Piolo Pascual denies reshooting some scenes in Lovers In Paris

"Hindi totoong nagtapon kami ng mga nai-shoot nang mga eksenang hindi raw nagustuhan. Kung mapapanood na ito, makikita compressed ito. Maayos kasi ang pagpaplano nito sa umpisa pa lang. Binubusisi kaya natagalan, hindi dahil nag-reshoot kami, o may mga na-trash na eksena," explains Piolo Pascual about report that they had to reshoot some scenes in Lovers in Paris.


Nakapag-tour na pala abroad sina Piolo Pascual at Pokwang together kaya naging close din sila. Dumalo si Piolo sa nakaraang birthday party ng comedienne last Tuesday, August 25, na ginanap sa pagmamay-aring bar-restaurant ni Pokwang na Blue Without U sa Sgt. Esguerra St., Quezon City.

"I always admire her," sabi ng matinee idol patungkol kay Pokwang. "Napakagaling niyang stand-up comic. Nakakapagdala siya ng show. Pinaka-memorable sa akin yung nag-show kami sa Paris. Nag-guest siya sa show ko doon. After her segment, people were calling her name, paulit-ulit, for an encore. Doon ko napatunayan sa sarili ko how people love her, at tiniyak kong lalaki pa ang pangalan niya. Ngayon pa lang nga, talagang the signs are there. Malapit na malapit sa kanya ang mga tao.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Piolo sa nabanggit na party at tinanong na rin namin siya tungkol sa kakayahan ni Pokwang and company na maitawid ang noontime show na Wowowee kahit wala si Willie Revillame.

"Happy ako dahil gusto ng mga tao ang show. Yun lang ang alam kong dahilan," sabi ni Piolo.

KIMMY DORA. Ipalalabas na ang launching movie ni Eugene Domingo na Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme). Bilang isa sa producers sa likod ng Spring Films, ano ang masasabi ni Piolo tungkol dito?

"Excited ako kahit hindi na kami ang in-charge sa premiere kung hindi ang Solar Films," sabi ng actor-producer. "Natuwa sila sa movie kaya sila ang tumutulong ngayon, pati sa press preview. Independent production lang kami kaya kailangan namin ng push. Sana nga, magustuhan ng marami, gaya sa pagkagusto namin sa proyekto."

Naniniwala si Piolo sa kakayahan ni Eugene sa pagbibida nito kaya ipinaglaban niya ang komedyana para magdala sa pelikula.

"Nakita ko ang posibilidad at potensiyal na kumita ang pelikula," banggit niya. "Wala kaming intensiyon na kalabanin ang malalaking studios. Maliit lang ang kumpanya namin para bumangga sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napakalaki ng industriyang ito para sa aming lahat. Huwag na nating pasikipin. Sana yung iba, magbigay-daan sa mga maliliit na producer. Lalo na sa mga artistang may talent at mas dapat tulungan, especially Uge [palayaw ni Eugene]. It's a big honor for us na kami yung maglu-launch kay Uge."

LOVERS IN PARIS. Sa career ni Piolo, heto at ipalalabas na rin ng ABS-CBN ang Lovers in Paris, ang pinakahihintay na Filipino adaptation ng sikat na Koreanovela, kung saan itatampok with Piolo si KC Concepcion.

"Exciting, six months din naming trinabaho," banggit ni Piolo. "Finally, heto, ipalalabas na. Tuloy-tuloy pa rin ang taping. At saka hindi totoong nagtapon kami ng mga nai-shoot nang mga eksenang hindi raw nagustuhan. Kung mapapanood na ito, makikita compressed ito. Maayos kasi ang pagpaplano nito sa umpisa pa lang. Binubusisi kaya natagalan, hindi dahil nag-reshoot kami, o may mga na-trash na eksena.

"Sa laki ng ginagastos dito, hindi naman yata puwedeng basta na lang ibasura ang mga napaghirapan na naming mga eksena rito. Plinano itong mabuti bago nai-shoot. Ang ginawa kasi dito, siyempre in-edit mabuti, na-compress para mas maging tight ang editing at pacing. Pero hindi totoong may mga naaksayang eksena."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN