Aiko Melendez says politicians should stay out of MMFF

"Ang sa akin lang, they should give the proper expertise doon sa mga taong nakakaalam talaga. What's so sad about it, ang mga politician, hindi sila dapat involved dito, unless they are really a part of the industry... Hindi pinakikialaman pa yung mga bagay na dapat tayo-tayo sa industry ang nakakaalam at namamalakad, gaya ng Metro Manila Film Festival," says politician-actress Aiko Melendez.


Pinasyalan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang last shooting day ng pelikulangYaya and Angelina: The Spoiled Brat Moviesa Elizabeth Seton School sa Las Piñas at inabutan namin doon si Aiko Melendez. Ang kahuli-hulihang pelikulang nagawa ni Aiko ay ang Kahit Kailan (1997), bago pa niya pinasok ang mundo ng pulitika.

"Tinanggap ko ang movie na ito dahil wholesome, for the whole family," sabi ni Aiko. "Maganda naman sigurong magbalik ako sa pelikula through something light. At saka mahirap tanggihan si Mr. Tony Tuviera at ang anak niyang si Direk Mike Tuviera. Sila bale ang nag-produce at nagdidirek nito, respectively, for APT Entertainment and GMA Films. Na-miss ko rin ang ganitong klaseng project dahil nag-umpisa ako sa Bubble Gang noon, di ba?"

WORKING WITH JOMARI. Bida sa Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie sina Ogie Alcasid at Michael V, na gumaganap bilang sina Angelina at Yaya—mga karakter na pinasikat nila sa Bubble Gang. Kasama rin sa pelikula ang ex-husband ni Aiko na si Jomari Yllana.

How is it working with Jomari this time?

"Okey naman," sagot ni Aiko. "Kasi yung working relationship namin ni Jom, after the last movie na nagawa namin, yung Kahit Kailan, maski noon naman, magaan na. Yung ibang kasama ko rin dito like Ogie Alcasid, Michael V, Roxanne [Guinoo] and the others, magaang katrabaho."

POLITICAL MOTIVE? May mga nagsasabi na malapit na kasi ang eleksiyon kaya gumagawa na naman ng pelikula si Aiko para mag-ingay. Matatapos na kasi ang term niya bilang konsehala ng 3rd district ng Quezon City, at sasabak na siya sa kampanya next year bilang vice-mayor candidate ng Q.C.

Gaano katotoo na deliberately ay ginagawa rin ito ni Aiko para umingay na muli ang pangalan niya sa political arena?

"No, kasi last year, I did Maalaala Mo Kaya already," sabi ng actress-politician. "Last year, dapat ay gumawa na rin ako ng pelikula, pero nauna kasi ito. Na-timing-an lang talaga. Ako naman, kung may magandang offer, sige lang. Bago rin siguro ako maging abala sa iba pang bagay, like my campaign at iba pang proyekto, gawin ko muna ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


MMFF ISSUE. Nagkataong sa shooting that day ay kaeksena ni Aiko si Leo Martinez. Nang magkumustahan sila, narinig namin ang kuwentuhan nila tungkol sa anomalya diumanong nasangkutan ni MMDA Chairman Bayani Fernando tungkol sa "cash gifts" na natatanggap nito bilang tagapangasiwa ng taunang Metro Manila Film Festival (MMFF). (Click here to read related story.)

Naitanong tuloy namin kay Aiko kung ano ang reaksiyon niya rito dahil kung tutuusin ay apektado rin sa isyung ito ang Quezon City at ang buong movie industry.

"I am affected, kaya nga kinausap ko na si Tito Leo tungkol sa bagay na ito," sabi ni Aiko. "I support his views, being one of the leaders sa Film Academy of the Philippines, and the others, too, na they all share the same sentiments. Iba-iba kasi ang turf natin. Kaya nga tayo naririto sa industriyang ito dahil alam natin kung ano ang magagawa at maibibigay natin para rito.

"Ang sa akin lang, they should give the proper expertise doon sa mga taong nakakaalam talaga. What's so sad about it, ang mga politician, hindi sila dapat involved dito, unless they are really a part of the industry. Ang dapat kasing ginagawa ng ibang politician, tumutulong na lang sa atin sa pagpapaangat ng industriyang naghihingalo na. Gumawa na lang ng ways to uplift the [movie] industry by doing resolutions kung paano maia-uplift uli ang industry. Hindi pinakikialaman pa yung mga bagay na dapat tayo-tayo sa industry ang nakakaalam at namamalakad, gaya ng Metro Manila Film Festival.

"It's about time na ang mga taga-industriya should make a stand also. We shouldn't be used by politicians. We should make a stand, as one, na maipaglaban natin ang industriyang ito. Galing ako rito, kaya my heart is bleeding right now kung may mga ganyan. Hindi ako magiging ganito rin kung hindi dahil sa industriyang ito. Kaya willing ako to find ways para makatulong din naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya kami sa Council, with Councilor Ariel Inton of the 3rd District of Q.C., gumawa kami ng resolution sa Q.C. para yung kinikita ng local movies, 20 percent ay mapupunta talaga sa industriya, para makatulong talaga. Walang ganyang resolution, at naisip namin 'yan para sa Q.C., magkakaroon kami ng allocation talaga sa city natin na may tax rebate talaga para sa local movies," saad ni Aiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN