PEP EXCLUSIVE. PART II. Chavit Singson threatens to reveal more about Che Tiongson in court

"Sa korte ko na lang ipapaliwanag at hindi totoo na niligawan ko siya. Malalaman n'yo na lang sa korte. Yun ang sinungaling niya. Pero kung may mukha siya, ikukuwento ko lahat kung saan siya galing. Kung saan ko siya pinulot bago ko siya binihisan at ibinigay ko ang lahat ng gusto niya," says Chavit Singson about Che Tiongson.


"HINDI KO SIYA NILIGAWAN." Sa kanilang dalawa, si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson ang unang nagsalita sa media tungkol sa pambubugbog niya kay Che Tiongson. Hindi ba siya nagdalawang-isip bago niya isinapubliko ang nangyari?

"Oo nga, nakakahiya," sagot ni Chavit. "Unang-una, 'kako, mga bata masisira. Sila ang una... Siguro desperate na sila [Che and her family], walang makuhang pera sa akin. Yun nga, humihingi ngayon sa mga kaibigan niya ng pera para... tutal malakas ang kaso, sabi niya. Sa sulat, nandoon lahat, araw-araw puro pera ang hinihingi."

Hindi kaya may pagkukulang din siya?

"Na-spoiled! Yun nga, dapat leksiyon 'yan sa ating mga lalake. Dapat hindi ma-spoil ang mga babae, pero bihira naman siguro ang ganyan. Pambihirang babae lang itong natagpuan ko. Talagang sobrang bait ko kaya tumagal kami nang tumagal," papuri ni Chavit sa kanyang sarili.

Sa panayam ni Che, sinabi niya na niligawan siya ni Chavit at pinapadalhan pa ng mga bulaklak. Minahal din daw niya ang dating governor. Ano ang reaksiyon dito ni Chavit?

"Sa korte ko na lang ipapaliwanag at hindi totoo na niligawan ko siya. Malalaman n'yo na lang sa korte. Yun ang sinungaling niya. Pero kung may mukha siya, ikukuwento ko lahat kung saan siya galing. Kung saan ko siya pinulot bago ko siya binihisan at ibinigay ko ang lahat ng gusto niya," malaman na pahayag ni Chavit.

Ano ang reaksiyon niya sa sinasabi ni Che na she wants her freedom back?

"Doon ako naiinis, sa freedom back," ani Chavit. "Nang pinaalis ko siya, 'yan ang freedom niya. Bakit siya bumalik-balik dito? And to prove it, I have all the letters up to the last minute."

Ilang taon tumagal ang relasyon nila?

"Sixteen? Siguro 17 years. Kaya nga mabait din ako, tumagal pa. Dapat, e... 'Saka marami pang lalabas kapag nag-umpisa sa korte. Hindi lang dalawang lalake ang sasabihin ko. Meron pang iba. Nakakahiya lang na ibulgar lahat dahil sa mga bata. Lalabas at lalabas ang ibang mga kinalokohan niya na tao. Nakakahiya lang, pero 'andoon na, e. Yun ang mangyayari," banta niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapagtataka lang na bagamat sinabi ni Chavit na hindi pa sila hiwalay ay sa isang apartment na malapit sa bahay niya sa Corinthian Gardens nakatira si Che, at hindi sa bahay niya na kasama ng kanilang limang anak.

LIFE AFTER CHE. Ayon kay Chavit, para raw siyang nabunutan ng tinik ngayong wala na sa buhay niya si Che.

"'Yon ang pakiramdam ko! At least, natapos na lahat. After this, mananahimik na kami. At bahala na siya sa buhay niya. Wala siyang makukuha sa akin kahit na isang pera. Yung mga bata, kung gusto niyang kunin at 'yon ang sabihin ng korte, okey lang, e. Pero yung mga bata, ayaw, e. In-explain ko sa kanila kagabi, sabi nila, 'Ayaw namin.'

"Kasi, palayas siya. Palagi kong sinasabi, 'Doon ka lang sa bata. Mag-bonding kayo.' Sasagot siya ng oo. Pinipilit kong isama sa shopping, 'shopping kayo,' oo raw, pero iiwanan [ang mga bata] sa maid. Lalayas na 'yan."

Sa palagay ba niya ay dapat humingi ng tawad sa kanya si Che?

"Hindi ako... Bahala na sila sa buhay nila. Pero sinisiguro ko na wala silang makukuhang pera sa akin. Susunugin ko na lang mga pera ko, hindi ako magbibigay sa kanila!" deklara ni Chavit.

Ano naman ang naging reaksiyon ng limang anak nila ni Che sa kaganapang ito sa kanilang buhay?

"Mga bata... ayaw... Nasaktan ang mga bata dahil sa ginawa niyang panlalalake," sagot ni Chavit.

CUSTODY OF THEIR CHILDREN. Tinanong namin si Chavit tungkol sa report na gusto raw makuha ni Che ang custody ng lima nilang anak-na ang pinakamatanda ay 16 years old at ang pinakabata ay 8 years old.

"Nag-file siya ng kaso [Anti-Violence Against Women and Children] nung sinabi niya... Nag-text na humihingi ng kapatawaran. 'Goodbye and good luck,' 'kako na lang. Nung na-realize niya na hindi ko na siya pababalikin, after two days, nag-file na ng kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At kinukuha niya ang mga bata kasi gusto niya masuportahan uli dahil walang suporta kung wala yung mga bata. So, 'yon ang purpose niya ngayon, nangunguwarta! So, maliwanag dito na pera lang yung... Sinasakyan naman ng Gabriela [women's group]. Nang-e-extort ng pera sa akin pero... Yun ang tunay na pangyayari. Lalabas at lalabas ang katotohanan kahit anong pagsisinungaling ang gawin niya, lalabas ang katotohanan," tuluy-tuloy na sabi ni Chavit.

May balak ba siyang magsampa ng kontra-demanda laban kay Che?

"Ewan ko sa mga abogado ko dahil may mga alahas din ako na nawala. Aside sa mga alahas ko na kinukuha niya, may mga alahas ako na nawawala. Ikukonsulta ko sa mga abogado ko kung puwede yung ganoon," sabi niya.

Nakatakdang magkaroon ng preliminary investigation ang reklamong isinampa ni Che laban kay Chavit sa September 8, Martes. Pero hindi raw siya pupunta rito.

"Yung mga abogado lang... Ibibigay ko lahat ng mga ebidensiya. Lalabas at lalabas ang ibang mga kinalokohan niya na mga tao," giit ng Deputy National Security Adviser.

CHAVIT'S WOMEN. Nawala na ba ang tiwala niya sa mga babae dahil sa nangyari?

"Hindi naman lahat.... Karamihan sa mga babae, mababait naman. Pambihira lang ang klase ng taong ito na paulit-ulit. May kasabihan nga na yung asong kakagat, kakagat pa rin. The dog that bites you will bite again," aniya.

Aminado rin si Chavit na bagamat natapos na ang relasyon nila ni Che ay hindi naman ito nangangahulugan na tapos na rin siyang magmahal.

"Hindi mawawala 'yon, 'saka marami na akong nakaraan," nakangiti niyang sabi. "Maraming nauna sa kanya. Inaamin ko maraming nauna sa kanya, pero binigyan ko sila lahat ng karangyaan. Kumpleto. Naghiwalay na kami, kumpleto, sinusuportahan ko lahat, at lahat ng kailangan nila na pera, negosyo, ibinibigay ko. Nagpaalam sila, nag-asawa yung iba, sinusuportahan ko pa."

Kasal pa rin si Chavit sa una niyang asawa na si Evelyn Versoza at meron silang pitong anak. Bukod dito, meron pang ibang mga anak ang pulitiko sa iba't ibang babae, sinabi ni Che Tiongson sa kanyang exclusive interview dito sa PEP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PUBLIC PERCEPTION. Kasunod ng balitang pambubugbog o pananakit ni Chavit kay Che, kinondena ng iba't ibang civil rights groups, kabilang na ang Gabriela, ang naging aksiyon na ito ng dating governor.

May gusto ba siyang iparating sa publiko, lalo na't ang tingin ngayon ng karamihan sa kanya ay hindi maganda dahil sa pananakit niya ng isang babae?

"Ang gusto ko lang iparating, huwag naman po sana kayong maniwala agad-agad sa mga taong naninira lang at gustong gumawa ng pera. Kung totoo sana na hiwalay kami o walang nangyari, masama akong tao. Nambubugbog ng babae, masama 'yon. Bawal sa batas 'yan. Bawal din sa Diyos. Pero kung lolokohin na pauli-ulit, hindi naman maganda 'yon kaya 'kako, kung bawal sa batas 'yan, dapat lang maparusahan ang mga nanloloko."

Nagbigay rin ng mensahe si Chavit sa mga grupo, partikular na sa Gabriela, na nagpahayag ng suporta kay Che.

"Ang Gabriela, with due respect to women's organization, tulungan n'yo po ang lahat ng mga babae na naagrabyado, pero huwag po sana kayong magpagamit sa mga nanghihingi ng pera. Maliwanag po na nanghihingi siya ng pera dahil ang kanyang kaso na isinampa, ang custody ng mga bata para masuportahan ko uli. May sulat po ako rito at ibibigay ko sa inyo para makita ninyo kung paano nangloloko ang babaeng ito.

"Yung mga kaibigan namin, alam 'yan. Noong nabihisan ko siya, tumaray na. Akala mo kung sinong donya. Pinagtiisan ko lahat 'yon. Siguro, yung biglang mga nawala sa kanya, doon siya nag-isip. Pati mga anak ko [sa una niyang asawa] inaaway niya. Mataray. Mga anak ko 'yan, pero hindi na lang ako umimik. Ganoon kataray!" saad ni Chavit.

Ito naman ang mensahe niya kay Che:

"Ang message ko kay Che, habang nagsisinungaling siya, lalo lang niyang ibinabaon ang sarili niya dahil lahat ng sasabihin niya, meron akong pruweba lahat. Di yung sinasabi niya na puro kasinungalingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinasabi niya na hiwalay kami dahil araw-araw may love letter sa akin. Mabuti, hindi ko naitapon lahat at may natira pa, puro 'I love you.' Ang masama diyan, may 'I love you, may mwah, mwah, mwah..." lahad ng dating governor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN