Meryll Soriano defends her dad Willie Revillame

"Alam mo, misunderstanding lang yun. Ang gusto lang ni Papa ay hindi magkasabay yung pagkakasayahan nila sa studio at sa footage ni Madame Cory. Out of respect na rin sa wake nito, so nakapagsalita siya on air na mali lang ang pagkakasabi ni Papa. It already happened. He [offered] apology naman, and okey naman sa pamilya Aquino," says Meryll Soriano in defense of her father, Wowowee host Willie Revillame.


Sa pansamantalang pagkawala ni Willie Revillame sa Wowowee at sa statement na inilabas ng ABS-CBN na hanggang September 20 pa ang "indefinite leave" ng TV host, hindi itinago ni Meryll Soriano na bilang anak ay nasasaktan siya sa mga masasakit na salita at paratang na ipinupukol sa kanyang ama.

"It feels sad, kasi alam ko na gustung-gusto ni Papa na gawin yung show. Alam n'yo naman na yun ang passion niya. But it's also good because he's getting rest. Fresh na fresh siya ngayon. Kung babalik nga siya, masaya ako diyan kasi nami-miss na siya ng mga tao. At least, makikita ng mga tao na nakapag-recharge na siya at fresh siya," saad ni Meryll nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Star Magic Ball last August 30.

Ipinagtanggol din ni Meryll ang kanyang ama sa paratang ng iba na "binastos" diumano ng TV host si dating President Cory Aquino dahil sa pagpapatigil nito ng live feed ng cortege ng yumaong pangulo.

"Alam mo, misunderstanding lang yun. Ang gusto lang ni Papa ay hindi magkasabay yung pagkakasayahan nila sa studio at sa footage ni Madame Cory. Out of respect na rin sa wake nito, so nakapagsalita siya on air na mali lang ang pagkakasabi ni Papa. It already happened. He [offered] apology naman, and okey naman sa pamilya Aquino," sabi ni Meryll.

May mga lumabas ding kuwento na masama raw ang loob ni Willie sa ABS-CBN dahil sa nangyari. Sa pagkakaalam ni Meryll, may katotohanan ba ang naturang usap-usapan?

"Naku, hindi ko alam! I can't speak on his behalf, kasi siyempre yung ganung mga issues, hindi namin pinag-uusapan yun," sagot ni Meryll.


Click HERE to view photos taken during the 2009 Star Magic Ball.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN