Iwa Moto accepts the fact that she is more fit to play kontrabida roles

"Naku, tanggapin ko na lang kasi ang katotohanang hindi maamo ang mukha ko! Huwag nang ipilit ang hindi bagay. Mas mukha talaga akong nang-aapi. Mas okey na yung masama lang ako sa mga ginagampanan ko. At maraming nanonood, a! Toprater ang Darna! Aminin! So, parang ang ganda-ganda ko habang may mga ahas na naglalaro sa ulo ko!" says Iwa Moto, who plays Valentina in Darna.


Isa sa StarStruck discoveries ng GMA-7 na masasabing taung-tao ang projection ay si Iwa Moto. Siya yung tipong bigla na lang bubunghalit ng tawa, darating sa presscon at walang angal kung ano ang ipasuot sa kanya.

Ngayon ay nalilinya sa kontrabida roles si Iwa, gaya na lamang ng latest project niya na Darna, kung saan gumaganap siya bilang si Valentina. Pero tanggap naman ito ng young actress.

Aniya, "Sabi ng iba, puro role ng kontrabida ang ibinibigay sa akin. E, sa tunay na buhay, mukha talaga akong kontrabida! Mas bagay akong nang-aapi kaysa inaapi. Kaya wala akong choice kung hindi tanggapin ang katotohanang yun.

"Minahal ko na lang itong pagkokontrabida at in-enjoy ko. Kung bigyan man ako ng chance na magbida in the future, why not? Pero kung kontrabida ang ibinibigay at maganda naman, why not? Gawin na lang nang maayos.

"Gaya sa Darna, masaya ako as Valentina. Aba, hindi lahat, nabibigyan ng ganitong opportunity! Kasama nga namin sa telefantasyang ito si Tita Celia [Rodriguez], at siya ang original Valentina. Kaya all the more na kailangang pagbutihan ko pa ang trabaho.

"Tingnan mo na lang ang staying power ni Tita Celia, di ba? Pangarap kong maabot ang stature na yun. At mas masarap mang-api kaysa magpaapi, sa totoo lang!" at natawa na lang nang malakas si Iwa sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sinasapak-sapak din siya ni Marian Rivera, na gumaganap bilang Darna/Narda, sa fight scenes nila, pero hindi puwedeng hindi gumanti si Iwa.

"Kaya nga ako ang kontrabidang Valentina. At least, nasasapak ko rin si Marian!" at natawa si Iwa sa biro niya.

Hindi nag-iinarte si Iwa gaya ng iba na tila nagrereklmo sa pagbibigay sa kanila ng kontrabida roles.

"Naku, tanggapin ko na lang kasi ang katotohanang hindi maamo ang mukha ko!" sabi ni Iwa."Huwag nang ipilit ang hindi bagay. Mas mukha talaga akong nang-aapi. Mas okey na yung masama lang ako sa mga ginagampanan ko. At maraming nanonood, a! Toprater ang Darna! Aminin! So, parang ang ganda-ganda ko habang may mga ahas na naglalaro sa ulo ko!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A DAUGHTER'S LOSS. Sa kabila ng kakikayan ni Iwa, halatang umiiwas siya sa sentimyento ng pagyao ng ama niyang si Hirawaki Iwamoto. Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang maganap ito.

"Sa Japan siya namatay, at mahirap sa akin ang makagawa ng paraan para matagal na mawala at maalagaan sana siya. Actually, ayoko na lang talagang napapag-usapan, kasi minsan, nagiging emotional ako.

"He died of liver and bone cancer. Talagang hanggang ngayon, ipinagdarasal ko na lang siya. Yung ganyang pangyayari, kung may magagawa ka lang para maibalik yung pagkakataon, pero talagang ganyan ang buhay. Lagi na lang akong nagdarasal, kinakausap ko siya, na sana lagi pa rin niya akong i-guide at ang kapatid kong si Mickey.

"Kung minsan, darating sa akin yun sa panahong kailangan kong lumaban, pero ginagamit ko na lang yung heartaches para mas lalong tumapang. Yun siguro ang dahilan kung bakit ganito ako. Parang wala lang, pero deep inside me, may struggle pa rin. But I just want to enjoy life and be happy, always," pagtatapos ni Iwa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN