Robin Padilla is the first male celebrity cover of FHM

"Kailangan ko pang titigan talaga nang husto para makilala ko ang sarili ko. Ibang klase! Ganyan kaganda ang ginawa nila sa pagiging cover ko kaya salamat sa FHM," said the action superstar.


Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng male celebrity sa cover ng FHM Philippines, sa September 2009 issue nila. Ang kanilang napili bilang first male celebrity cover ay walang iba kundi si Robin Padilla.

Ang September 2009 issue ay special edition na tinawag nilang "FHM Collection." Ka-back-to-back ni Robin dito bilang cover ang hinirang na FHM Sexiest Woman this year na si Cristine Reyes.

Kuwento ni Robin sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nang tawagan daw siya para maging cover ng special edition ng FHM ay nagulat siya dahil akala niya ay paghuhubarin din siya.

"Yun kasi ang pagkakaalam ko sa FHM, e—sexy at halos walang suot ang mga nasa cover nilang mga babae. Kung kukunin nila ako, sinabi ko na hindi ako puwedeng mag-bold! Gustuhin ko man, maraming hindi papayag, e!" malakas na tawa ni Binoe.

Dagdag niya, "Pero noong i-explain sa akin ang concept ng cover para sa akin, nagkainteres ako at pumayag ako. Para kasing kakaiba ang gagawin kong cover shoot, e. First time kong gagawin 'yon at nagpapasalamat ako sa mga taga-FHM dahil ako ang una nilang naisip na kunin.

"Isa pang ikinatutuwa ko ay hindi lang ako ang mababasa nila sa FHM na 'yon kundi ang iba pang male icons ng ating panahon. Marami po sila kaya I am proud to be one of them."

JUN DE LEON. Ang ace lensman na si Jun de Leon ang namahala sa mga litrato ni Binoe na lumabas sa cover at sa inside pages. Banggit ni Binoe, kabisado na ni Jun ang kanyang personality kaya maganda ang working relationship nila.

"Matagal na kaming nagtatrabaho niyan," sabi ng action superstar. "Halos lahat ng mga litrato ko ay siya ang kumukuha. Kaya basang-basa na niya ako at alam na niya ang mga anggulo ko. Diyan magaling si Mr. Jun de Leon.

"Gusto kasi niya na maging relaxed ako sa shoot kasi hindi ako action star sa cover. Pormal at malinis tingnan, pero nandoon pa rin ang personality ko. Nakuha nga niya sa test shot pa lang kaya tuluy-tuloy ang naging trabaho namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A DIFFERENT ROBIN. Maninibago raw ang mga fans ni Binoe dahil ang dating Robin Padilla na kilala nilang parating nakukunan na naka-leather jacket, tattered jeans, leather boots, at bad boy ang hitsura ay clean-cut ang image sa FHM special edition. Sinadya talagang ipakita ang ibang side na ito ni Binoe.

"Noong makita ko nga ang mga damit, ang gaganda at ang mamahal!" tawa niya. "Tamang panahon na raw na magsuot na ako ng mga gano'n ngayon. Nasanay kasi ang marami sa usual na hitsura ko, kaya medyo iniba nila.

"Nagustuhan ko at nag-enjoy ako sa pictorial namin, naging natural lang ako. May mga nagustuhan nga ako sa mga damit na sinuot ko. Nabili ko tuloy yung isang set! May mga inaawitan pa ako na iba na gusto ko!" patuloy sa pagtawa si Robin.

Biro nga ni Binoe, hindi raw niya makikilala ang sarili niya kung sakaling lumabas na ang magazine na hindi niya alam.

"Oo nga, e. Kailangan ko pang titigan talaga nang husto para makilala ko ang sarili ko. Ibang klase! Ganyan kaganda ang ginawa nila sa pagiging cover ko kaya salamat sa FHM," sambit niya.

Nananawagan nga si Binoe sa kanyang mga tagahanga na bilhin ang FHM magazine kung saan nasa cover siya. Collector's item daw ito kaya pati raw siya ay bibili nang marami.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN