Regine Velasquez plans to accompany Ogie Alcasid when he visits his kids in Australia

"Matagal na kasi siyang hindi umuuwi. Nakakaawa nga. He loves his kids very much. Kaya supportive naman ako. Maski si Michelle [Van Eimeren], okey na rin with Mark [Morrow, Michelle's fiancé]. Kumbaga, wala nang problema," said Regine.


Pabulosa ang paglulunsad ng Reigne at Songbird, dalawang bagong brands of perfume na inilabas ng Herbench sa market, at ang main endorser nito ay si Regine Velasquez.

Sa atrium ng SM Mall of Asia noong Biyernes, August 28, isang napakaglamorosang Regine Verlasquez ang tumambad kamakailan para sa launching. Nagkaroon ng mini-concert at halatang may hangover pa si Regine sa pagdiriwang nila ni Ogie Alcasid ng birthday nitong huli.

"Nag-drive lang kami papuntang Batangas at Tagaytay," sabi ni Regine. "It's seldom that we spend time together. Dalawang magkasunod na pelikula ang tinapos ni Ogie, and after that, ako naman kasi ang magiging busy.

"Gustong-gusto ko kasi yung nagda-drive siya. Kanta lang kami nang kanta. Nag-overnight kami at nag-dinner kami sa Antonio's. First time namin doon. Ogie likes bringing me to places I've never been to, yung may fine dining.

"Hindi ko kasi nae-experience nang bongga yun. Pang-Chowking lang ako at McDonald's!" napaka-candid na inamin ni Regine.

Gusto raw ni Regine na bigyan si Ogie ng decent recording equipment, yung hindi naman daw pang-mayaman, basta hindi siya magkakaproblema.

"Yung maganda ang quality, hindi yung kapag gumagawa siya ng demo tapes niya, may maririnig kang tumatahol na aso," natatawa pa siya. "Naririnig mo yung demos niya kung minsan, may tumatahol.

"Nakakaawa naman, e, yun ang trabaho niya. Gusto ko kasing i-encourage siya to arrange. Dati kasi, nag-aareglo talaga siya. Noong bata pa siya, nag-a-arrange, but then, he stopped. Hindi ko alam kung bakit."

VISIT TO AUSTRALIA. Nabanggit din ni Regine na nagbabalak sila ni Ogie na tumungo sa Australia, para dalawin ni Ogie ang kanyang mga anak roon.

"Matagal na kasi siyang hindi umuuwi. Nakakaawa nga. He loves his kids very much. Kaya supportive naman ako. Maski si Michelle [Van Eimeren], okey na rin with Mark [Morrow, ang fiancé ni Michelle]. Kumbaga, wala nang problema," sabi ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano pa ba ang kulang kay Regine ngayon? Parang nabuo na lahat ng mga pangarap niya.

"Naku, pangarap kong magkaroon ng sarili kong SM mall," at natawa siya. "So far, wala naman akong ibang mahihiling. Okey na muna ako sa ganito. Masaya rin naman, kaya wala akong dapat gawin kung hindi magpasalamat na lang sa Diyos sa lahat ng blessings," sagot ni Reg.

Umaasam din si Regine na sa kasalan na humantong ang relasyon nila ni Ogie. Pero, siyempre, may mga bagay na dapat talagang ayusin pa bago mangyari ito, lalo na ang annulment, na siyang dahilan kung bakit hindi sila basta nagsasalita tungkol sa situwasyon nila.

Naumpisahan na rin daw pala ang shooting ng yet-to-be-titled third movie nila ni Aga Muhlach.

"Nagsu-shooting na siya," ani Regine. "Hindi kami madalas magtatagpo. Kasi, noong siya ang busy, mga eksena ko ang kinukunan. Kung wala naman ako, siya ang magsu-shoot."

Walang dudang in love na in love si Regine dahil masaya na siyang nakikitang masaya si Ogie.

"Lahat ng friends niya, nakasama niya sa pagse-celebrate niya," sabi ni Regine. "Pumunta si Manny Pacquiao, e, idol na idol niya yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN