Carla Abellana reveals Geoff Eigenmann has met the "other guy" in her life

"Wala akong commitment. I have no commitment with Geoff. Ang commitment ko lang kay Geoff, trabaho, na pagbubutihin ko ang trabaho namin. We have to make our loveteam work, at mabuting kaibigan sa akin si Geoff," clarifies Carla Abellana.


Sa unang tingin, hindi agad makikilala si Carla Abellana sa cover ng Cosmopolitan September 2009 issue. Pero ayon kay Carla, feeling niya, 'yon na ang pinaka-sexy na kaya niyang gawin for a pictorial.

"To be honest, na-overwhelm nga ako diyan, e. Kasi for me, sobrang sexy na 'yan. Sexy na sa akin 'yan. So, kung mas sexy pa riyan, parang hindi ko na yata kaya," sabi ni Carla nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na ipinatawag ng Cosmopolitan kagabi, September 1.

Sinasabi ba niyang malabo na siyang mag-pose for men's magazines like FHM?

"Malabo na yun. Baka magalit na sa akin ang aking lola [Delia Razon] at daddy [Rey "PJ" Abellana]!" natatawang sabi ng Rosalinda star.

Kalakip ng September 2009 issue ng Cosmopolitan ang special supplement ng Cosmo Centerfolds featuring the 69 Cosmo Men of 2009. Kabilang dito sina Gerald Anderson, Aljur Abrenica, JC Tiuseco, Ejay Falcon, Akihiro Sato, Xian Lim, Joem Bascon, Sid Lucero, Phil Younghusband, at Daniel Matsunaga.

Pinapili si Carla kung sino ang nagustuhan niya among the Cosmo Men this year.

"Ay, pinaka-nagustuhan ko rito si Aljur," sagot ni Carla. "In all fairness po sa kanya, nagulat ako sa picture niya. Parang Aljur is innocent and young. Kilala ko 'yan, e. Sabay kaming mag-workshop niyan under Direk Joel Lamangan, so nagulat ako with how he looks here. Napaka-mature, but very good-looking, in fairness to Aljur."

Kasama ni Carla humarap sa press sa naturang presscon sina Aljur at Ejay.

Darating ba siya sa Cosmo Bachelor Bash on September 10?

"Pupunta ako diyan. I always wanted to go to Cosmo, pero hindi ako nakakapunta. Pero this year, pupunta ako. I'll watch them," nakangiting sabi ni Carla.

HOSTING STARSTRUCK. Tinanong din ng PEP si Carla tungkol sa pagiging bagong co-host niya ng StarStruck V, kapalit ni Jolina Magdangal.

"Hindi ko naman alam kung bakit ako ang napili nila for StarStruck V. I'm sure management decision 'yan. I'm blessed talaga to be the new host and happy naman ang StarStruck noong si Jolina ang nag-host. Naging maganda naman ang kinalabasan nung show when she hosted StarStruck. So, management na lang siguro [ang tanungin], hindi ko rin alam," sagot ni Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Carla na kahit hindi raw niya nasubaybayan ang first four seasons ng StarStruck, aware naman siya kung gaano ito kalaking reality show.

"I know what it is. I know how important it is. Kung gaano siya kalaking hit, alam mo yun, pina-follow, sinusundan ng mga bata, ng mga teenagers."

Alam din niya na maikukumpara talaga siya sa dalawang naunang female hosts ng show, like Jolina (Seasons 2 to 4) and Nancy Castiglione (Season 1).

"Yes, definitely... Pero siyempre, ibang personalities naman sila. They have their own touch in hosting the show. Ako naman, I'll do my best and I'll bring whatever it is I can bring to the show at sa mga tao," sabi ni Carla.

Yun nga lang, hindi maiiwasan na kuwestyunin ng ilan kung bakit hindi si Jolina ang host nito kundi si Carla na. Ano ang masasabi niya rito?

"Oo naman. Pero siguro, kahit papaano, meron naman akong...iisang dosenang followers!" natatawa niyang sabi.

Dagdag niya, "Pero nandiyan si Dingdong [Dantes], nandiyan si Raymond Gutierrez. I'm sure, I will learn a lot from them. Talagang matututo ako kung paano. I'll get the hang of it. I'll just put my own touch to it at matututo ako kahit paano. And we'll see na lang kung ano ang puwede.

"And with the fans of Jolina, I'm sure mababait naman sila. Bakit naman ako matatakot? Nirerespeto ko sila. I'm sure mababait naman sila. Fans are fans and it's always good to have fans. And with Jolina, I'm sure she has a lot of fans."

Hindi raw alam ni Carla kung nakarating na kay Jolina na siya na ang bagong host ng StarStruck dahil wala ito sa bansa. Pero magkakilala at nagkikita naman daw sila sa SOP, so kung sakali, siya raw ang mag-a-approach dito.

"I'll say, 'Paano mo nagawa yun? Paano ka nag-host ng StarStruck?' Hihingi rin ako ng tips. Siyempre, ako ang lalapit sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila ginu-groom siya ng GMA-7 bilang actress and host?

"Yes, gusto ko ring makilala sa field ng hosting. Nag-e-enjoy ako kapag nagho-host ako para hindi naman puro drama na lang... Sana po mag-enjoy pa rin sila sa StarStruck kahit may bagong host. I'm sure mag-e-enjoy naman kami. Gagawin ko po ang best ko bilang bagong StarStruck host."

Silang dalawa ni Dingdong ang magka-partner every Sunday sa pagho-host ng StarStruck. Hindi kaya testing na rin ito sa pagtatambal sa kanila in future projects?

"Ay, hindi naman po siguro," nakangiting sabi ni Carla.

Ayaw niya ba?

"Of course not! I would love to work with him in other projects. Pero sa ngayon, sa StarStruck lang naman. Actually, sa lahat ng tao, si Dingdong ang pinaka-may alam sa StarStruck. So, parang ako, baguhan. Siya, alam na alam na niya. Aral na aral na niya," paliwanag niya.

Kumusta naman ang first meeting nila sa launching ng StarStruck?

"Sabi naman niya, 'Welcome. Mag-e-enjoy ka nang husto. Parang American Idol lang 'to. Maa-attach ka sa mga contestant.'"

GEOFF EIGENMANN. Hindi naipagkaila ni Carla na sa taping ng Rosalinda, kahit tapos na ang eksena ng isa sa kanila ng kaparehang si Geoff Eigenmann, hindi pa sila umuuwi agad at naghihintayan pa.

"Aaminin namin na naghihintayan kaming dalawa. Pero hindi naman kasi na isang buong araw ang hinihintay namin or what, di ba? Sabay kaming umuuwi, pero hindi sa isang kotse, ha!" paglilinaw ni Carla.

Hanggang parking lot lang daw sila at pagkatapos ay kanya-kanya na sila ng sakay sa kanilang sasakyan at umuuwi.

"Hindi rin naman kasi kami matagal maghintayan, like 48 hours. Sandali lang naman ang time difference," aniya pa.

Nililigawan ba siya ni Geoff?

"Hindi...hindi nanliligaw si Geoff. Close lang kami," diin ni Carla.

Pero aminado si Geoff na type talaga siya nito. Ano ang masasabi ni Carla rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinasabi naman niya yun sa akin. Open naman siya about yung feelings niya, yung iniisip niya. Siyempre, flattering, di ba, na may nagkakagusto sa akin? So, parang, wow, para lang akong bumalik sa pagkabata na may kilig-kilig, may crush."

Ano ang reaksiyon niya kapag naririnig niya ang pag-amin ni Geoff na type siya nito?

"Siyempre, kinikilig ako, masaya ako... Alam naman niya yun. Minsan, tinutukso ko pa nga siya."

Apektado ba ang personal na buhay niya dahil sa closeness and sweetness nila ngayon ni Geoff?

"Hindi," sagot ni Carla. "Like for example, my family, kilala naman nila si Geoff, at sana mas makilala pa nila si Geoff kung sino siya behind the camera. So, wala namang isyu. Walang problem."

THE OTHER GUY. What about the "other guy" sa buhay niya?

"The other guy? Ay, wala naman. Wala namang ganun. Like I always say, sobrang understanding ng lahat ng tao sa likod ko. Sa lahat ng tao, siya ang pinaka-understanding," sabi ni Carla.

Tinanong na rin ng PEP kay Carla ang nakarating sa aming balita na nagpang-abot daw ang "guy" na ito at si Geoff sa bahay nila?

"Yes, before. Totoo yun, nag-abot sila. Si guy, non-showbiz guy, was the one who approached him and extended his hand. Introduced himself," kuwento ni Carla.

Hindi ba naging awkward ang situation?

"Hindi naman, hindi naman awkward. Natuwa nga ako na siya pa yung nag-initiate na magpakilala. So, okey naman sila."

Yun daw ang time na inihatid siya ni Geoff dahil napatagal na ang taping nila ng Power of 10.

Obviously, may "other guy" nga sa buhay ni Carla. Ano ang role nito sa buhay niya ngayon?

"Wala, we still communicate, pero wala yun. That doesn't affect work or personal na buhay ko, hindi naman siya affected," sagot niya.

May commitment?

"Walang commitment. Kumbaga, I have my own free time and space. Hiningi ko yun at ibinigay naman niya sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya ang "other guy" na ito sa buhay niya ang pumipigil kay Geoff para tuluyan na siyang ligawan?

"Ay, hindi naman...hindi naman... Wala namang pigil-pigil or bawal-bawal. Wala akong commitment. I have no commitment with Geoff. Ang commitment ko lang kay Geoff, trabaho, na pagbubutihin ko ang trabaho namin. We have to make our loveteam work, at mabuting kaibigan sa akin si Geoff," saad ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN