Chiz Escudero dismisses rumored fistfight with Grace Poe's husband

May 5, 2016
<p>Manalo man o matalo, sigurado na raw si Sen. Chiz Escudero sa gagawin niya sa May 10, isang araw pagkatapos ng eleksyon. Ito ay ang matulog nang maghapon para mabawi ang naranasang pagod at puyat sa 87 araw na pangangampanya sa lahat ng sulok ng Pilipi

Anuman ang maging resulta ng eleksyon sa Lunes, May 9, ipinapaabot na ng mag-asawang Senator Francis 'Chiz' Escudero at Heart Evangelista ang taus-pusong pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kandidatura ng vice-presidential aspirant.

Manalo man o matalo, sigurado na raw si Chiz sa gagawin niya sa May 10, isang araw pagkatapos ng eleksyon.

Ito ay ang matulog nang maghapon para mabawi ang naranasang pagod at puyat sa 87 araw na pangangampanya sa lahat ng sulok ng Pilipinas.

Kasado na rin ang plano nila ni Heart na magkaroon ng anak at ang pagbabalik niya sa senado dahil sa 2019 pa matatapos ang huling termino ng kanyang panunungkulan bilang senador.

RUMORED FISTFIGHT. For the nth time, pinabulaanan ni Chiz ang balitang sinuntok siya ni Neil Llamanzares, ang asawa ng presidential candidate at running mate niyang si Senator Grace Poe, dahil sa alleged P300 million campaign fund na nawawala.

Saad ni Chiz, “Hindi ko talaga alam kung saan nanggaling yun.

Continue reading below ↓

“Walang katotohanan whatsoever yun. Magkumpare kami ni Neil.

“Kami na siguro ni Grace ang pinakamalapit na magka-tandem sa eleksyong ito.

“Si Mar [Roxas] at si Leni [Robredo], ngayon lang nagkakilala.

“Si [Rodrigo] Duterte at si [Alan Peter] Cayetano, ngayon lang naging close.

“Si [Jejomar] Binay at si [Gringo] Honasan, magkaaway pa dati.

“Kinu-coup [d' etat] ni Gringo si Cory [Aquino], kakampi ni Tita Cory si Binay.

“Si Miriam [Defensor-Santiago] at si [Bongbong] Marcos, magkaiba rin. Anti-Marcos si Miriam.”

Patuloy ng mister ni Heart, “Kami lang ni Senator Grace ang napakaraming pinagdaanan, napakaraming nalampasan.

“At yung pamilya namin ang pinaka-close sa lahat ng magka-tandem.

“Mabuti na rin na yun ang sinasabi nila kesa sabihin nila na magnanakaw kami o palpak o bobo kami.

“At least, yung isyu o intriga na pinalalabas nila, maliwanag, walang basehan at katotohanan.

“Hindi ako naka-shades at wala akong black eye at araw-araw akong lumalabas ng bahay at nangangampanya.

Continue reading below ↓

“May kasama kaming palagi na media. Ni minsan, wala naman silang nakitang black eye.”

PART OF POLITICS. Sabi pa ni Chiz tungkol sa balita, “Ano ba ‘yon? Ang labo naman ng kuwentong ‘yon.

“Kahit sigawan, wala, ha? We’re very good actually.

“Bahagi ‘yan ng eleksyon. Parang showbiz lang ‘yan, kapag may pelikula, ang daming isyung lumalabas.

“Sa pulitiko rin, kapag may eleksyon, maraming isyung lumalabas.

“Sa pulitika, may posibilidad na walang kabase-basehan. 

“At sa dami ng eleksyon na pinasukan ko na, mas madami akong naging kaibigan kesa nakaaway.

“Sa katunayan, wala pa akong inaway sa lahat ng eleksyon na pinasukan ko, kandidato man o supporter.

“Maraming umaway sa akin, pero ako walang inaway, kasi magkikita pa rin kayo sa mata pagkatapos ng eleksyon.

“Ang hirap naman nun, inaway mo nung eleksyon, lahat sinabi mo, binaboy-baboy mo na, tapos pagkatapos ng eleksyon, makikita mo sa restaurant kung saan ka kakain, biglang liliko ka?

Continue reading below ↓

“Ayoko ng buhay na ganoon. Gusto ko, kahit saan ako magpunta, taas-noo kong haharapin ang sinuman dahil wala naman akong inagrabyado.

“Saka may kasabihan tayo, di ba, hindi mo naman kailangang apakan ang ibang tao para umangat.

“Tumayo ka na lang sa sarili mong paa.”

GALING AT PUSO. Pinabulaanan din ni Chiz na Partido Galing at Puso ang pangalan ng political party nila ni Grace dahil yun ang kahulugan sa wikang Pilipino ng pangalan ni Heart.

Saad niya, “Hindi po. It’s more because Grace at that time was the only female, woman running for president.

“Puro lalaki ang mga makakalaban niya so contrast po yun sa mga kumakandidato.

“Late naman nag-declare si Senator Miriam ng kanyang kandidatura.

“Yung Partido Galing at Puso, that’s PGP, that’s supposed to stand for President Grace Poe, kaya Partido Galing at Puso ang pinili namin na pangalan.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Manalo man o matalo, sigurado na raw si Sen. Chiz Escudero sa gagawin niya sa May 10, isang araw pagkatapos ng eleksyon. Ito ay ang matulog nang maghapon para mabawi ang naranasang pagod at puyat sa 87 araw na pangangampanya sa lahat ng sulok ng Pilipi
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results