Eugene Domingo proves she is the certified Comedy Empress

"Flattered ako sa mga sinasabi nila, pero mas importante sa akin, aside sa mga titulo, ay ang kumita ang movie namin. Tulungan naman natin ang producer namin na si Piolo dahil nagsugal siya ng malaki for this project. Si Piolo at ang ilang kaibigan ang dahilan kung bakit may Kimmy Dora at gusto naming i-share ang project na ito sa marami," says Eugene Domingo.


"The Next Comedy Queen" na ang tawag kay Eugene Domingo dahil naging malaking tagumpay ang red-carpet premiere ng kanyang first starring role na Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme, last night, September 1, sa SM Megamall.

Tuwang-tuwa si Uge dahil hindi lang mga fans ang pumunta kundi pati na ang co-stars niya sa movie at mga kaibigan niyang mga artista at direktor.

Namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa premiere night ng Kimmy Dora sina Regine Velasquez, Piolo Pascual (isa sa producers ng pelikula), KC Concepcion, Ariel Ureta, Mark Bautista, Mylene Dizon, Miriam Quiambao, Erik Santos, Gabby Eigenmann, Mosang, Archie Alemania, Pen Medina, Miriam Quiambao, Baron Geisler, Direk Andoy Ranay, Direk Dante Nico Garcia, at ang leading man ni Eugene na si Dingdong Dantes. Present din ang staff at executives ng shows ni Eugene sa GMA-7 na Cool Center at Adik Sa 'Yo.

Walang pigil ang tawanan sa loob ng SM Cinema 10 habang ipinapalabas ang Kimmy Dora at agree ang lahat na si Eugene na nga ang susunod sa trono bilang Comedy Queen. Pero hindi muna tinatanggap ni Uge ang titulong Next Comedy Queen dahil gusto niyang may mapatunayan muna ang pelikula niya sa takilya, bagamat marami na ang nagre-request na magkaroon ito ng part two.

Ani Eugene, "Flattered ako sa mga sinasabi nila, pero mas importante sa akin, aside sa mga titulo, ay ang kumita ang movie namin. Tulungan naman natin ang producer namin na si Piolo dahil nagsugal siya ng malaki for this project. Si Piolo at ang ilang kaibigan ang dahilan kung bakit may Kimmy Dora at gusto naming i-share ang project na ito sa marami.

"Pinaghirapan naming gawin ito at nagpapasalamat kami sa mga artistang nagbigay ng kanilang oras na mag-guest sa movie, tulad nina Regine, Erik, Mark, Sen. Jinggoy Estrada, Rufa Mae Quinto, Vhong Navarro, Christian Bautista, Paolo Ballesteros, at marami pang iba. At siyempre din ang mga kaibigan ko sa teatro, kung saan ako nagmula, ay sumuporta sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaming lahat ay gustong makapaghatid ng kasiyahan sa lahat ng manonood para sulit ang ibabayad nila. Kaya kapag kumita ito, may mga projects pa kaming gagawin na mas ikasasaya ng lahat. Kaya everybody happy, di ba?"

Ngayong araw, September 2, ang opening day ng Kimmy Dora.


Trailer courtesy of Spring Films



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN