Regine Velasquez thinks viewers love the controversies among contestants in Celebrity Duets

"Itong mga contestants namin, they are celebrities in their own right, kumbaga may sinasabi sila in their own fields. Kaya nagkakaroon ng konting usapan or konting controversies. But you know, we're doing this show, really, to entertain people and we're having fun lang naman. Hindi naman namin ito ginagawa just to create controversies, of course," says Regine Velasquez of the new batch of celebrity contestants of Celebrity Duets Season 3.


Matapos ang Grand Finals ng Are You The Next Big Star? last August 23, tuluy-tuloy pa rin ang pagho-host ng Asia's Songbird Regine Velasquez tuwing Sabado sa GMA-7. Simula August 29 ay magbabalik na sa telebisyon ang Celebrity Duets na ngayon ay nasa third season na. Balik-tambalan ulit sa pagho-host ng pinakasikat na celebrity talent competition si Regine at ang real and reel life partner niyang si Ogie Alcasid.

Bagong grupo ng non-singing celebrities ang magpapagalingan at magpapabonggahan sa pagkanta para sa titulong Celebrity Duets Grand Champion at sa premyong isang milyong piso na ang kalahati ay maaaring ibahagi ng grand winner sa kanyang mapipiling charity.

Ang bagong batch ng celebrities ngayong third season ay sina: actor-producer Jomari Yllana, former beauty queen Janina San Miguel, costume at fashion designer of the stars Maxie Cinco, beauty expert Mikaela Bilbao, lord of scents Joel Cruz, award-winning actress at director Gina Alajar, Philippine's top Brazilian-Japanese model Akihiro Sato, topnotch fashion photographer Niccolo Cosme, at WBA Interim Super Flyweight World Champion Nonito "Filipino Flash" Donaire Jr.

Nagbabalik din ang mga pinagpipitagang hurado na sina veteran concert and theater director Freddie Santos, composer-arranger Danny Tan, at ang grand winner ng Celebrity Duets Season 1 na si Tessa Prieto-Valdez.

MOST SUCCESSFUL CELEBRITY DUETS. Sa presscon ng Celebrity Duets na ginanap kagabi, August 24, sa Annabel's Restaurant, T. Morato Ave., Quezon City, wala si Ogie Alcasid dahil nataon namang nagte-taping ito para sa GMA show niya with Michael V. na Hole In The Wall. Kaya tanging si Regine lang ang na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after the presscon.

Ano ang feeling ni Regine na umabot sa third season ang Celebrity Duets?

"Nakakatuwa nga, e, kasi sa buong mundo, ito yung pinaka-successful. Dito sa Pilipinas yung pinaka-successful na Celebrity Duets. Kasi sa States yata isang season lang siya, e. Pero dito third season na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, we are not expecting na magkaka-third season pa. So, nung second season, we were already talking about it. We're happy na nakaabot kami ng third season. Kasi nakakatuwa naman talaga yung show, e. At saka yun nga, parating may controversy around it na somehow also helps the show," wika ni Regine.

Ayon kay Regine, nae-excite pa rin siya sa show kahit third season na dahil bagong batch na naman ng celebrity contenders ang magko-compete.

"Exciting yung mix ng mga contestants, yung mga celebrities. Kasi nga from different fields, from different backgrounds, different personalities. Siyempre, may mga rehearsals 'yan at hindi puwedeng hindi sila magkakasama. Plus, they're going to be singing with professional singers. So, ang dami-daming tao parati, ang dami-daming personalities sa studio, kaya parating masaya."

Mae-expect ba ng mga viewers na mas bongga ito compared sa nakaraang dalawang seasons?

"Definitely, kasi siyempre kailangan lagi mong higitan yung last. Although mahirap gawin yun but that's what we're going to do and we'll try to make it better pa than the last season."

Sa mga sumaling celebrities ngayon, kanino siya pinaka-nagulat na sumali ito?

"Nagulat ako kay Direk Gina [Alajar]. I think marami rin ang nagulat dito na kasali siya. Kasi alam ko mahilig siyang kumanta. Alam ko nagka-karaoke pa yan...sila, e, every now and then. Pero hindi ko in-expect na dyo-join siya talaga.

"But, para sa akin, it's a big honor for the show to have her. So, sana iboto nila nang iboto kasi nakakatuwa na nandiyan siya. In fairness, she can really sing. And talagang she sang a rock number and talagang naka-outfit galore. Talagang wala siyang pakialam at nag-perform siya. Di ba respetadong director-actor, 'tapos makikita mo na ganun? But she was really good."

FACING CONTROVERSIES IN THE SHOW. Noong Season 1 ng Celebrity Duets ay may sumulpot na controversy na diumano'y iringan sa pagitan ng celebrity doctors na sina Manny Calayan at Hayden Kho. Pa'no pinaghahandaan ni Regine ang sarili niya sa pagsulpot na panibagong kontrobersiya sa new season ng Celebrity Duets, o kung hindi man ay sa mga kasaling celebrities sa show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa natin alam kung ano ang mga mangyayari, pero like we always say, ito yung pinaka-pinaguusapan na show. Hindi siya kasi kagaya ng ibang competition na amateurs yung nakikita mo dun na hindi mo kilala. Itong mga contestants namin they are celebrities in their own right, kumbaga may sinasabi sila in their own fields. Kaya nagkakaroon ng konting usapan or konting controversies.

"But you know, we're doing this show, really, to entertain people and we're having fun lang naman. Hindi naman namin ito ginagawa just to create controversies, of course. We want the celebrities to enjoy performing with professional singers. Kasi lahat naman ng Pilipino, may pangarap na sana maka-duet ko si Ganyang Singer, di ba? So, dito nabibigyan sila ng pagkakataon to learn, may mga vocal coach 'yan, dance coach, rehearsals. Lahat 'yan, binibigyan sila lahat niyan."

Nakikita niya ba ang sarili niya na hindi na si Ogie at iba na ang kasama niyang mag-host ng show?

"It's probably gonna feel weird since I started it with Ogie. Kaming dalawa talaga yung laging nagho-host nito. Sanay na kaming gawin. Although I had a great time with Keempee [de Leon], co-hosting with Keempee sa Are You The Next Big Star?. Nag-enjoy ako kasi tawa lang kami nang tawa ni Keempee. Yung grand finals was our last, so, sabi ko sa kanya mami-miss kita."

OGIE'S BIRTHDAY. Samantala, muling inusisa ng PEP kay Regine ang tungkol sa birthday gift niya kay Ogie na recording equipment, na nauna nang naisulat dito sa PEP. Birthday kasi ni Ogie sa August 27 at 42 years old na ang singer-songwriter.

Ayon kay Regine, totoong worth more or less P200,000 ang presyo ng naturang recording equipment. Ito ang iniregalo ni Regine kay Ogie dahil napansin daw ni Songbird na may mga kulang pa sa equipment ni Ogie. Kaya nang makita niyang nagse-search sa Internet ang boyfriend ay sinabi ni Songbird na alam na niya ang ireregalo sa birthday ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala namang problema yung presyo. Tayo naman, 'pag mahal natin ang tao, ang iniisip natin ay yung makakapagpasaya sa mahal natin. Hindi na natin iniisip minsan kung mahal ba ito o hindi. Usually, we want the best for our loved one, di ba? And besides I don't think na maluho yung gift ko kasi magagamit ko rin naman ito," paliwanag ni Regine.

Dagdag pa ni Songbird, deserving naman daw si Ogie ng ganitong kamahal na regalo dahil mas marami pang mamahaling regalo na ibinigay sa kanya ang kasintahan. Alam daw ni Ogie na mahilig sa mga signature bags si Regine at hindi ito nangingiming bilhan ng mamahaling bags ang girlfriend dahil mahal na mahal niya ito. Si Ogie pa nga raw ang naiinggit for Regine kapag nakikita niya ang ibang celebrities na nagmamay-ari ng luxury bags.

Pero higit sa mga mamahaling bags, mas nata-touch daw si Regine sa mga ibinibigay na cards at sulat sa kanya ni Ogie tuwing may special occasion. Ito raw ang bagay na hindi mabibili ng pera. Tine-treasure nga ni Regine ang mga cards at sulat na ito kaya itinatago niya talaga lahat ito.

Ano naman ang birthday wish niya for Ogie?

"Siguro good health na lang kasi pareho kaming nagkakasakit dahil sa dami na rin siguro ng trabaho. Wish ko rin na sana mag-hit ang pelikula niya with Michael V, yung Spoiled Brat: The Movie," sambit ni Regine.

Aprubado rin kay Regine ang gusto ni Ogie na magbakasyon sila together para makapag-relax-relax.

"Okey naman talaga sa akin yun. Kaya lang nga sayang din yung mga opportunities na dumarating. Basta pagpaplanuhan namin yang bakasyon na yan," pagtatapos ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN