Eugene Domingo is relieved that her launching movie will be shown in SM Cinemas

"Aminan na! Of course, napakalaking kakulangan kung wala tayong SM. Kulang na lang, every two minutes, may SM sa kalye. So, kung wala tayong SM at hindi tayo lalabas sa SM, malaking kabawasan yun. So, nagpapasalamat ako at naayos nang mapayapa ang lahat with the blessing of Star Cinema. At lahat naman 'yan, napag-usapan," says Eugene Domingo.


Kasama ng entertainment press at iba pang mga nanood ng press preview ng Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme kagabi, August 27, nakipila rin ang bida ng pelikula na si Eugene Domingo sa comfort room ng Shangri-La pagkatapos.

Halatang natuwa ang komedyana sa narinig na hindi halos nagtayuan ang mga nanood hangga't hindi tapos ang pelikula. Masaya rin si Uge sa positive feedback na natanggap niya right after the press preview.

SATISFIED WITH THE OUTCOME. Walang dudang pinaghirapan niya lahat ng eksena sa Kimmy Dora, kung saan hindi lang matatawa ang mga makakapanood kundi maiiyak din sila dahil sa ilang touching moments.

"Thank you," sambit ni Eugene nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Walang dobol yun! Ako lahat yun, promise! Nakita n'yo naman, halos parang dalawang pelikula na ang ginawa. At saka, hindi talaga tumitigil si Direk Joyce [Bernal] hangga't hindi malinaw sa kanya ang diperensiya ng dalawa. Si Kimmy, iba kay Dora. Hindi ko rin naman magagawa yun kung hindi ako nagabayan nang tama. Pati ang kanilang damdamin, kailangan tuluy-tuloy."

Dagdag niya, "I am so happy na kung ano ang napanood natin ngayong gabi, yun na yun mismo ang gusto ko na makita at gusto kong i-share sa inyong lahat. Na nakakatuwa, at the same time, may kurot sa puso."

Kagabi lang din daw napanood ni Eugene ang buong pelikula, kasama ang entertainment press. Nagawa ba ng pelikula ang expectations niya?

"Yes, yes," sagot niya. "In fact, noong nanonood ako, hindi ko iniisip na ako yun. Nanonood talaga 'ko ng pelikula at hindi nasayang yung bawat araw at bawat oras na ginugol namin dahil kumpleto at nandoon lahat ang hahanapin ng manonood sa sinehan, na sama-sama silang buong pamilya. So, may pampamilya, may pang-magkapatid, para sa mga nagtatrabaho, and it's all about having good relationship with your sister, your family, and yourself."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parang binuhos na niya ang lahat-lahat niya sa pelikula?

"Oo! Last ko ng pelikulang 'to! Okey na!" tawa nang tawa niyang sabi.

THE "STUNTWOMAN." Nagkapasa-pasa rin daw siya sa movie dahil nandiyang nagpagulong-gulong talaga siya sa bukid, nahulog sa imburnal, at kung ano-ano pang stunts na ginawa niya.

"Oo nga, nakita ko nga ang pasa ko sa screen. Kunwa-kunwarian lang kasi na may dobol ako. Pero yung dobol ko, taga-check lang kung ikamamatay ko ba yung stunts, pero ako rin ang gagawa!" biro niya.

Yun daw ang mga eksena na talagang nahirapan siya. "Isa yun at saka yung mga crying scenes. Hindi naman dahil sa pareho silang umiiyak kundi pareho silang malungkot. Iba kasi ang lungkot ng isa sa lungkot ng isa pa. Ganoon," paliwanag ni Eugene.

CELEBRITY GUESTS. Maraming celebrities ang nag-guest sa movie ni Eugene. Karamihan ay walang speaking lines at totoo nga sa sinabi ni Direk Joyce Bernal na huwag pipikit ang manonood para hindi ma-miss ang mga ito. How does she feel sa mga artistang sumuporta sa kanya?

"Mga coolest barkada 'yan ni Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal. At saka, siyempre, si Ms. Regine Velasquez, kasi ang cute-cute niya rito. Even Aiza Seguerra, si Senator Jinggoy Estrada na nagwalis lang! Si Rufa Mae Quinto, si Vhong Navarro, Paolo Ballesteros, Marvin Agustin, Eric Santos, Mark Bautista, Christian Bautista, Paolo Contis... Silang lahat, nagpapasalamat ako dahil kahit bumabagyo noong shooting namin, pumunta sila. Kasi, alam nilang masaya," saad ng komedyana.

MOMENT OF TRUTH. Ilang tulog na lang, regular showing na ng Kimmy Dora sa September 2. Pagkatapos ba niyang mapanood nang buo ang movie ay nawala na ang kaba niya kung meron man siyang nararamdaman?

"Definitely, may kaba pa rin. Pero, nabawasan ng maraming bahagi dahil nagustuhan ninyo. Una sa lahat, e, di ba, kayo nga, mga pintasera kayo! Aminin n'yo 'yan!" natatawang pahayag niya sa mga press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Tuwang-tuwa ako, ha! Tinapos n'yo! So, maraming salamat. Isang gauge yun na malamang, sa September 1, magkikita tayo ulit."

Definitely, na-relieve daw siya sa katotohanang maipalalabas ang Kimmy Dora sa SM Theaters.

"Aminan na! Of course, napakalaking kakulangan kung wala tayong SM. Kulang na lang, every two minutes, may SM sa kalye. So, kung wala tayong SM at hindi tayo lalabas sa SM, malaking kabawasan yun. So, nagpapasalamat ako at naayos nang mapayapa ang lahat with the blessing of Star Cinema. At lahat naman 'yan, napag-usapan," nakangiting sabi ni Eugene.




Trailer courtesy of Spring Films


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN