Rufa Mae Quinto admits engagement to her non-showbiz boyfriend

"Talagang serious na bagay itong pinasok ko and I feel that it's time na gawin ko na ito. I'm not getting any younger at sabi nga nila, kapag dumating na ang taong 'yon, huwag mo nang pakawalan. Kaya heto at paninindigan ko na ito," says Rufa Mae Quinto about her engagement.


Sunud-sunod na sinagot ni Rufa Mae Quinto ang mga intriga sa kanya ngayon sa cast pictorial ng pelikulang Wapakman sa Wings Photography Studio ni Jun de Leon last Thursday, August 27. Si Rufa Mae ang gumaganap na misis ni Manny "Pacman" Pacquiao sa Wapakman, na entry sa 2009 Metro Manila Film Festival.

HER HOUSE IN SAN FRANCISCO. Unang sinagot ni Rufa Mae ang tungkol sa kanyang P30-million na bahay sa San Francisco, California. May nagpadala kasi ng anonymous e-mails sa ilang entertainment press at sinasabing hindi raw pag-aari ni Rufa Mae ang naturang multimillion peso house sa California gaya ng sinasabi ng sexy comedienne. Ipinagdiinan ng mga nag-e-mail na hindi raw posibleng makabili si Rufa Mae ng property sa US dahil hindi naman siya US citizen. Kaya hindi raw totoo na may nabiling bahay doon ang komedyana.

"Noong may nagpakita nga sa akin ng e-mail na 'yon, siyempre unang reaction ko, 'Sino ba ang mga 'yan? Totoong tao ba sila?' Kasi baka gawa-gawa lang ng kung sino diyan, di ba? Kaya inisip ko na baka imaginary friends lang sila! Ang nakakatawa diyan, big deal sa kanila ang balitang may bahay na ako sa US. Gosh, hindi sila busy sa ibang bagay at ako ang pinag-iinitan nila! At nakalagay pa sa e-mail na nakitira lang daw ako doon sa bahay, tapos inangkin ko na! Parang mga stalker ko sila, di ba? Alam nila kung saan ako pumupunta!" natatawang sagot ni Rufa Mae.

Sinabi niya na totoong hindi siya US citizen kaya ang bumili ng property niyang yun sa San Francisco ay ang karelasyon niya ngayon na tagaroon.

"Kaya nga regalo sa akin, di ba?" diin ng sexy comedienne. "Hindi ako ang bumili kundi iniregalo sa akin. Understandable naman na hindi ako puwedeng makabili ng properties sa US kasi hindi naman ako tagadun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung karelasyon ko ngayon ang gumawa ng paraan para maregaluhan ako ng bahay. At ililipat niya 'yon sa name ko very soon, kaya hintayin nila at ipapakita ko sa kanila ang mga papeles na gusto nilang makita para matahimik na ang buhay nila," paliwanag niya.

May lumabas ding report na ang leading man niya sa Wapakman na si Manny Pacquiao ang nagregalo ng bahay sa kanya. Ano ang masasabi niya rito?

"Wow, ang bongga ko naman! Ka-level ko na ba si Jinkee Pacquaio para maregaluhan ako ng bahay ni Pacman?" natatawang sabi ni Rufa Mae. "Nakakahiya nga kay Manny kasi pati siya nadadamay sa issue na ito. Si Manny, matagal ko na siyang kilala since gumawa kami ng commercial dati. Mabait si Manny kaya nahihiya ako dahil hindi naman siya dapat masama sa ganitong tsismis.

"Nahihiya rin ako kay Jinkee kasi mabait ang taong 'yan sa akin. Tuwing nagkikita kami, panay ang imbita niya. Lalo na kapag may laban si Manny sa Las Vegas, lagi niya akong tinatanong kung gusto kong manood kasi may makukunan siyang ticket para sa akin.

"Kaya please, ilabas na nila si Manny sa tsismis na ito kasi ang bait nilang mag-asawa sa akin. Happy nga ako kasi pumayag si Manny na ako ang leading lady niya sa movie niyang ito. Wholesome ang movie namin kaya dapat walang tsismis na ganyan sa amin," sabi ni Rufa Mae.


HER ENGAGEMENT. Isiniwalat din ni Rufa Mae ang kanyang plano na mag-settle down next year. Napag-usapan na raw nila ito ng kanyang karelasyon ngayon—a non-showbiz guy na kung tawagin ni Rufa Mae ay kanyang "kabalen." Engaged na raw silang dalawa, pero tahimik lang si Rufa Mae tungkol dito.

"Sinadya kong hindi muna sabihin 'yon. Matagal na siyang nag-propose sa akin. Yung engagement ring, hindi ko siya sinusuot kapag nasa mga showbiz functions ako. Talagang itinatago namin 'yon, kasi gusto namin na right time sabihin lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero heto at ikinuwento ko na nga, kahit 'yon muna ang ire-reveal ko. Kung sino siya, saka na lang nila malalaman. Nag-promise ako sa GMA-7 at sa Showbiz Central na sa kanila ko lang ipapakita yung mahal ko nang exclusive. Kaya wait na lang silang lahat," saad ng 31-year-old comedienne.

Kaya unti-unti na nga raw na hinahanda nila ang mga dapat gawin kung sakaling bigla silang magpakasal sa 2010.

"Inaayos pa naming lahat. Ngayon kasi, wala siya sa Pilipinas. May mga inaasikaso siya sa US ngayon. Gusto kasi namin ay walang aberya kapag nakapag-decide na kami ng date.

"Talagang serious na bagay itong pinasok ko and I feel that it's time na gawin ko na ito. I'm not getting any younger at sabi nga nila, kapag dumating na ang taong 'yon, huwag mo nang pakawalan. Kaya heto at paninindigan ko na ito," seryosong sabi ni Rufa Mae.

A LIFE AWAY FROM SHOWBIZ. Sa US plano ni Rufa Mae at ng kanyang future husband na tumira. Gusto raw ng comedienne na i-enjoy ang mamuhay na malayo muna sa showbiz limelight.

"Doon namin balak mag-stay kapag kasal na kami. Siyempre, gusto naming ma-enjoy ang isa't isa. Gusto muna naming mag-travel sa kung saan-saan. At gusto ko rin ngang magbakasyon muna nang matagal kapag kasal na kami. Siyempre, kung nasaan siya, dapat nandoon din ako. Yung every moment na magkasama kami ay gusto kong i-treasure 'yon," kuwento pa niya.

Hindi pa raw muna magbubuntis si Rufa Mae. Kapag sobrang ready na raw sila to start a family, gusto rin niyang nagkaroon sila ng maraming anak.

"Galing ako sa malaking pamilya, di ba?" sabi niya. "Masaya kasi kapag marami kayong magkakapatid. Maganda ang bonding kapag marami kayo sa family. Pero napagkasunduan namin na huwag munang mag-baby. Kasi magta-travel pa kami sa kung saan-saan. Kapag okey na lahat at kaya na naming magpamilya, then go, go, go! Pagaspas na sa pagbubuntis!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya ba nakapagbitaw ng salita si Rufa Mae na hanggang December na lang siya magiging active sa showbiz dahil ready na siyang ipagpalit ito sa isang tahimik na pamumuhay?

"It's true na naisip ko rin yun na mag-lie low na pagpasok ng 2010. Gusto ko naman unahin na ang personal life ko. Kasi sa tagal ko sa showbiz, it's always other people at ang trabaho ang naging sentro ng buhay ko. Pero dahil sa sunud-sunod ang mga dumating na biyaya from God, parang sign nga na huwag muna ako mag-slow down. Go lang nang go parati habang may trabaho!

"Nakakatuwa kasi bigla akong nakasama ako sa Darna na ang taas ng ratings. Tapos pumasok itong movie with Manny Pacquaio. Tapos, nandiyan pa rin ang iba kong shows na Showbiz Central, SOP at Bubble Gang. So parang wala naman akong utang na loob sa Kanya kung basta na lang ako titigil, di ba?

"So siguro nga, hindi pa time na mag-slow down ako kasi nga pumapagaspas pa ang career ko. Kaya go for the gold pa rin tayo!" saad ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN