Survivor Philippines Palau Watch: Lady pilot Maya Segovia takes an early flight back home

Lady pilot Maya Segovia becomes the third castaway to be voted off Survivor Philippines: Palau after getting the most number of votes in tonight's Tribal Council.


Hindi lubos na nakalipad ang lady pilot na si Maya Segovia pagkatapos siyang ma-vote off sa ikatlong Tribal Council ng Survivor Philippines: Palau.

Si Maya ang unang miyembro ng Airai tribe na natanggal sa reality show ng GMA-7, pagkatapos niyang makatanggap ng anim na boto mula sa kanyang mga kasamahan.

Sa kauna-unahan ding pagkakataon ay sumalang ang Airai sa Tribal Council pagkatapos silang talunin ng Koror sa back-to-back challenges, kasama na ang napakaimportanteng Immunity Challenge, ngayong linggo.

Dahil hindi niya ipinakita agad ang kanyang lakas sa mga challenges, naging target ng male members ng Airai si Maya. Paliwanag ni Maya, ayaw kasi niyang ipamalas ang kanyang tunay na lakas dahil baka maging threat siya agad. Hindi rin niya ipinaalam sa kanyang mga katribo, maliban kay Jef, na isa siyang piloto. Pero nag-backfire ang kanyang plano nang puntiryahin ng mga lalaki ang kanyang kahinaan sa mga challenges.

Bago ang Tribal Council ay naging kampante ang apat na babae ng Airai na sina Maya, Amanda, Mika, at Jef, na mapapatalsik nila ang mentalist na si Troy sa pamamagitan ng boto nila. Ang akala nila ay hindi na makakabalik sa laro si Shaun. Pero napurnada ang plano nila nang bumalik si Shaun pagkatapos maobserbahan sa ospital at mabigyan ng go signal upang bumalik sa laro.

Dahil sa pagbabalik ni Shaun, lumalabas na magiging hati ang boto—si Troy ang iboboto ng mga babae, samantalang si Maya naman ang iboboto ng mga lalaki—sa nalalapit na Tribal Council.

Pero bago pumunta sa Tribal Council ay may negosasyon na naganap sa pagitan ng mga lalaki at kina Mika at Amanda, na nagkaroon ng malaking epekto sa botohan.

Sa huli, umanib sina Mika at Amanda kina Shaun, Troy, Vlad, at Cris upang iboto si Maya.

Naging safe naman sa botohan si Jef—na kasama ni Maya na bumoto kay Troy—pagkatapos niyang makatanggap ng Immunity Bracelet mula sa Koror.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa naman tuluyang mapapatalsik sa Survivor Philippines: Palau si Maya dahil may pagkakataon pa siyang bumalik sa laro kapag natalo niya sa challenge ang kasalukuyang naninirahan sa Isla Purgatoryo na si Justine Ferrer. Nanatili si Justine sa Isla Purgatoryo nang matalo niya sa challenge ang na-vote out noong nakaraang linggo na si Carol Gementiza.

Ang sinumang manalo kina Justine at Maya sa susunod na challenge ang siyang hahawak sa Immunity Bracelet at titira sa Isla Purgatoryo ng tatlong araw, hanggang sa dumating ang susunod na castoff.

THE REWARD CHALLENGE. Muling nagharap ang Koror at Airai sa ikatlong Reward Challenge.

Bawat tribo ay pipili ng limang miyembro bilang "pullers" at isang "navigator" na sasakay sa kariton. Kailangang hanapin ng bawat tribo ang apat na stations, kung saan matatagpuan ang apat na gulong para sa kariton. Hindi dapat bababa kailanman ang navigator sa kariton. Kapag narating na ng team ang kanilang assembly station, kailangan nilang ayusin ang mga gulong ng kariton at makipag-unahan sa finish line. Kapag nakarating na nila ito, dapat nilang tanggalin ang mga gulong at ilagay sa isang platform na magtataas sa isang flag. Ang unang makapagpaakyat ng flag ang siyang mananalo ng Reward Challenge.

Ang reward: isang breakfast buffet na may kasamang meat loaf, corned beef, itlog, hot dog, toasted bread, pancakes, at juice.

Naglaway agad ang parehong tribo nang makita nila ang naghihintay na premyo sa sinumang mananalo.

Bukod sa breakfast buffet, sinabi ng host na si Paolo Bediones na ang mananalo ay magkakaroon ng "strategic advantage."

Dahil sobra ng dalawang miyembro ang Airai tribe ay hindi nakasali sa challenge sina Mika at Maya.

Pinili ng Koror si Echo bilang navigator nila, samantalang si Jef naman ang para sa Airai.

Nakaungos agad noong una ang Koror, lalo na nang muntik masagasaan si Amanda ng Airai na nagpaantala sa kanilang kalaban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-maintain ng Koror ang kanilang kalamangan upang makuha ang ikalawa nilang panalo sa Reward Challenge.

Pagkatapos ng challenge ay isiniwalat na ni Paolo kung ano ang isa pang reward ng Koror: bibisita sa kanilang kampo ang isang native ng Palau na siyang magtuturo sa kanila kung paano gumamit ng fishing net at kung paano mamuhay sa isla.

Dahil nanalo ang Koror, nagkaroon din ng bahagi ng kanilang breakfast buffet si Justine sa Isla Purgatoryo. Naiyak si Justine at sinabing nakakatulong pa rin sa kanya ang mga dati niyang katribo nang hindi nila nalalaman.

THE IMMUNITY CHALLENGE. Ang sumunod na Immunity Challenge ay hinaluan din ng "extra protection reward," kung saan ang mananalong tribo ay bibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng maayos na ligo—may sabon, shampoo, facial wash, at deodorant.

Sa challenge na ito, ang bawat tribo ay magkakaroon ng tatlong "huggers" at tatlong "pullers."

Ang bawat "hugger" ay kailangan humawak sa isang poste at gamitin ang lahat ng kanilang lakas upang hindi sila mahila o makaladkad papunta sa mat ng kalabang tribo. Ang unang tribo na makapagdadala ng tatlong "huggers" ng kalabang tribo sa kanilang mat ang siyang mananalo ng Immunity at ligo.

Ang "huggers" sa Airai ay sina Cris, Vlad, at Troy, samantalang sina Maya, Mika, at Shaun naman ang "pullers." Dahil sobra sila ng dalawang miyembro, hindi nakasali sina Amanda at Jef.

Sa Koror naman, sina Marvin, Charles, at Echo ang naging "huggers" samantalang sina Louie, Suzuki, at Tara naman ang "pullers."

Sa una, nilapitan agad nina Maya at Shaun si Echo para hilahin mula sa poste, samantalang si Troy naman ang naging puntirya nina Suzuki at Louie.

Unang nakaiskor ang Airai nang mahila nila sa kanilang mat si Echo.

Habang hinihila nila ni Suzuki si Troy, tinamaan sa kanyang groin si Louie, pero nagawa rin nilang hatakin si Troy sa kanilang mat para sa kanilang unang puntos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Charles naman ang naging target nina Mika at Shaun, at nakaiskor ulit ang Airai nang mahila nila ang kalaban sa kanilang mat.

Nakaiskor din ulit ang Koror nang makaladkad nina Suzuki at Louie si Vlad sa kanilang mat.

Ang natura na lang na "huggers" ay ang dating PBA player na si Cris para sa Airai at ang 18-year-old model na si Marvin para sa Koror.

Dahil sa laki ng katawan ni Cris, nakapagbitiw ng salita ang kakampi niya na si Troy ng: "Ipapaputol ko ang bird ko pag nabuhat nila si Cris!"

Bagamat maliit kumpara kay Cris, sobrang nahirapan sina Maya at Shaun na hilahin si Marvin mula sa poste. Nang mahila na nila finally si Marvin sa buhangin, lumaban pa rin ang Koror member na naging dahilan para magpapalit si Shaun kay Mika.

Samantala, hirap na hirap din sina Louie at Suzuki na mapagalaw man lang ang higanteng si Cris. Kaya nagbiro tuloy si Louie na, "Cris, patalo ka na!"

Nang makabalik na si Shaun upang tulungan si Maya sa paghila kay Marvin, napansin ni Paolo na hindi na masyadong makagalaw si Shaun.

"May tumunog sa ribs ko," sagot ni Shaun nang tanungin ni Paolo kung kumusta na siya. Agad-agad na tsinek ng doktor ang kundisyon ni Shaun at eventually ay inilagay siya sa stretcher at hindi na nakapagpatuloy pa sa laro.

Pinalitan ni Mika si Shaun para samahan si Maya sa paghila sa hindi nagpapatinag na si Marvin sa huling round.

Pinahirapan din nang husto ni Cris sina Louie at Suzuki nang humiga siya sa buhangin.

Pagkatapos ng ilang sandali, tinawag ni Paolo ang isa pang "puller" ng bawat tribo upang tulungan ang kanilang tribemates. Sumugod si Vlad para sa Airai at si Charles naman ang tumulong para sa Koror.

Sa huli, nagawang hilahin ng Koror si Cris sa kanilang mat upang ipanalo ang kanilang unang first Immunity Challenge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilib na bilib naman si Echo sa kakampi niyang si Marvin dahil sa hindi ito natinag kahit na ilan na ang humila sa kanya.

Pagkatapos maibigay ni Paolo sa Koror tribe ang Immunity Idol, pinapili niya ang mga ito ng isang miyembro ng Airai na bibigyan ng Immunity Bracelet, na magliligtas sa kanya sa susunod na Tribal Council.

Pinili ng Koror tribe si Jef, na nagpasalamat naman sa kanila.

Pagkatapos nito ay in-enjoy na ng Koror tribe ang kanilang extra protection reward na complete bath habang pinapanood sila ng Airai tribe.

Dahil sa pananalong muli ng Koror, nagkaroon din ng pagkakataon na magkaroon ng maayos na ligo sa Isla Purgatory.

NEXT WEEK. Sa teaser na ipinakita ng Survivor Philippines: Palau next week, pinahubad ni Paolo ang mga buff ng castaways dahil magkakaroon ng pagbabago sa bawat tribo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN