Iza Calzado admits she has a new non-showbiz boyfriend

"Sorry if I'll keep that to myself or between us na lang. Gusto ko sana na this time around, if I'm in the relationship, I want to keep it as private as I can," says Iza Calzado about her new relationship.


Naging usap-usapan ang non-showbiz guy na ka-holding hands ng aktres na si Iza Calzado nang manood sila ng Nine Inch Nails concert sa Araneta Coliseum noong August 5. May nagsasabing band member ang naturang lalaki, pero may balita rin na isa itong mayamang businessman na sinasabing siya ang bumili ng bahay ni Rufa Mae Quinto, na ngayon ay tinitirahn na ni Iza.

Nilinaw ni Iza ang mga espekulasyon na ito tungkol sa non-showbiz guy at iba pang isyu sa kanya nang sumalang siya sa "Don't Lie To Me" segment ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central last Sunday, August 23.

Unang tanong sa kanya, hindi raw mamatay-matay ang issue na nagkaroon daw si Iza ng karelasyon na DOM (dirty old man) na mayaman. Meron nga ba, yes or no?

"No," ang sagot ni Iza. "Truth" naman ang lumabas na resulta.

Dagdag na paliwanag ng aktres, "Actually, nalaman ko 'yan sa All About Eve naming presscon, na yung dine-date ko raw na guy, kesyo DOM. Tawa naman ako nang tawa! Kasi, kung kailan naman mas bata yung dine-date ko, 'saka naman sinasabing DOM. Siguro akala lang nila, I think there's misconception somewhere there. Maybe I'll explain in time why they thought it's DOM."

Second question: Boyfriend na nga ba niya ang band member o businessman na nakitang ka-holding hands niya sa Nine Inch Nails concert?

After na mag-isip at ngumiti, "Yes" ang sagot ni Iza. "Truth" naman ang lumabas na resulta nito.

Tinanong ni Sweet kung puwede bang pangalanan ni Iza ang kanyang bagong boyfriend.

"Ayoko... Kailangan bang pangalanan? Initial na lang—A.K.," napilitang sabi ni Iza.

Gaano na sila katagal?

"Ay, huwag na nating pag-usapan!" pag-iwas ni Iza. "Sorry if I'll keep that to myself or between us na lang. Gusto ko sana na this time around, if I'm in the relationship, I want to keep it as private as I can."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Pero sa impormasyon na nakalap ng PEP, ang "A.K." na tinutukoy ni Iza ay anak ng may-ari ng mga kilalang drive-in hotels.)

Third question, totoo ba na regalo raw sa kanya ng bagong boyfriend niya ang bahay na binili niya kay Rufa Mae Quinto?

"No... pero yes sana!" ang natatawang sagot ni Iza. "Truth" ulit ang lumabas na resulta.

"Ngayon ko lang narinig 'yan. Bago 'yan...bago 'yan sa aking pandinig. At saka bakit pa 'ko maglu-loan sa bangko kung may nagbigay pa sa akin, di ba?" paliwanag ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN