Nikki Gil on relationship with Billy Crawford: "Kung hindi man kami, I'm glad I got into it."

"Parang ang sakit naman nun on my part na ako ang gagamiting rason when, in fact, noong pumunta siya rito sa Philippines to do PDA [Pinoy Dream Academy], years or months before that, nag-lie-low na rin naman ang career niya in Europe," replies Nikki Gil when asked if she is the reason why boyfriend Billy Crawford is setting aside his international career.


Last August 23 ay nag-celebrate si Nikki Gil ng kanyang 22nd birthday. Masaya siya dahil halos lahat sa buhay niya ngayon ay OK. Katatapos niya ng college, gumaganda ang career, at merong good relationship with her boyfriend Billy Crawford.

So far, okay raw silang dalawa ni Billy at malaking bagay raw na marami nang napagdaanan ang kasintahan sa buhay at pakikipagrelasyon, kaya mature na rin ang approach nito sa relationship nila.

"Yung age difference namin has something to do with it and the maturity level. Kasi, mature na nga si Billy and he's been so much in life and ako naman, I'm still learning. So, parang may factor na kapag mainit ang ulo ko bilang babae, hindi niya ako sinasabayan," saad ni Nikki sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang mga nadi-discover niya kay Billy ngayong matagal-tagal na rin sila?

"He is very malambing. Kasi, siyempre, tingin ng mga tao sa kanya parang astig, pero malambing. Baby siya! Very thoughtful," nakangiting paglalarawan ni Nikki sa boyfriend.

Gaano na ba sila katagal?

"Secret!" sagot niya. "Amin na lang yun. Siguro, puwede kong sabihin na many months. Puwedeng thirteen months."

LOVERS' QUARREL. Sa "many months" na description niya, masasabi niya bang madalang lang yung mga away o tampuhan nilang dalawa, kung meron man?

"Ano kasi siya, bilang mature na siya, ayaw na niya yung pinapatagal pa ang away. Kunwari, meron kami na nagkainitan kami ng ulo, after 10 minutes, tanungin mo siya, record namin, the longest na away namin, 10 minutes!"

Aminado si Nikki na sa mga pagkakataon na yun, si Billy talaga ang mas nag-e-effort na makipag-ayos.

"Siya ang nagbabati sa amin. Babae ako, e!" natatawa niyang sabi.

Ano usually ang reason ng tampuhan nila?

"Kapag kunwari sasabihin kong tatawagan ko siya at hindi ko siya natawagan agad... Amerikano kasi, so kung ano yung sinabi mo, kailangan gawin mo. Yun lang naman, or hiritan, nagkapikunan kami. Pero yun lang. Aayusin niya kaagad yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw nagiging problema si Billy sa kanyang family, at ganun din naman si Nikki sa pamilya ni Billy.

"Billy is very polite," ani Nikki. "He's very cariƱoso. At hindi siya yung presko. Hindi siya yung pa-close. He's very respectful. He calls my dad, 'Sir.'

"Sa side naman niya, super nice ang family niya. He has a brother, and yung sister-in-law niya, nagba-badminton kami. And recently, I was on the phone with his dad and his mom. Binati nila ako ng happy birthday. Noong 24, birthday naman ng daddy ni Billy, so nagbatian kami. Very good, very, very good family."

IS BILLY HER LAST? After ng relationship ni Nikki with Gabriel Valenciano noon, si Billy na raw ang naging next boyfriend ng singer-TV host.

"Sobrang tagal na... It's like, what? Three to four years? So, sobrang clear na talaga," sabi ni Nikki.

Naniniwala rin siya na kapag break na, all ties should be cut na rin.

Si Billy na kaya ang last niya?

"Well, of course, I try to see it as much as I can," sabi niya. "But I know that there's no formula, at alam ko naman na no such thing as certainty or guarantee kapag pinasok mo ang relasyon. You just really have to enjoy the ride and wait until the end, kung merong pot of gold at the end of the rainbow, kung siya na nga yun.

"Pero yun na nga ang sabi ko, if there's anything, kung hindi man kami, I'm glad I got into it. I'm glad I've met him, shared moments with him because, definitely, nag-grow ako as a person."


BILLY'S INTERNATIONAL CAREER. Bilang isang international artist, malaki ang posibilidad na in the near future ay mag-focus muli si Billy sa kanyang career abroad. Paano 'pag ganito na ang set-up?

"I won't stop him," sagot ni Nikki. "We're just gonna have to work at it, but I definitely won't stop him. Career niya yun, e. That's what he is destined to do. He's destined to be great and amazing. And you know, not just for the Philippines to see it, but for the rest of the world. Because you know, such great talent, di ba? So, I won't stop him."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling kailangang mamili ni Billy between his career here or abroad?

"I'll let him choose," sabi ni Nikki. "Napag-uusapan na rin namin yun. Pero, siyempre, kung gusto mo naman, may paraan 'yan. There's always a way to make it work. Bakit naman yung mga kapamilya nating OFW, taun-taon ang binibilang nila? So, we'll see...we'll only know when it happens."

Ayaw namang tanggapin ni Nikki na siya ang reason kung bakit mas pinili ni Billy na mag-stay ngayon sa Pilipinas kesa i-pursue nito ang kanyang international career.

"Hindi naman po," tanggi ng dalaga. "Parang ang sakit naman nun on my part na ako ang gagamiting rason when, in fact, noong pumunta siya rito sa Philippines to do PDA [Pinoy Dream Academy], years or months before that, nag-lie-low na rin naman ang career niya in Europe.

"Siguro kaya ganoon ang lumalabas, only because wala tayong balita sa kanya. Ano ba ang balita natin sa kanya? Yun lang, yung PDA niya. Hindi na natin nabalitaan yung after that. So, prior to his coming, nagkaroon na rin naman ng rest period dahil nga he's working on establishing a name sa U.S. So, yun naman yun. Definitely, I'm not the reason. Of course, very supportive ako pagdating d'yan. If you have to leave, then you have to leave. It's fine, kasi d'yan ka naman talaga nag-umpisa. At saka, malungkot siya dun, e."

COCO MARTIN. Dahil naka-graduate na si Nikki sa kursong English Literature sa Ateneo de Manila University, heto't full blast na siya sa kanyang showbiz career. In fact, aside from ASAP at MYX, may dalawang serye rin na kasama si Nikki sa ABS-CBN, Agimat at Nagsimula sa Puso. In both soaps, silang dalawa ni Coco Martin ang magkapareha. Ginu-groom ba sila as a loveteam?

"Parang hindi naman... Not exactly uso, pero parang bihira na lang naman ang loveteam na loveteam talaga. Like ang pinaka-standout na lang na loveteam ngayon, si Kim-Gerald. All other artistas naman, sina-shuffle na. Like Bea Alonzo, you cannot exactly say Bea-John Lloyd lang. Si John Lloyd din, di naman exactly Bea lang, may John Lloyd-Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ang dami nang shuffling na nagaganap. And especially for someone like Coco who is very, very good with what he does, I don't see... Of course, I don't know the plans of the network, but I don't see him being limited to just one leading lady. Hindi ko nakikita yun. Parang ang malakas naman talaga nating loveteam is Kim and Gerald."

Pero masaya raw siya na kapareha niya ngayon si Coco.

"He's very, very talented. I mean, sabi ko nga kanina, nakatabi ko lang siya sa Vilma [Santos] special, ang dami kong natutunan sa kanya. Ang galing-galing niya with his experiences sa indie. Pinagkukuwentuhan namin ang mga napapanood namin sa screen, magaling talaga siyang artista and very humble," saad ni Nikki.

Masaya at excited din si Nikki dahil sa gagawin niyang play next year under Atlantis Production, ang stage-play adaptation ng Hollywood movie na Legally Blonde where she will play the lead role.

"It's a musical now in New York, so umiikot sila. Kami, next year, and I'm preparing for that, kaya undergo rin ako ngayon ng mga voice lessons," banggit ni Nikki.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN