Luis Manzano initially turned down the role of gay son in In My Life

"The fact na makakasama ko na siya as an actor, it was surreal. I have to turn on the switch na kailangan kong kalimutan at one point na ako yung anak and that I have a character to portray, a role to portray. But after a while, of course, 'pag sinabing cut ni Direk, kahit papaano bumabalik na ako sa pagiging Luis," says Luis Manzano about working with his mom Vilma Santos in a movie.


Bago ang interview kay Luis Manzano tungkol sa kanyang personal life, nagkaroon muna ng question-and-answer portion sa formal presscon ng In My Life sa loob ng Dolphy Theater.

Tinanong ng press people ang mga nakaupo sa presidential table na kinabibilangan ng mga bidang artista ng pelikula na sina Vilma Santos, John Lloyd Cruz, at Luis, kasama ang direktor na si Olivia Lamasan, at ang mga writers na sina Senedy Que at Raymond Lee. Umikot ang mga tanong tungkol sa pelikula nila.

FIRST MOVIE WITH HIS MOM. Happy and excited si Luis sa unang pagsasama nila ng kanyang ina sa isang bigating pelikula ng Star Cinema. Hindi nga siya makapaniwala na mangyayari ito.

"Never ko po na-imagine na makakatrabaho ko po si Mommy. Because when I started po naman, I was hosting. Tapos, ang naging linya ko, mas more on romantic-comedy. Never ko talagang naisip na makakatrabaho ko si Mommy. Kung makakatrabaho ko man siya siguro, e, for a dance show or to host something.

"But I said it before and I'll say it again, ang naging katrabaho ko ay apat—ang Star For All Seasons, blockbuster king, my mom, and my very, very good friend. So, ibang atake ang kailangan talaga. It's overwhelming. Pero sana ma-appreciate ng tao kung ano yung ibinigay ko para sa pelikula."

Dagdag pa niya, "It's surreal, because noong magkasama kami [ng Mommy ko] sa iisang bahay, hindi sa pag-aano... Wala po kayong idea kung gaano karami ang trophies ang nasa bahay. Sa sala, merong at least 12 trophies, sa baba, marami pa. And you know, each day never passes na wala akong nakikita or I go to work at sinasabi na talagang hanga sila sa Mommy ko.

"So, the fact na makakasama ko na siya as an actor, it was surreal. I have to turn on the switch na kailangan kong kalimutan at one point na ako yung anak and that I have a character to portray, a role to portray. But after a while, of course pag sinabing cut ni Direk, kahit papaano bumabalik na ako sa pagiging Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But then I realize na, 'Wow, I'm working with my Mom, slash, the Vilma Santos!' Everyone has been raving about it for me. Of course, not just for me, but pretty much every one else around na she's one of the greatest in front of the camera."

Maging kay John Lloyd ay hindi rin naisip na Luis na makakaeksena niya ito sa isang movie.

"Same thing with John Lloyd na nakakasama ko siya sa ASAP 09. Alam ko kung gaano siya kagaling na aktor. Pero in terms of kaeksena, never pa naming nagawa. So, para sa akin, parang double the pressure," pahayag ni Luis.

PLAYING A GAY ROLE. Aminado si Luis na noong unang inalok sa kanya ng Star Cinema ang role na gay son sa In My Life ay hindi niya ito agad tinanggap. Pero hindi sumuko doon ang Star Cinema at sinabi kay Luis na basahin niya muna ang script bago siya mag-decide. Sa kanilang second meeting ay pumayag na rin si Luis.

Paano napapayag si Luis na tanggapin ang role ng gay son?

"Nagpataas po ako ng presyo!" biro ni Luis. "Hindi, hindi... Siguro at first, when it was presented to me, it's not that wala akong tiwala kina Direk Olive, it's not that. Pero siyempre, iba yung ine-explain sa iyo, iba yung nakikita mo na may hard copy ka kung ano ang gagawin mo. And of course, it's not every day na tatapunan ka ng ganitong kabigat na role, gay role pa. Tapos, nandun din yung kahit paano there has to be some intimacy. It's not every day na nangyayari sa iyo yun.

"So, it came as a shocker. But after reading the script, understanding my character, na kung may intimate scene man, definitely kailangan na kailangan sa istorya. Kailangan maging believable dahil alam namin na napakatalino ng mga audience. Medyo mas na-appreciate ko ang istorya, ang bawat character. And I said yes, of course."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KISSING SCENE WITH JOHN LLOYD. Ginagampanan nina Luis at John Lloyd sa In My Life ang gay lovers na sina Mark at Noel, respectively. May kissing scene sila sa movie. Naging curious tuloy ang press kung paano nila ito hinarap?

"Nung ginawa namin yung eksena, of course, nagkanya-kanya kaming kanto, nagmuni-muni muna, siyempre. Kasi for me, initially, it was one of the factors kaya ako nagulat and I initially declined the role. But after reading the script, you have to step out of your comfort zone. And I completely trust Direk Olive.

"'Pag dumating na yung actual scene na yun sa movie, you don't necessarily see John Lloyd Cruz and Luis Manzano kissing, but you'll see Noel and Mark sharing a very, very intimate moment, which is a beautiful part of the story. We made sure na everything is perfect, hinintay talaga namin yung araw. We want to believe na madadala kayo dun sa eksena at sa mga karakter, hindi dahil sa dalawang lalaking artista na naghalikan sa harap n'yo," sabi ni Luis.

Sa parte naman ng mga kasamahan ni Luis sa pelikula, puring-puri ng mga ito ang performance niya.

Ayon sa direktor ng In My Life na si Olivia Lamasan, "revelation" daw si Luis sa pelikula. Ayon naman kay John Lloyd, nasa "top of his game" ang TV host-actor. Nilinaw naman ni Vilma Santos na hindi niya tinuruan ang anak kung ano ang gagawin nito. Ipinaubaya raw ng Star For All Seasons ang lahat kay Direk Olive.

Bukod kina Vilma, Luis, at John Lloyd kasama rin sa cast ng In My Life sina Rafael Rosell, Nikki Valdez, Dimples Romana, Arnold Reyes, Paw Diaz, Vice Ganda, at Tirso Cruz III, in a cameo role bilang asawa ni Ate Vi. Produced by Star Cinema, mapapanood ang In My Life sa mga sinehan simula September 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN