"Last Supper No. 3" actor Joey Paras talks about working with BB Gandanghari

"I've got to say she is really beautiful, down to earth, professional and hardworking," says Joey Paras (main photo) about SRO Cinemaserye Presents... Rowena Joy co-star BB Gandanghari.


"Super promote" ang aktor na si Joey Paras ng bagong drama series na kinabibilangan niya sa GMA-7, Cinemaserye SRO Presents... Rowena Joy, na pinagbibidahan ni Iza Calzado. Kaya tinanong pa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Joey ng ilang interesanteng detalye—para hindi ma-disappoint ang kanyang fans.

"My fans? Meron ba, kapatid?" tanong ni Joey sa text.

Sabi namin, imposibleng wala dahil nagbida siya sa nag-hit at nag-best picture na Last Supper No. 3 sa 2009 Cinemalaya Filmfest. Flattered naman ang gay actor at nagpasalamat sa papuri.

Tinanong namin si Joey (o Joseph Paras) ng ilang bagay tungkol sa pakikipagtrabaho niya ngayon sa isa pang "reyna" ng nasabing weekly series—si BB Gandanghari.

Bago naging si BB Gandanghari si Rustom Padilla, gumanap siya bilang Ada, ang hamak na parlorista na nag-transform into the comic heroine Zsa Zsa Zaturnnah, sa obra ni Carlo Vergara na may ganun ding pamagat; ang pelikula'y dinirek ni Joel Lamangan.

Sa ilang hit musical plays—na idinirek ni Chris Millado para sa CCP-Tanghalang Pilipino at PETA—na base sa pamosong comicbook heroine, ilang Ada ang nabigyang-buhay. Kabilang sa naging sikat na sidekick nito, bilang si Didi, ay ginampanan ni Joey Paras.

Sa movie version, si Didi ay si Chokoleit. Ngayon, sa Cinemaserye SRO Presents... Rowena Joy, ay magkasamang gumaganap ang dating Didi (Joey) ng entablado at ang dating Ada (Rustom) ng pelikula na ngayo'y si BB Gandanghari na.

"Mabait si BB! Promise, kapatid... humble na tao siya!" sabi ni Joey. "It is fun to work with BB Gandanghari. Masaya ang mga eksena namin sa SRO Cinemaserye, where we portray super close friends. As Mama Frannie in the series, BB Gandanghari played her part with great sense of truth. I'm having fun working with her."

Unang pagkakataon ito na nagkatrabaho sina Joey at BB.

"I've got to say she is really beautiful, down to earth, professional and hardworking," papuri ni Joey sa kasamang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At nagtagpo nga ang dalawang dating alagad ng magkaibang sining—entablado (Ze Muzikal!) at pelikula (Ze Mooveeh!)—kaugnay ng Zsa Zsa Zaturnnah.

"She saw me play Didi in Zsa Zsa Zaturnnah (Ze Muzical) before," sabi ni Joey. "But it took sometime for her to recognize me na ako pala yung Didi na napanood niya before they made the film version of Zaturnnah."

Nagsimula ang airing ng SRO Cinemaserye Presents... Rowena Joy noong August 20.

"Our friends should watch it dahil dito nila mapapanood ang tatlong gay best friends in their realistic dramatic moments—Mama Frannie, played by BB; Jessie, played by me, and Rowena Joy, played by Iza Calzado. Ang nagdirek, si Soxy Topacio," banggit ni Joey.

QUESTION & ANSWER PORTION. Halimbawa't nasa isang gay beauty pageant si "Joanna P," a..k.a. Joey Paras, at ito ang maging question: "If you were to choose between being your true self, as a gay male, and marriage or lasting relationship with your boyfriend, provided you have to undergo transsexual operation, which one will you choose—and why? Or, are you for or against transsexual operation and why?"

"No! I love myself—my character, my shape, my personality, my sexuality, the way God created me. I believe that this is the persona God wanted me to be, in order for me to serve Him and His people...

"I don't need love from a man who cannot accept me as I am! I've been to some relationships with foreign guys; had Korean, Dutch, and French bfs, and they loved me [for] just the way I look and deal with them.

"Fame is not what I'm after... All I want is to be happy; to have peace and sense of fulfillment. And the only way for me to attain these is by simply learning to accept my original self, the way God molded me even before my birth. I can only be fulfilled under the law of God. Amen!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi namin kay Joey, maganda ang answers niya sa question. Pero tulad sa Miss Universe pageant ngayon, hanggang 30 seconds lang, at most, ang sagot at mababatingtingan ang contestant.

"I don't need to shine just to be artistically fulfilled!" buwelta naman niya.

Ay, may pahabol na answer pa pala si Joey!

"I don't need fame in order for the man of my dreams to love me. I am just happy the way I am. Though, I don't have anything bad against transsexuals. Gay life is a matter of choice. I sometimes admire transsexual people for their courage. They know who they are and they will do everything just to fulfill their selves. Amazing!"

"Bravo!" we told Joey P. But somewhere along the way, we could almost hear the batingting—as in, ting! Times up na kasi! Okey ang answer, pero parang pang-runner up ka na lang siguro dahil sa haba ng answer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN