Model Akihiro Sato takes opportunity to sing in Celebrity Duets Season 3

"I think I can compete. It's just that, my problem is my nervousness. Although all of the contestants are all good, they are all very, very good. We all have fun kaya okay naman, because all of the contestants, it's also their first time," says Akihiro Sato about joining Celebrity Duets.


Masaya na mahirap daw para sa Brazilian-Japanese model at isa sa contenders ng Celebrity Duets Season 3 na si Akihiro Sato ang first few attempts niya to enter the world of showbiz.

"It's my first time ever. First time to try showbiz and I'm still learning everything. I'm still a beginner. Of course, I'm very nervous all the time. Yung Tagalog ko, okey naman, nagsisimula pa lang ako matuto nang konti. I can understand when I hear others. So far, nag-i-improve naman. I'm still attending private classes and three times, I study by myself," sabi ni Akihiro sa interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Celebrity Duets Season 3 kagabi, August 24, sa Annabel's restaurant.

AKIHIRO TRIES SINGING. Natutuwa rin daw si Akihiro na nakasama siya bilang contestant sa Celebrity Duets.

"It's a big opportunity to show myself and it's a challenge for myself also, especially this is the first time for me to sing also," nakangiti niyang sabi.

Wala raw siyang masyadong preparation sa pagkanta at kailan lang din daw siya nagsimulang mag-voice lesson.

"I think I can compete," kampanteng sabi ni Akihiro. "It's just that, my problem is my nervousness. Although all of the contestants are all good, they are all very, very good. We all have fun kaya okay naman, because all of the contestants, it's also their first time."

Ang Celebrity Duets ay singing contest, pero ang mananalo ay ibabase sa kung sino ang may pinakamaraming text votes na makukuha. Sa puntong yun, puwedeng sabihin na nakakalamang na agad kay Akihiro ang ibang contenders dahil may iba't ibang businesses nationwide ang mga ito, samantalang ang iba naman ay mga kilala na rin. Kaya aminado si Akihiro that he needs the text-votes support.

Aniya, "Let's see, I hope everyone will support me," ang nakangiti pa rin niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga makakalaban ni Akihiro sa Celebrity Duets Season 3 ay sina Gina Alajar (actress-director), Jomari Yllana (actor-concert producer), Janina San Miguel (former beauty queen), Maxie Cinco (fashion designer), Niccolo Cosme (photographer), Joel Cruz (entrepreneur), Mikaela (busineswoman), at Nonito Donaire Jr. (boxing champ).

Kung may gusto man daw siyang maka-duet sa show, ito ay sina Gary Valenciano at Martin Nievera.

Pagkatapos ng Celebrity Duets, ano pa ang mae-expect ng tao sa kanya?

"I hope everybody will know me more and I hope there will be a lot of opportunity and I can work very well. Right now, I have signed up with GMA-7 and, hopefully, GMA can build me up."

MARIAN RIVERA. Isa rin si Akihiro sa mga naging guest ni Marian Rivera sa nakaraan niyang birthday sa Imperial Palace Suites. Nagkakilala raw sila ng aktres during the GMA Anniversary Special.

"She's very nice," sabi ni Akihiro. "I met her during the anniversary at Araneta. I think she's the biggest talent here and she has all the shows and the movies that I watched, like Desperadas."

Hindi itinatanggi ni Akihiro na kung meron man siyang dream na makatrabaho, it's Marian. Aniya, sa hirap pa rin na pag-e-explain through English and Tagalog: "I am super, super wants to work with her. I think, if that will happen, then that would be a big opportunity on my part."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN