this will be credited to my obligation because it is mandatory."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang free legal assistance ay ibinibigay sa mga taong walang kakayanang bayaran ang kanilang mga abugado, lalo na sa isang kasong malamang ay abutin sa korte ng maraming taon.

Nagkausap na ba sila ni Richard pagkatapos niyang isampa ang kaso?

"Wala kaming komunikasyon ni Richard. Wala, never kaming nagkausap," maikli uling sagot ni Lorayne.

May mensahe ba siyang nais iparating sa kampo ni Richard?

"Wala po," sagot ng biyuda ni Nomar.

Nang tanungin siya kung hindi siya mapapagod dahil matagal ang litigation process, mariing inulit ni Lorayne na lalaban siya hanggang huli.

"Para sa anak ko at para sa justice ng asawa ko, hindi ako mapapagod. Lalaban ako hanggang huli, hanggang makamtan ko ang hustisya para sa mga anak ko at para sa asawa ko. Dahil itong laban na ito, laban din ng mga anak ko at ng papa ni Nomar," saad ni Lorayne na seryoso at malungkot ang mga mata.

Ang ama ni Nomar ay si Mr. Ramon Pardo. Dalawa ang anak na iniwan ni Nomar kay Lorayne: sina Ezekiel, 3, at Don Enrique, 5.

"HINDI AKO NAGMAKAAWA." Samantala, isang live interview ni Annabelle Rama—ina at manager ni Richard na siyang regular na nagsasalita para sa anak sa kasong ito—ang ipinalabas sa Startalk noong Agosto 15 (click here to read article).

May isang bahagi doon na isinalaysay ni Annabelle na nagmakaawa raw si Mr. Pardo sa kanila upang mag-settle na lang. Ito raw ay ginawa sa pagtawag sa telepono ni Mr. Pardo kay Pilita Corrales—ang singer na malayong kamag-anak ni Mr. Pardo; dating amo ni Nomar; at ina ni Ramon Christopher, na anak niya kay Eddie Gutierrez, ang aktor na ngayon ay asawa ni Annabelle. Sinabi ni Annabelle na, ayon kay Pilita, hiningi raw ni Mr. Pardo na bigyan na lang sila ni Richard ng lump sum bilang kabayaran.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang sabi ni Annabelle sa telebisyon: "Yung lawyer na isa [Atty. Ombar Jainal], sasagutin ko 'yon... Sabi niya kanina, hindi siya umaasang settlement. Attorney, I'm sorry, hindi ako makikipag-settlement sa inyo. Baka hindi mo alam, yung client mo, yung tatay ni Nomar... yung tatay ni Nomar, tumawag kay Pilita last Tuesday [August 11], at nagmakaawa siya na kumbinsihin si Richard at saka ako. Kung puwede, yung three years na gustong itulong ni Richard, na suweldo ni Nomar, para do'n sa mga bata, i-lump sum na lang 'bigay at pipirma na sila kung anumang klaseng pipirmahan nilang waiver."

Sa tinurang ito ni Annabelle, walang narinig na sagot sa mga Pardo. May ilang manonood na nag-isip na bumigay na ang pamilya at nakikipag-settlement na. Inalam ng PEP kay Ramon Pardo kung ganoon nga.

Malumanay ngunit madiin nitong sinabi: "Hindi ako nagmakaawa."

Ni-recall niya ang tawag kay Pilita: "Ang sinabi ko kay Pilita, kung natuloy lang yung promise nila [Gutierrez] sa Via Mare, na ibigay yung lump sum ng three years, tapos na sana. Ganun lang."

Nuong Hunyo 3, nakipagtagpo si Annabelle kay Lorayne sa Via Mare upang pag-usapan diumano ang dapat na tulong sa mga anak ni Nomar. Kasama ni Annabelle duon ang publicist nito at isang sekretarya; kasama ni Lorayne si Ramon Pardo at isa pang kamag-anak.

Ayon sa mga Pardo, nagtapos ang usapan na ipapaalam ni Annabelle kay Richard ang napagkasunduan. Nang araw ding iyon, tinanong ni Lorayne, by text messaging, kung maaaring ihiwalay ang ibibigay na lump sum na tatlong taong suweldo ni Nomar (P432,000; P12,000/month ang kita ni Nomar kay Richard) at ang educational plan ng mga bata.

Nang sumagot si Annabelle, by text messaging din, sinabi nito "educational plan o amount." Gipit daw si Richard noon, na hinuhulugan pa rin daw ang nawasak na kotse. Pumayag si Lorayne sa lump sum. Ngunit sa mga dumating na araw, nawala ang lump sum. Nang nag-text uli si Annabelle, sinabi nitong magbibigay siya ng postdated cheques buwan-buwan. Hindi na pumayag si Lorayne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ngayon ng ama ni Nomar: "Bakit ako nagmakaawa, e, nag-file na kami ng kaso? Nagsabi na kami ng 'walang atrasan,' 'tapos magmamakaawa ako? At huwag sana silang magmaliit ng tao. I'm not living notoriously well, but I'm living comfortably."

Bilang panghuli, sinabi ni Mr. Pardo, na bakas pa rin sa mukha ang pangungulila sa anak: "Ayoko nang lumaki ito. Ayoko ring lumabas na parang nagsasagutan kami sa media, dahil naka-file na yung complaint. Klinaro ko lang yung naibang kuwento."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN