Pokwang: "Wowowee is Willie. Willie is Wowowee!"

Wowowee is Willie. Willie is Wowowee!"" data-url="https://www.pep.ph/news/22983/pokwang-wowowee-is-willie-willie-is-wowowee" data-desc="The comedienne says she and Cristine Reyes are now okay." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ab308313c.jpg"> Wowowee is Willie. Willie is Wowowee!"" data-url="https://www.pep.ph/news/22983/pokwang-wowowee-is-willie-willie-is-wowowee" data-desc="The comedienne says she and Cristine Reyes are now okay." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ab308313c.jpg"> Wowowee is Willie. Willie is Wowowee!"" data-url="https://www.pep.ph/news/22983/pokwang-wowowee-is-willie-willie-is-wowowee" data-desc="The comedienne says she and Cristine Reyes are now okay." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ab308313c.jpg">

Wowowee is Willie. Willie is Wowowee!"" data-url="https://www.pep.ph/news/22983/pokwang-wowowee-is-willie-willie-is-wowowee" data-desc="The comedienne says she and Cristine Reyes are now okay." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ab308313c.jpg"> Wowowee is Willie. Willie is Wowowee!"" data-url="https://www.pep.ph/news/22983/pokwang-wowowee-is-willie-willie-is-wowowee" data-desc="The comedienne says she and Cristine Reyes are now okay." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ab308313c.jpg"> Wowowee is Willie. Willie is Wowowee!"" data-url="https://www.pep.ph/news/22983/pokwang-wowowee-is-willie-willie-is-wowowee" data-desc="The comedienne says she and Cristine Reyes are now okay." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ab308313c.jpg"> Wowowee is Willie. Willie is Wowowee!"" data-url="https://www.pep.ph/news/22983/pokwang-wowowee-is-willie-willie-is-wowowee" data-desc="The comedienne says she and Cristine Reyes are now okay." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ab308313c.jpg">

"Kung ano ang mayroon ako, the best gift na yun. Masaya ako at marami ang nagmamahal sa akin. Yun na lang siguro yung kung ano ako, yun naman ang ipinapakita ko. Kung ano rin sila, tanggap ko at minamahal ko dahil alam kong mahal din nila ako," says birthday girl Pokwang.


Ipinagdiwang ng comedienne na si Pokwang ang kanyang birthday noong Martes, August 25, sa pagmamay-ari niyang bar-resto na Blu Without U sa Sct. Esguerra, Quezon City.

Sabi ni Pokwang, inimbita raw niya sa kanyang party ang host ng Wowowee na si Willie Revillame. Pero hindi nakarating ang TV host.

Ayon kay Pokwang, mayroon lang daw inaasikasong napakalaking bagay si Willie kaya time out muna siya at hindi napapagkita maski sa show nilang Wowowee. Pero binati na raw siya ni Willie sa kaarawan niya.

"Okey lang na yun na muna ang asikasuhin niya dahil mas marami siyang mapapasaya roon," sabi ni Pokwang.

Sabi pa ni Pokwang, babalik daw talaga si Willie sa Wowowee. It will be a resurrection.

"Naku, abangan na nila!" aniya.

Ano ang reaction niya na siya raw ang gusto na ng mga taong gawing main host ng Wowowee?

"Ay, kumain na lang tayo!" pabirong pag-iwas ni Pokie sa tanong. "Naku, hindi puwede! Wowowee is Willie. Willie is Wowowee, at ang show ay para sa buong bayan. Tama na yung natutuwa ako na naging parte ako ng show. Kahit palitan pa ang concept, kami pa rin ni Willie ang gusto ko."

Napaiyak naman si Pokwang nang makita niya si Piolo Pascual sa kanyang party. Last year kasi, hindi pumunta ang aktor.

"Sobrang tuwa ko kasi," ani Pokwang.

CRISTINE REYES. Kinumusta rin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Pokwang si Cristine Reyes. Kung matatandaan, dawit si Pokwang sa iringan nina Angelica Panganiban, RR Enriquez, at Cristine noon sa Banana Split.

Kuwento ni Pokwang, "Nagkasalubong lang kami sa hallway ng ABS-CBN, binati niya ako, ganoon lang. Ayos na kami agad. 'Ate!' sabi lang niya. Kinumusta ko na siya. Nanibago lang ako. Hindi ko agad napansin dahil parang naiba ang hitsura niya. Lalo yatang gumanda. Hindi ko inakalang lalapitan niya ako. Pero, at least, natapos na. Okey na sila ni Angelica, and the rest, ayos na yun. Happy na kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE FATHER OF HER DAUGHTER. May kumalat na balitang ang father ng anak niya ay namatay na.

"Father ng daughter ko? Hindi ko alam," nagulumihanan si Pokwang. "Buntis pa lang ako sa anak kong babae, naputol na yung communication namin. After that, thirteen years na, wala akong balita.

"Kung wala na talaga siya, ipinagdarasal ko na lang ang soul niya. Paiimbestigahan ko na lang nang bonggang-bongga kung totoo. Ang alam ko, yung tatay ng anak kong lalaki, after so many years, nagparamdam siya. Namatay na yung anak kong yun. Gusto raw niyang malaman kung saan nakalibing ang anak kong yun.

"Pero, para ano pa? Huli na ang lahat. Noong buhay pa ang bata, mas kailangan siya, pero nasaan siya? Pinagdamutan pa niya. Pero, ayokong magalit sa akin ang anak kong yun kaya pinatawad ko na rin ang father niya.

"Wala munang space ang puso ko sa pagmamahal sa ngayon. Naka-focus ako sa trabaho. Walang nagpaparamdam para manligaw. Natatakot yata sa akin. Makikita ninyo sa mga mata ko 'yan kung mayroon."


GRADE-SCHOOL CRUSH. Hanggang ngayon, hinihintay pa rin ni Pokie si Carlito Buban na naging grade-school crush niya yata at atupag na niyang banggitin sa Wowowee.

"Naku, wala yun! Parang napagkatuwaan na lang nang bonggang-bongga! Kaklase ko yun noong Grade 2!' tawa nang tawa si Pokie.

Dahil dito, dalawang libo na raw ang nagpapakilala sa kanyang sila si Carlito Buban.

Ano naman ang birthday wish ni Pokwang?

"Sa pansarili ko naman, gawin lang akong kuntento ng Diyos. Yun lang ang panalangin ko sa Kanya. Kung ano ang mayroon ako, the best gift na yun. Masaya ako at marami ang nagmamahal sa akin. Yun na lang siguro yung kung ano ako, yun naman ang ipinapakita ko. Kung ano rin sila, tanggap ko at minamahal ko dahil alam kong mahal din nila ako," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wowowee is Willie. Willie is Wowowee!"" data-url="https://www.pep.ph/news/22983/pokwang-wowowee-is-willie-willie-is-wowowee" data-desc="The comedienne says she and Cristine Reyes are now okay." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ab308313c.jpg"> Wowowee is Willie. Willie is Wowowee!"" data-url="https://www.pep.ph/news/22983/pokwang-wowowee-is-willie-willie-is-wowowee" data-desc="The comedienne says she and Cristine Reyes are now okay." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ab308313c.jpg"> Wowowee is Willie. Willie is Wowowee!"" data-url="https://www.pep.ph/news/22983/pokwang-wowowee-is-willie-willie-is-wowowee" data-desc="The comedienne says she and Cristine Reyes are now okay." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ab308313c.jpg">


Wowowee is Willie. Willie is Wowowee!"" data-url="https://www.pep.ph/news/22983/pokwang-wowowee-is-willie-willie-is-wowowee" data-desc="The comedienne says she and Cristine Reyes are now okay." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ab308313c.jpg"> Wowowee is Willie. Willie is Wowowee!"" data-url="https://www.pep.ph/news/22983/pokwang-wowowee-is-willie-willie-is-wowowee" data-desc="The comedienne says she and Cristine Reyes are now okay." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ab308313c.jpg"> Wowowee is Willie. Willie is Wowowee!"" data-url="https://www.pep.ph/news/22983/pokwang-wowowee-is-willie-willie-is-wowowee" data-desc="The comedienne says she and Cristine Reyes are now okay." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ab308313c.jpg"> Wowowee is Willie. Willie is Wowowee!"" data-url="https://www.pep.ph/news/22983/pokwang-wowowee-is-willie-willie-is-wowowee" data-desc="The comedienne says she and Cristine Reyes are now okay." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/ab308313c.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN