Rhian Ramos considers Jodi in Stairway To Heaven her "most challenging role"

"I've done different characters before on television and the hardest I've done before this was LaLola, kasi I have to act like a man doon, e. But that was comedy kaya anything goes. As compared naman ngayon sa ginagawa ko as Jodi, non-stop na dramahan ito," says Rhian Ramos about her role in Stairway To Heaven.


Pinaghahandaan nang husto ni Rhian Ramos ang pagganap niya bilang Jodi sa bagong drama series ng GMA-7 na Stairway To Heaven. Halaw ito sa isang sikat na Koreanovela na may ganun ding title at pinagbidahan nina Choi Ji Woo at Kwon Sang Woo.

Sabi ni Rhian sa PEP (Philippine Entertainment Portal), ang role na Jodi ang pinaka-challenging TV role na naibigay sa kanya. Bukod kasi sa very popular ang series na pinanggalingan ng character niya, malalim ang pagkakasulat ng istorya ng Stairway To Heaven.

"Based sa napanood kong series at sa script na isinulat nila, the character of Jodi is really something na paghihirapan kong gawin," simula niya. "It's really the most challenging role na naibigay sa akin kaya kailangan more than a hundred percent ang commitment ko sa series.

"I've done different characters before on television and the hardest I've done before this was LaLola, kasi I have to act like a man doon, e. But that was comedy kaya anything goes. As compared naman ngayon sa ginagawa ko as Jodi, non-stop na dramahan ito.

"Sinabihan na nga kami ni Direk Joyce [Bernal] na kailangan ang mindset namin ay nasa project lang at hindi kami mawawala sa mabuo na naming characters. Kapag nag-uusap nga kami, it's all about the series and nothing else. Doon niya sinusubok ang commitment namin sa project kaya hindi lang daw ito physically, but emotionally demanding pa."

WORKING WITH DINGDONG. Nakapag-taping na si Rhian at ang leading man niya sa Stairway To Heaven na si Dingdong Dantes, who plays the lead character Cholo, noong Lunes, August 24. Muli silang nagkasama sa second-day taping sa Enchanted Kingdom kahapon, August 26 Ang eksenang kinunan sa kanila ay ang marriage proposal na magaganap sa magandang carousel ng Enchanted Kingdom.

Working for the first time with Dingdong, according to Rhian, ay isang "exciting experience." Sa naging workshop pa lang daw nila ay gusto na niyang ma-discover si Dingdong bilang isang aktor at kung paano nito iha-handle ang role na Cholo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong first taping day naming dalawa, hindi pa masyadong mabibigat ang mga eksena. Happy moments muna ang kinunan sa amin and we had fun shooting it. Instruction sa amin ni Direk Joyce, gusto niyang maramdaman ang istorya sa interpretation ng characters namin. That's just what we did at natuwa naman si Direk Joyce sa aming dalawa.

"Siyempre, sa mga magiging tapings pa namin for the show, I will discover more of Dingdong as an actor. Ngayon kasi, we're just starting and we're still getting to know one another pa. But we're already comfortable sa mga eksena namin, which is a good sign," ngiti ni Rhian.

Kung meron mang napapansin si Rhian kay Dingdong, ito ay ang mga mata nito na "very expressive" daw.

"Noong workshop pa nga lang namin, yun kaagad ang napansin ko kay Dingdong. His eyes are very expressive and you can tell so much from somebody's eyes, di ba? When we did our first scene together, piercing ang mga eyes niya and you can already tell how deep Dingdong is sa role niya as Cholo. Kaya I am looking forward sa marami pa naming scenes ni Dingdong, because I know na magtutulungan kaming dalawa to make this a successful series," pagtatapos ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN