Mariel Rodriguez awaits return of Willie Revillame in Wowowee

"Mahirap na wala siya, iba pa rin pag nandun siya. Nami-miss siya ng mga tao. Siyempre Wowowee is Willie Revillame," says Mariel Rodriguez.


Nagpalabas ang ABS-CBN ng statement na hanggang September 20 pa ang "indefinite leave" ni Willie Revillame sa noontime show nilang Wowowee. Aminado ang isa sa mga co-host ng programa na si Mariel Rodriguez na mahirap na wala si Willie sa show at isa siya sa nag-aabang at umaasa sa pagbabalik ng TV host. (Click here to read related story.)

"Ang daming lumalabas—may [September] 21, may 20... Hindi ko talaga alam kung kailan yun. Kasama na rin ninyo akong nag-aabang na sana bumalik na siya. I'm also excited because we're going to go to the States for shows ng Wowowee. And Friday [September 4], we're leaving na, so makakasama na namin siya [Willie] dun. Sure na sure na yun, mapapanod kami ng mga kababayan natin in Lake Tahoe and Seattle.

"Mahirap na wala siya, iba pa rin 'pag nandun siya. Nami-miss siya ng mga tao. Siyempre Wowowee is Willie Revillame," saad ni Mariel nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Star Magic Ball last Sunday, August 30, sa Shangri-La, Makati.

Sa kabila ng pansamantalang pagkawala ni Willie sa Wowowee ay consistent naman daw na mataas ang rating ng show nila, base sa national ratings ng Taylor Nelson Sofres. Isang bagay na sobrang ipinagpapasalamat ni Mariel sa publiko.

"Thank God!" sambit ni Mariel. "Thank you, sana patuloy pa rin ang pagsuporta nila sa show namin. Feeling ko kasi, a part of them, they are hoping na baka today, babalik na siya [Willie]. But feeling ko naman, it's really the show they learned to love. They enjoy hearing the stories of other people, nakaka-relate sila. So, baka yun din kaya sila nakatutok. I'm very grateful na kahit papaano, hindi nawawala ang suporta nila sa amin at sa programa."

Para sa iba, ang pagkawala ni Willie sa Wowowee ay isang pagsubok sa mga co-host at staff nito na mapatunayang kaya rin nilang tumayo sa sariling paa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Mariel, "I've been in Wowowee for three years, and in that three years, nakita ko kung paano nag-evolve, kung paano nag-mature from the hosts to the staff, yung mga crew namin. Talagang very united kami, para kaming pamilya doon. Tulong-tulong kami ngayon hanggang wala siya. Kahit papaano, it helps us to become even stronger. Kasi nga, mayroong isang malaking pagsubok na hinaharap at pinagdadaanan kami. 'Saka may blessing yun ni Kuya."

STILL VERY MUCH TOGETHER. Gaya ng boyfriend niyang si Zanjoe Marudo, nagulat din si Mariel sa balitang break na sila. Sa ginanap ngang Star Magic Ball ay magkasama sila, patunay na hindi totoo ang balita.

"Actually, this is the first time I heard about it. We're okay, we're together and we're happy," paniniguro ni Mariel sa PEP.

Dahil matagal-tagal na rin naman ang relasyon nila ni Zanjoe, ano ba ang sikreto nila at napanatili nilang matatag ang samahan nila?

"Respect, trust, and love," sagot ni Mariel. "I think it's a little bit of everything naman. 'Saka pag may lumabas na issue, napag-uusapan namin. Yung oras, kasama sa trabaho yun, ganun talaga, and both of us understand it."


Click HERE to view photos taken during the 2009 Star Magic Ball.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN