Xian Lim is open to sexy roles as he matures

"Maybe as I grow, as I mature, kaya na yung iba pang mas daring na eksena. Sa ngayon kasi, bata pa ako, kaya may mga limitations pa talaga ako," says Xian Lim about doing nude scenes.


Isa sa hottest male newcomers ngayon ay si Xian Lim. Kasama siya sa cast ng bagong drama series ng ABS-CBN na Katorse, along with Erich Gonzales, Enchong Dee, and Ejay Falcon.

Guwapo at sexy si Xian, pero hindi raw siya papayag na mabastos sa harap ng kamera. Kaya may limitasyon siya sa paghuhubad—sa pelikula man o sa telebisyon.

"Siyempre, hindi naman ako papayag na gumawa ng isang eksena na yung binabastos na ako or bastos na lalabas," sabi ni Xian nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Payag naman daw si Xian sa mga seksing eksena, huwag lang sumobra.

"Meron naman akong limitation... Frontal [nudity], hindi ko kaya," aniya.

Nagsasalita na ba siya ng patapos na never siyang maghuhubo't hubad sa harap ng kamera?

"Nagsasalita po ako ngayon, kasi bata pa ako. Maybe as I grow, as I mature, kaya na yung iba pang mas daring na eksena. Sa ngayon kasi, bata pa ako, kaya may mga limitations pa talaga ako," sagot ng 20-year-old actor.

Hindi naman daw siya nag-iinarte. Kaya naman daw niyang gawin ang isang eksena basta makakatulong sa pelikula o sa kanya mismo bilang isang artista.

"Siyempre kung maganda yung mensahe niya sa istorya, why not? Babasahin ko muna yung istorya, tapos kung yung mensahe niya maganda at madaming mai-inspire na tao, then why not?" saad ni Xian.

Kung pagagawin siya ng mga maselang eksena tulad sa Hollywood movie na Brokeback Mountain?

"I don't have anything against that movie, pero ako naman sa sarili ko, kapag dumating man yun, hindi ko naman masasabi. Yung mensahe naman talaga ang importante, it does not have to be award-winning, basta inspiring siya sa mga tao at maganda ang kahulugan," paliwanag ng young actor.

What about gay roles?

"Maybe as I mature. Twenty pa lang ako. As I mature as an actor, maybe. Meron pa akong limitations ngayon because of my age as I grow older I will see what I can do."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mga bagay na capable siyang gawin bilang isang artista na sa palagay niya ay hindi kayang gawin ng co-stars niya sa Katrose na sina Enchong at Ejay?

"Sa akin naman, I'll do my best at all times. Hindi lang naman ako, lahat kami, yun naman ang magagawa namin. Hindi ko alam kung ano ang edge ko sa kanila, siguro mga audience na lang ang makakapagsabi niyan. All I can do is do my best," ani Xian.

Ano ang expectations niya sa Katorse?

"Ine-expect ko sana mag-work, mag-rate ng mataas," sagot niya. "Lahat naman kami hoping na ganun. And hopefully yung performance ko, magustuhan ng mga tao. Kayong lahat [entertainment press], sana nandito pa din kayo, tinatanong n'yo pa din ako. Kasi baguhan ako at naiintindihan ko na kailangang mag-aral nang mag-aral."

Mukhang nami-meet naman ang expectations ni Xian dahil base sa reports ay mataas ang rating ng Katorse.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN