Luis Manzano refuses to answer more questions about rumored breakup with Angel Locsin

"I don't need to answer. I don't need to. It was never a showbiz [issue] naman. Yung sa aming dalawa, it's very, very personal," replied Luis Manzano when asked if he and Angel Locsin are still together.


Todo-iwas si Luis Manzano na pag-usapan ang nababalitang breakup nila ng girlfriend niyang si Angel Locsin. Hirap nga ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na makakuha ng kumpirmasyon at iba pang detalye tungkol sa naturang isyu nang ma-interview si Luis sa grand presscon ng In My Life kagabi, August 25, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN.

Pagkatapos ng formal presscon ng In My Life—na pinagbibidahan nila ng kanyang ina na si Vilma Santos at si John Lloyd Cruz—kaagad pinagkaguluhan si Luis ng mga press nang lumabas siya sa lobby ng Dolphy Theater. Tinanong muna si Luis kung may iniinda ba siyang personal problema ngayon na maaaring nakakalimutan niya dahil sa excitement na hatid ng kanyang bagong movie?

"You know, I never mix personal with work, e. So, kumbaga, wala namang dinadamdam talaga na nakakaapekto sa ginagawa ko sa trabaho," maikling tugon ng TV host-actor.

Diniretsa na ng press si Luis kung ano na ang status ng relationship nila ni Angel.

"Ako, basta ako, ang pag-uusapan ko yung movie," pag-iwas ni Luis.

Pero nagpumilit pa rin ang mga press na alamin ang tungkol sa diumano'y hiwalayan nila ni Angel.

"Kung paano namin naprotektahan nung simula, ganun din namin poprotektahan itong phase na ito, yun lang yun," sabi niya.

Ano nga yung phase na pinagdadaanan nila ngayon?

"Basta how we protected it from the start, ganun din yun."

May difficulties ba silang pinagdadaanan ni Angel ngayon?

"Siguro lumabas na sa isang interview ni Melba [Llanera, PEP contributor]. Lumabas na yun. Kung anuman, doon na lang kunin. Siguro I realize na, yun nga, kung paano namin naprotektahan, it's only proper na ganun pa rin yung treatment namin sa kung anuman yung meron kami," sagot ni Luis.

(Ang tinutukoy na interview ni Melba kay Luis ay lumabas na rito sa PEP noong Lunes, August 24. Dito ay inamin ni Luis na "may pinagdadaanan" sila ngayon ng aktres, pero tumanggi siyang magbigay ng detalye. Click here to read the story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Is he hurting now?

"You know, nakikita n'yo ako... kung anuman yung sa personal, sa personal na yun. Pero still, basically, ayokong... I'll be honest, I'd rather talk about the movie. I don't want to give false answers. I'd tell you straight up na hindi ko na pag-uusapan yung pinagdadaanan namin ni Angel. So, instead of mang-BS [bullshit] lang ako dito, paikut-ikutin ko ang kuwento, I'd tell everyone right now na I'd rather talk about the movie," iwas pa ring sagot ni Luis.

Dahil nga sa patuloy na pag-iwas ni Luis kaya direkta na siyang tinanong ng press kung sila pa ba ni Angel o hindi na?

"I don't need to answer. I don't need to," madiing pagtanggi ni Luis. "It was never a showbiz [issue] naman. Yung sa aming dalawa, it's very, very personal."

Isa ba sa mga dahilan ang pinagdadaanan nilang phase ngayon kaya medyo gloomy ang aura niya sa presscon?

"No naman," tanggi niya. "It's just that for some reasons, mina-migraine talaga ako. It has nothing to do with being gloomy or sad. Walang ganun. Kagabi pa ako mina-migraine talaga."

STILL NOT TALKING. Kanino nanggaling ang desisyon na huwag munang magsalita?

"Siguro kung paano nga kami nagsimula. Nung simula naman, hindi naman namin napag-usapan talaga. Wala kaming desisyon to not talk about it. We weren't a loveteam. Nagawan namin ng paraan na kahit sabihing public property kami, nahiwalay namin na hindi naman kailangang pag-usapan," saad ni Luis.

Dadating ba yung time na mapag-uusapan nila ito at maibabahagi rin sa publiko?

"It happened. Ganun ang nangyari nung una. Binigyan kami ng leeway ng mga tao. And after a while, we came out, we were very, very comfortable talking about our relationship. So, hopefully, it's one phase na, a few days or weeks ay mapag-uusapan na namin. Pero at the meantime, mas maganda yung hindi muna mapag-uusapan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may communication ba sila sa isa't isa ngayon?

"Yes, we are talking," maikling tugon ni Luis.

ATE VI & ANGEL. Dahil hindi nga mapilit si Luis tungkol sa pinagdadaanan nila ngyaon ni Angel ay inilihis nang konti ng press ang pagtatanong.

Is true na may tampo ang Vilmanians kay Angel? Matatandaan na sa isang interview ay sinabi ng aktres na si Nora Aunor ang "pinakadakila" sa lahat ng mga artista, pagkatapos basahin ni Angel ang ilang linya mula sa pelikula ng Superstar na Himala.

Hindi naman kaila sa lahat na mahigpit pa ring magkaribal sina Nora at Vilma hanggang ngayon, at nagkataon ngang ang Star For All Seasons ang ina ni Luis. (Click here to read related story.)

"You know, I never got to talk to them," sagot ni Luis. "Pero ang alam ko, napakalaki ng pang-unawa ng mga Vilmanians. Ang alam ko kasi, ang naging initial na tampo nila is dahil sa naging comment ni Angel if she's going to do the remake of Himala. Pero I'm sure alam nila yun na bilang mga artista, meron kaming mga kailangan gawin na bagay that does not necessarily mean na may disrespect towards another. So, hindi porke't sinabi ni Angel na magaling na artista si Ms. Nora Aunor, that means na binabastos niya yung mommy ko. Alam ko na naiintindihan ng mga Vilmanians yun."

Pero okay lang din ba sa kanya yung sinabi at ginawa ni Angel?

"Definitely, kasi artista din ako. And same na naiintindihan din ni Mommy na yung ginawa niya ay para kay Ms. Nora. And it does not mean na dina-downplay niya ang mommy ko. Because magaling naman talagang artista si Ms. Nora. So, I don't see the point kung bakit may dapat ikagalit ang Vilmanians," sabi ni Luis.

Ipinagtanggol naman ni Luis si Angel sa lumabas na isyu na hindi raw tinanggap ni Angel ang alok mag-host ng TV special ng Star For All Seasons sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, we all have reasons siguro naman kung bakit hindi niya nagawa yun. Pero sana lang, hindi pinapangunahan ang kung anuman. Huwag tayong humusga kaagad kung anuman yung reason kung bakit hindi niya ginawa. I'm sure there's something behind naman talaga. Hindi naman siya basta-basta magti-trip na hindi pupunta. Hindi siya ganun. We all know Angel is a very, very professional artist. Hinding-hindi siya ganun," pagtatanggol ng TV host-actor sa aktres.

Hindi naman kaya isa sa mga reasons ang naturang isyu kaya nahaharap sa difficult situation ang relasyon nila ngayon?

"Siguro hindi man siya kasama sa pinagdadaanan, pero siguro there were things na nakadagdag lang sa choices namin."

NO THIRD PARTY. May lumalabas na si Luis daw ang may kasalanan dahil sa pagkakaroon ng third party. Ano ang comment niya rito?

"The easiest thing to do in life is to judge. So, mindless judging ang masasabi ko diyan," sagot niya.

Magkakilala ba sila ni Maricar Reyes?

"Yes, siya dapat ang ka-loveteam ko sa Flash Bomba," ani Luis.

Aware ba siya na nali-link siya kay Maricar?

"You know, I've been hearing the weirdest stories. Kagaya nga ng sinabi ko sa interview ni Melba, base everything there. Everything that I said there was truthful and I don't need to elaborate. And sinabi ko doon, never was, never is, walang third party," diin niya.

Bakit kay Melba ay nagsalita siya, pero ngayon ay ayaw na niyang magsalita?

"Yun na yun. Nangyari yung interview na yun and after, I decided tumahimk. You know, mas madaling protektahan. Siguro I was being impulsive," paliwanag ni Luis.

Pero naka-relate ba siya sa sinasabing 'pag busy na sa work, you tend to overlook some things?

"That's one thing I realize ever since I started being in this industry. Kasi nga, everyone knows kung paano kami magtrabaho. So, you tend to overlook some things in life. Wala naman akong pinatatamaan o kung anuman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero never niya ba namang na-take for granted si Angel?

"I think not. I think marunong akong tumanaw o mag-appreciate kung anuman ang meron ako."

ANNE CURTIS. May isyu rin na nagkakamabutihan daw sila ulit ni Anne Curtis. Ano ang masasabi niya tungkol dito?

"Pati ba naman yung sa amin ni Anne? Pati ba naman yun, papatusin? E, my very, very first project... Everyone knows kung ano ang ano namin ni Anne, ang relasyon namin ni Anne. I don't think I need to elaborate on that," aniya.

Posibleng bang ligawan niya ulit si Anne?

"You know, Anne is very much happy. And we're very much happy being best friends," sagot ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN