Sarah Geronimo sings a duet with Christian Bautista in his first album with Universal Records

"Never pa po kasi kaming nag-duet ni Kuya. Ito pa lang ang first, nakakatuwa. Nag-enjoy ako kasi ang dami kong natutunan kay Kuya Christian. E, Christian Bautista 'yan! So, finally, natuwa ako kasi meron na rin kaming song together," says Sarah Geronimo (left) about her duet with Christian Bautista (right).


Mula nang magsimula ang showbiz career ni Sarah Geronimo ay nakilala na siya bilang Viva contract artist. Ang lahat ng mga pelikula niya ay mula sa Viva Films, o di kaya'y co-produced ng kanyang mother studio. Ang lahat din ng albums niya ay iprinodyus ng Viva Records.

Ito ang dahilan kung kaya hindi ganun kadali para sa tinaguriang Pop Princess na magkaroon ng collaboration with other artists na hindi nakakontrata sa Viva Records. Kaya naman kahit napakatagal nang magkaibigan nina Sarah at Christian Bautista—na kasama niya sa musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP '09—hindi pa sila nagkaroon ng duet sa isang album.

Kaninang bandang alas-dos ng hapon, August 24, ay nagulat ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makita namin si Sarah sa opisina ng Universal Records sa Quezon Avenue, Quezon City. Napag-alaman namin na nakapag-record na pala si Sarah ng isang kanta with Christian sa first album ng huli sa Universal Records.

Dating nakakontrata si Christian sa Warner Music. Pero nito lang first week of August ay pormal nang in-announce ang pagiging contract artist niya ng Universal Records.

Ang first album ni Christian sa Universal Records ay ang Romance Revisited: The Love Songs of Jose Mari Chan, na magsisilbing tribute ng young singer sa legendary singer. Nakatakdang i-launch ang naturang album mid-September.

Sa naturang album ay may duet sila ni Sarah, ang "Please Be Careful With My Heart" na originally ay kinanta nina Jose Mari at Regine Velasquez.

A DREAM COME TRUE. Kahit nagmamadali na si Sarah kanina dahil pupunta pa siya sa isang recording, nagpaunlak pa rin siya ng maikling interview sa PEP. Tinanong namin siya kung paano nagkaroon ng katuparan ang matagal na nilang plano ni Christian na magkaroon ng duet sa isang album.

"It's an arrangement between Viva Records and Universal," sagot ng Pop Princess. "Tapos, ako rin po mismo ang nagsabi kay Boss Vic del Rosario [Viva big boss] na gusto na talaga namin ni Kuya [Christian] na mag-collaborate, dati pa. Kaya lang din po, dahil sa busy schedules namin pareho, hindi pa nagkakatugma. Magkaiba rin po yung recording outfit namin. So, finally naman po, 'eto, nagkaroon ng chance."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit madalas naman silang nagkakasama sa shows, kagaya nga sa ASAP '09, ibang experience pa rin daw kay Sarah nang mag-recording sila ni Christian.

"Never pa po kasi kaming nag-duet ni Kuya," aniya. "Ito pa lang ang first, nakakatuwa. Nag-enjoy ako kasi ang dami kong natutunan kay Kuya Christian. E, Christian Bautista 'yan! So, finally, natuwa ako kasi meron na rin kaming song together."

Biro namin, mukhang malakas si Christian sa kanya dahil siya pa personally ang nagsabi kay Boss Vic para bigyan siya ng go signal na makipag-duet sa male singer sa isang album?

"Siyempre naman po, malakas siya sa akin! Malakas din naman po siya sa akin," nakangiting sagot ni Sarah.

Sa ngayon ay busy pa rin si Sarah sa The Next One: The Philippine Tour. By November, she will be in Europe for a show kaya hindi pa niya alam kung kailan siya puwedeng gumawa ng panibagong movie pagkatapos ng blockbuster hit na You Changed My Life nila ni John Lloyd Cruz.

Nang tanungin naman namin tungkol sa susunod niyang soap opera, ito ang naging sagot niya: "Naku po, malamang po by next year na po yun!"

Ang huling soap ni Sarah sa ABS-CBN ay ang Pangarap na Bituin noon pang 2007.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN