Zanjoe Marudo plays love interest who tames feisty Kimmy in Kimmy Dora

In real life, Zanjoe Marudo is devoted to girlfriend Mariel Rodriguez. Rumors that they've broken up are not true, he says: "Basta kami ni Mariel, ganun pa rin, maayos at masaya kaming dalawa."


After the Luis Manzano and Angel Locsin breakup, nabalitaang nauwi rin daw sa hiwalayan ang relasyong Zanjoe Marudo at Mariel Rodriguez, at balita pa'y labis raw na dinamdam ng TV host/actress ang paghihiwalay nila.

But when PEP (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Zanjoe recently, nagpahayag ng labis na pagtataka ang aktor dahil di naman daw sila break ng girlfriend niya at maayos ang itinatakbo ng relasyon nila.

"Nagulat nga ako nung birthday ni Mamang kasi sabay kaming nagpunta ni Mariel. May mga nagsabi sa akin, 'O, di naman pala kayo break ni Mariel.' Dun ko lang nalaman na may ganun palang issue sa amin, di ko alam kung saan nanggaling."

"Basta kami ni Mariel, ganun pa rin, maayos at masaya kaming dalawa."

May ilang nagbigay ng kani-kanyang opinion. Baka daw kawalan ng oras sa isa't isa ang ang pinag-awayan nina Mariel at Zanjoe, lalo't parehong busy sila. May mga nagsasabi rin na mukha raw kasing mas matimbang o mas higit ang pagmamahal ni Mariel sa boyfriend kung kaya't ito ang higit na nagdadala ng kanilang relasyon.

"Kung nagkaproblema man kami dati, yung time talaga, yun lang naman ang naging problema namin kasi busy kami pareho, busy siya at busy rin ako pero nalagpasan na namin yun. Siguro nag-matured na rin kami na naiintindihan na namin yung ganung mga bagay. Hindi naman habang buhay busy kami, ang dami pang time na puwede kaming magkita, magsama.

"Ngayon na busy kami, masaya kami na kahit pagod kami, di man kami nagkikita, nagtatrabaho naman kaming dalawa. Mas maganda naman yun [kaysa] lagi nga kayong nagkikita, wala naman kayong ginagawang iba.

"Yun nga siguro ang pinagkaiba ng personality naming pareho. Si Ma kasi kahit saan bagay. Kahit saan mo dalhin, kahit kanino man, kahit kanino mo dalhin, kahit sa mga kaibigan namin, open siya sa nararamdaman niya, sasabihin niya ang gusto niyang sabihin. Ako naman yung tahimik lang. Di naman ako ma-share talaga sa mga bagay-bagay siguro kaya yun ang napapansin at iniisip ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung pareho ang feelings namin, oo naman, pareho naman. Di naman siguro magwo-work o magtatagal kung one-sided lang, di ba?'

Sa tanong namin kung nakita na ba niya kay Mariel ang babaeng gusto niyang pakasalan at makasama habang-buhay, umoo naman sa amin ang aktor.

"Siyempre pag nasa relationship ka, kung sinong girlfriend mo, kung sino ang karelasyon mo, iniisip mo na siya na. Di ka naman naggi-girfriend para lang masabi na may karelasyon ka."

TROUBLE IN PARIS? Gumaganap si Zanjoe bilang Martin sa teleseryeng Lovers in Paris. Hiningan namin siya ng klaripikasyon kung may katotohanan ang bali-balita na marami daw eksenang ni-reshoot dahil bukod sa wala raw makitang chemistry kina Piolo Pascual at KC Concepcion ay di raw kuntento ang management sa kinalabasan nito.

"Wala akong alam na ganun pero yung show namin siguro pinapaganda lang lalo kasi sa Paris shinoot tapos yung mga artistang kasama mo, malalaking artista talaga. Sobrang ganda kasi ng Lovers in Paris so talagang pinaghahandaan namin na sana man lang mapantayan namin kung paano sinuportahan ng mga tao yung original kasi ayaw namin na mayroong mapipintas ang tao pag napanood nila yung Filipino version na malayo o di naman ganun ang gusto nila."

Showing na sa September 2 and Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme, kunsaan gumaganap si Zanjoe bilang love interest ni Kimmy sa istorya.

"Isa akong probinsyano na dati akong taga-Manila na nagdesisyong lumipat sa probinsya at magsaka ako dun sa lupa namin. Na-meet ko si Kimmy, yung karakter ni Uge na isa, ako yung nagpabago sa ugali niya.

"Nung in-offered sa akin yung role, di na ako nagdalawang-isip kasi unang-una si Uge, yung istorya saka pelikula niya yun, siyempre susuportahan ko. Isa siya sa mga artistang nakatrabaho ko na na naging close ko. Nung nag-uumpisa ako dati, sinuportahan niya rin ako, tinulungan niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naging mag-Ate kami before sa Kookey kaya lang nasa kabilang istasyon na siya, so sayang. Buti na lang nagkaroon ng KimmyDora, kaya nung in-offered sa akin ito, tinanggap ko agad kasi dito mauulit na magkasama kaming uling dalawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN