Iwa Moto gets along very well with Darna co-star Marian Rivera

"Alam n'yo ba, talagang minu-motivate ako sa set? Kapag tiningnan n'yo si Valentina, iba si Valentina sa Iwa. Kung titingnan n'yo si Iwa, ganitong normal magsalita. Pero kapag tiningnan n'yo si Valentina, kapag nasa set na 'ko, hindi na 'ko si Iwa. Sa set, they don't call me Iwa, Valentina ang tawag nila sa akin para tumatak daw. Kasi, ang kulit-kulit ko raw!" relates Iwa Moto.


Kung sa Darna ay mortal na magkalaban sina Iwa Moto at Marian Rivera bilang Valentina at Darna, respectively, kabaliktaran naman daw ito sa totoong buhay. Ayon kay Iwa, natutuwa siya dahil magkasundo sila ni Marian kaya maayos ang taping nila sa top-rating fantaserye ng GMA-7.

"Hindi ko rin alam kung bakit kami nagkakasundo," ani Iwa sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Basta nag-uusap na lang kami sa set, pareho kami halos ng mga gusto. Siguro pareho rin kaming walang pakialam. At yung pinagkapareho talaga namin, parang siya, Caviteña siya.

"Ako naman, simpleng tao lang. Pero kapag inaway mo, mas Caviteña pa ako! O, di ba? Hindi ko rin alam kung bakit kami nagkakasundo. Pero kapag magkasama kami, alam namin kung ano ang gusto namin."

THE NEW VALENTINA. Bilang Valentina, masaya raw siya sa lahat ng nangyayari.

"Ang ganda ko!" natatawa niyang sabi. "Siyempre, masaya na maging Valentina ka ba naman ni Marian! Tapos, number one siya ngayon nationwide. So, actually, maging part nga lang ako ng Darna, malaking bagay na sa akin, lalung-lalo na ako pa si Valentina."

In a way, tingin naman daw niya ay napu-prove na niya na siya ang karapat-dapat na maging Valentina.

"Actually, medyo... Lalo na noong sinabi niya [Marian] sa akin kahapon, 'Nag-text sa akin ang mommy ko, gusto ka raw niya bilang Valentina ko.' So, alam mo yun, coming from Yanyan [palayaw ni Marian], family niya, natutuwa ako na tanggap niya akong Valentina niya."

Malaking bagay rin daw na nakakatanggap siya ng advice from the original Valentina—si Ms. Celia Rodriguez, na kasama rin nila ngayon sa Darna.

"Madalas sinasabi niyang, 'Hoy, umayos ka diyan!' Ginagano'n ako ni Tita Celia," nakangiting sabi ni Iwa. "But it's more on advice and palagi niyang sinasabi sa akin na pagsikapan ko pa. That I have to make my mark as Valentina."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nararamdaman na ba niya ang epekto ng pagganap niya bilang Valentina?

"Oo! Kasi kapag sa mga [online] thread, inaaway na 'ko ng mga tao dun! Kahit tingnan n'yo sa Darna thread, inaaway nila 'ko. Like, 'Buwiset na babae 'yan, mang-aagaw 'yan!' E, siyempre ako, okey lang. Kasi ibig sabihin lang, tumatagos na sa kaloob-looban nila."

"Alam n'yo ba, talagang minu-motivate ako sa set? Kapag tiningnan n'yo si Valentina, iba si Valentina sa Iwa. Kung titingnan n'yo si Iwa, ganitong normal magsalita. Pero kapag tiningnan n'yo si Valentina, kapag nasa set na 'ko, hindi na 'ko si Iwa. Sa set, they don't call me Iwa, Valentina ang tawag nila sa akin para tumatak daw. Kasi, ang kulit-kulit ko raw! Kaya nga si Direk Dom [Dominic Zapata], kapag may mga eksena kaming madugo-dugo, kinakausap ako niyan, 'Isipin mo, hindi ikaw si Iwa, ikaw si Valentina.'"

Kapansin-pansin naman ang mas lalo niyang pagseksi at mas gumaganda rin siya. Bakit nga ba?

"Siyempre, para sa show!" natatawa niyang sabi. "Tingnan n'yo naman ang katawan ni Yanyan, tapos tatabi ako sa kanya, mukha naman akong ano, di ba? Inspiration ko siya, actually. Siyempre, ayoko namang may masabi sila sa akin.

"Siyempre, kung may sinasabi ang mga tao against me, maaapektuhan ang show namin. E, nakikita ko ang hirap ni Yanyan, ayoko naman nung dahil lang bigla akong tumaba, pati siya maapektuhan, di ba? Kawawa naman si Yanyan. Iba ang paghihirap niya bilang madaling-araw na siyang umuwi, ngarag talaga!"

Si Marian ang tinatawag na "Primetime Queen," kung sakali't magkaroon ng "Primetime Kontrabida," type ba ni Iwa?

"Why not? Wala... Ako, kung anuman, come what may, masaya ako. Kung anuman ang ibigay sa akin, masaya ako. Kung anuman ang meron ako ngayon, tatanggapin ko yun," sagot ni Iwa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN