Jean Garcia plays her meanest role ever in Stairway To Heaven

"Feeling ko, hindi na ako makakalabas ng bahay ko kapag naipalabas na itong Stairway To Heaven! Super maldita talaga ako dito. At nananakit ako, ha! Hindi lang si Jodi ang sasaktan ko kundi halos lahat ng mga tao sa series ay makakatikim sa akin. Kaya scared na ako sa magiging reaction ng mga manonood sa series namin," says Jean Garcia about her role in Stairway To Heaven.


Muli na namang kaiinisan si Jean Garcia sa role niya bilang Maita sa upcoming drama series ng GMA-7 na Stairway To Heaven. Gaganap siya rito bilang stepmother ni Jodi (na gagampanan ni Rhian Ramos) at matindi raw ang pagpapahirap na gagawin niya sa mga tauhan ng bagong telenovela na ito na hango sa isang sikat na Koreanovela.

Sabi ni Jean sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nakikita na raw niya kung paano magre-react ang mga manonood sa mga gagawin niya sa series. Hindi lang daw pagtataray ang gagawin niya kundi mananakit pa siya nang pisikal dito.

"Kaya feeling ko, hindi na ako makakalabas ng bahay ko kapag naipalabas na itong Stairway To Heaven!" natatawang sabi ni Jean. "Super maldita talaga ako dito. At nananakit ako, ha! Hindi lang si Jodi ang sasaktan ko kundi halos lahat ng mga tao sa series ay makakatikim sa akin. Kaya scared na ako sa magiging reaction ng mga manonood sa series namin."

Itong role daw na Maita ang pinakamabigat na role niya kumpara sa mga naibigay na sa kanya ng GMA-7 gaya ng Majika, Atlantika, Impostora, La Vendetta, Dyesebel at All About Eve.

"Noong pinanood ko nga yung Koreanovela, totoo nga namang ang sama-sama ng role ko dun. So, kailangan higitan ko raw 'yon. Hindi ba, ang mga soap drama natin, e, iyakan at sakitan to the max? Gano'n daw dapat kaya kinakabahan na ako. Kasi baka this time, magalit na ang taong-bayan sa akin! Pero isipin lang nila na acting ang lahat. Trabaho lang po ito at walang personalan. Inuutusan lang po ako ng director ko [Joyce Bernal], or else wala akong trabaho!" tawa ni Jean.

Bukod kay Rhian, makakasama rin ni Jean sa Stairway To Heaven sina Dingdong Dantes, TJ Trinidad at Glaiza de Castro.


JENNICA AND MART. Ano naman ang komento niya sa balitang liligawan daw ulit ni Mart Escudero ang anak niyang si Jennica Garcia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, ayokong magsalita tungkol diyan at baka pagalitan ako ng anak ko!" tawa niya. "Hindi ba, ako ang nanay na natatakot sa kanyang anak kasi napakatsismosa ko! Sa balitang 'yan, si Jennica na lang ang sasagot. She's the best person to ask that. Ako, ina lang ako na gusto lang ang magandang mga bagay para sa kanyang anak."

Kung sakali ngang totoo, pabor ba siya na maging sina Jennica at Mart ulit?

"Kung saan happy si Jennica, magiging happy din ako," sagot ni Jean. "Kahit naman sinong magulang, ang gusto ay ang kaligayahan at kaligtasan ng kanyang anak, di ba? If Jen feels na puwede pa sila ni Mart, then go, di ba? It's her decision. Ngayon, kung ayaw niya, then decision pa rin niya 'yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN