Jomari Yllana on past relationships: "Gusto ko nga, masaya na ang lahat."

"Mayroon na bang bago si Pops? Ah, sa akin naman, okey lang. Mas gusto ko, una, yung tahimik na, walang gulo. Gusto ko nga, masaya na ang lahat. Para wala nang grudges. Yung magkita-kita man kami, sana, okey na. Kung masaya sila, masaya na rin ako for them," says Jomari Yllana about the current love life of his ex-wife Aiko Melendez, and ex-girlfriends Ara Mina and Pops Fernandez.


Reunited ang ex-couple na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana sa big screen, bilang parents ni Ogie Alcasid sa Yaya and Angelina (The Spoiled Brat Movie). Sina Ogie at Michael V ang gumaganap sa title roles.

"Nakakapagkuwentuhan na kami," sabi ni Jom tungkol sa kanyang dating asawa. "Minsan, nakakailang magpunta doon sa bahay nila. Pero that was before. Ngayon, kahit ano, puwede na naming pag-usapan. Normal naman kami. Kapag magkasama kami sa shooting, tawa lang kami nang tawa. Masaya ang set dahil puro komedyante rin ang katrabaho namin."

MATURE BUT FUNNY SET-UP. Palagay ni Jom, nag-grow na rin silang dalawa ni Aiko as persons. Ang madalas naman nilang pinag-uusapan ay yung mga anak nila.

"Very mature, but in a funny setup," kuwento ng aktor. "Nakakatawa dahil magkasama kami ni Aiko sa pelikula bilang mag-asawa, and yet, ang anak namin ay si Ogie Alcasid.

"Nakaka-relate din kami, kasi pareho naman kaming may mga anak. Yung dito naman sa movie, parang kunwarian lang. As parents, we know our approach. Yung 'pag nagkasala ang anak, mapapatawad din. Nilalambing lang kami, okey na."

EXES & THEIR NEW BF'S. Ano ang pakiramdam ni Jom na ang tatlong exes niya kumbaga na taga-showbiz—Aiko, Ara Mina and Pops Fernandez—ay may kanya-kanya nang bagong boyfriends?

Yung kay Pops ay hindi pa confirmed, pero non-showbiz din daw ito at napagkikita na sila sa kung saan-saan.

"Mayroon na bang bago si Pops?" tanong ni Jomari. "Ah, sa akin naman, okey lang. Mas gusto ko, una, yung tahimik na, walang gulo. Gusto ko nga, masaya na ang lahat. Para wala nang grudges. Yung magkita-kita man kami, sana, okey na. Kung masaya sila, masaya na rin ako for them."

Kinumusta namin ang lovelife ni Jom. Mukhang naka-concentrate sa ibang bagay si Jom, gaya ng pag-produce ng concerts, kaya hindi na niya napagtutuunan ng pansin ito sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ewan ko. Wala, e. Siguro napuno na lang sa trabaho. Hindi pa rin ako nakikipag-date. Wala pa ako sa dating stage. Magbibilang ako ng months, mukhang magsi-six months na. Hindi ko naman kasi hinahanap. Gigising ako isang umaga, hahanapin ko rin yun, pero sa ngayon, okey na ako," sabi ni Jom.

NEXT FEARLESS VENTURE. After the successful Marie Digby concert, nag-iisip pa ang Fearless Productions ni Jom kung ano ang susunod nilang venture.

"Gusto kong makaisa man lang before the year ends. Walang guarantee. Naghahanap pa rin kami ng artist. Sana, makahabol pa ng isa. Kung hindi man, baka next year na," pagwawakas ni Jomari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN