Rica Peralejo and her fiancé want a beach wedding

"Kaya kami magkasundong dalawa, we're not that kind of couple na for good times lang. Gusto namin talagang malaman ano ba yung mga things that will test us as a couple. And from there, maggo-grow pa kami, magma-mature pa," says Rica Peralejo about her future husband, Joseph Bonifacio.


Pagkatapos ng pakikipagrelasyon at pagkaka-link sa mga kapwa niya taga-showbiz—Wowie de Guzman, Bojo Molina, Bernard Palanca, and Piolo Pascual—sa isang non-showbiz nakatakdang magpakasal ang aktres na si Rica Peralejo. Ang mapapangasawa ni Rica ay ang pastor na si Joseph Bonifacio.

Sinabi ng TV host-actress na kuntento at masaya siya kay Joseph. Ngayon nga ay abala na sila sa pagpaplano para sa kanilang kasal.

"Siyempre, minsan parang kinakabahan pa rin ako. Feeling ko, baka bukas na yung wedding. May mga pressure, but that's part of it. But more than anything else, I'm really happy that I have an active partner. With us talaga, it's a partnership which is good. Basta abangan na lang nila. We're choosing between December this year or January next year," kuwento ni Rica sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ibinalita rin ni Rica sa PEP na halos kumpleto na ang entourage para sa nalalapit niyang pagpapakasal.

"Not pa finalized yung ninong and ninang, but some would be Ms. Pin Antonio, Ms. Coney Reyes... mga kilala na lang ang binabanggit ko. Sa aking entourage, there's Pinky Webb. Donita [Rose] will be my host... Of course, Kim Atienza will also be there. Nikki Valdez is gonna sing. She lives in Canada now, pero uuwi siya dito for my wedding. Maid of honor is my sister Paula [Peralejo], and then I have my best friend from church, which is Anne," sabi ni Rica.

Binanggit din ng actress-TV host na beach wedding ang napili nilang tema.

"Yun naman ang bilin ng lahat, don't make a wedding that's not your dream wedding," sabi ni Rica. "Gusto namin parang relaxed lang, hindi yung very stiff na naka-hotel and stuff. The theme na napagdesisyunnan naman is beach wedding."

Gaya ng sinasabi ng iba na ang pagpapakasal ay hindi "bed of roses, inaasahan na rin daw ni Rica na marami ring pagdadaanan ang pagsasama nila ni Joseph once makasal na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nilu-look forward ko na ang mga away namin—joke lang!" tawa niya. "But kidding aside, kaya kami magkasundong dalawa, we're not that kind of couple na for good times lang. Gusto namin talagang malaman ano ba yung mga things that will test us as a couple. And from there, maggo-grow pa kami, magma-mature pa."

Iiwan na ba ni Rica ang showbiz kapag nag-asawa na siya?

"Oo, naiisip ko rin minsan na gusto kong maging plain housewife na lang ako," sabi niya. "But minsan, naiisip ko, gusto ko may trabaho, may work. But you have to pray for all those things, kung saan ka ba talaga dapat pumunta."


PIOLO & KC. Open book ang naging espesyal na relasyon nina Rica at Piolo Pascual. Now that Rica is happy with Joseph, she also expressed her happiness sa balitang ang bagong karelasyon ng aktor ay ang kapareha nito sa Lovers In Paris na si KC Concepcion.

"Alam ko na happy siya [Piolo] for us kasi kilala naman niya talaga si Joseph. Isa si Piolo sa nakakita talaga ng growth ko bilang Christian, and I'm pretty sure alam niya kung gaano ako kaligaya ngayon.

"Wala akong alam kung sila na ba ni KC, but if it's true, if he's happy, who would not be happy for him naman? I know KC also. She's a very smart woman, and mabait din siya, pati Mommy [Sharon Cuneta] niya. Who wouldn't want two good people to be together naman?" saad ni Rica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN