Jennylyn Mercado wins two cases against former personal assistant Mel Pulmano

Young singer-actress Jennylyn Mercado can now heave a sigh of relief after winning two separate cases against her former personal assistant, Mel Pulmano (inset).


Nakakuha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng kopya ng resolutions ng dalawang kasong kinasangkutan ng young actress-singer na si Jennylyn Mercado at ang dati niyang personal assistant o PA na si Rowena "Mel" Pulmano.

QUALIFIED THEFT THROUGH FALSIFICATION OF DOCUMENTS. Una, ang kasong Qualified Theft through Falsification of Documents na isinampa ni Jennylyn laban kay Mel noong October 28, 2008. (Click here to read related story.)

Ayon sa four-page resolution na inilabas ni Quezon City Assistant Prosecutor Arleen Tagaban, may "probable cause" para ma-indict si Pulmano sa Qualified Theft na isinampa laban sa kanya dahil sa paggamit ng dating PA ng pera ng aktres na umabot sa mahigit P460,000 para sa kanyang sariling pangangailangan.

"...the undersigned finds probable cause to indict respondent [Pulmano] with the crime of Qualified Theft... Considering, therefore, that respondent, being complainant's personal assistant, had taken advantage of her position in committing the crime of Theft with grave abuse of confidence reposed in her by the complainant, there is sufficient ground to engender a well founded belief that respondent had committed the crime of Qualified Theft."

Walang inirekomendang bail ang korte para kay Pulmano dahil non-bailable ang kasong ito.

Pero ibinasura naman ni Tagaban ang reklamong Falsification laban kay Pulmano dahil wala raw sapat na ebidensiya ang actress-singer na pineke ng kanyang dating PA ang kanyang pirma sa mga ninakaw na mga tseke sa kanya.

"Complainant [Jennylyn] claimed that her signatures in those checks were forged, hence, respondent [Pulmano] should be indicted for falsification. The undersigned noticed that except from her bare allegations, complainant failed to establish the accusation of falsification. There was no independent and/or corroborative evidence that was adduced to establish that her signature was forged. Therefore, the complaint for Falsification is vulnerable to dismissal," ayon sa resolution ni Tagaban.

Inisyu ng Quezon City Prosecutor's Office ang naturang resolusyon noong August 20. Pirmado ito ni Assistant City Prosecutor Arleen T. Tagaban, at may recommending approval ni 2nd Asst. City Prosecutor Donald T. Lee at approval ni City Prosecutor Claro A. Arellano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ROBBERY CASE. Ang ikalawang kasong binigyan ng resolution ay ang Robbery case na isinampa naman nina Mel at ng kanyang anak na si Nina Bianca Pulmano laban kay Jennylyn at dalawang iba pa—sina Rosemarie Lam at Eleonor Lindo—sa Provincial Prosecution Office of Rizal.

Ayon kay Mel, kinuha raw ni Jennylyn at ng kanyang mga kasama ang apat na pares ng hikaw na nagkakahalaga ng P36,300, isang singsing na pambabae na nagkakahalaga ng P10,000, apat na kuwintas na may pendant na nagkakahalaga ng P71,450, at dalawang bracelets na nagkakahalaga ng P31,400—o may kabuuang halaga na P149,150.

Idinismis ng korte ang naturang kaso "for lack of probable cause."

Dinesisyunan ni Asst. Provincial Prosecutor Gloria T. Marinduque-de Guzman ang naturang joint resolution.

BECKY'S REACTION. Samantala, nakatanggap naman ang PEP ng text message mula sa manager ni Jennylyn na si Becky Aguila. Nagpahayag ng kasihayan ang manager dahil sa pagwawagi ng actress-singer sa kanyang mga kaso, at ibinalita rin nito ang pagkaka-dismiss ng labor case na isinampa sa kanya ni Pulmano sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Narito ang text message ni Becky:

"Jennylyn and I are overjoyed with the results. Jennylyn's victory is my victory as well because it only proved once and for all that I'm not Rowena Pulmano's mastermind. I also won in DOLE. The labor case filed by my former staff Rowena Pulmano was dismissed due to lost [sic] of trust and confidence as her employer.

"Jen won her case with no bail recommended for Rowena. Jen's robbery and child abuse case filed by Rowena Pulmano was also dismissed.

"Like what I said in my interviews last year, let's bring this controversial issue to court to stop the humiliation and ridicule of trial by publicity. My reputation as a decent and protective manager was tarnished by Rowena's fabricated lies and stories. I was misjudged and ridiculed publicly by my former staff. She used my controversies to get away from her own crimes. My family was most affected and all I could cling on to was my faith that in God's time, I will be vindicated and the truth shall prevail. I'm also thankful and grateful to Atty. Joji Alonso and Associates."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN