Kris Aquino on brother Noynoy: "Hindi po ako nagdidikta sa kapatid ko."

"Yung sa kay Noy, kung saan siya liligaya, alam niya doon ako. Kung anong mga pangarap niya sa buhay, alam niya na doon din ako. Ang difference nga po namin, si Noy is very private," says Kris Aquino about her brother, Sen. Noynoy Aquino.


Naging sentro ng usap-usapan at iba't ibang komento ang binitiwang salita ni Kris Aquino kamakailan tungkol sa lovelife ng kanyang kapatid na si Sen. Noynoy Aquino sa late-night show nila ni Boy Abunda sa ABS-CBN na SNN (Showbiz News Ngayon). Hiling kasi ni Kris kay Noynoy sakaling magdesisyon na itong kumandidato bilang Pangulo ng Pilipinas sa 2010 elections at palaring manalo ay "to stay single forever."

Pero binawi naman ito ni Kris kinabukasan nang sinabi niyang hindi na siya makikialam sa lovelife ng kanyang nag-iisang kapatid na lalaki. Hindi na rin daw niya ikukuwento sa publiko ang nangyayari sa lovelife ni Noynoy sa publiko.

Pero may ilang taong bumatikos sa unang sinabi ni Kris, lalo pa nga't lantad na ang katauhan ng girlfriend ni Noynoy na si Shalani Soledad, na isang konsehala sa Valenzuela City. At isa nga si Sen. Panfilo Lacson sa naging vocal sa kanyang hindi pagkagusto sa inihayag na ito ni Kris.

Sa isang interview sa senador ay sinabi nitong: "Huwag mo nang i-announce sa telebisyon na ayaw mo yung hihipagin mo. Kasi yun ang desisyon din nun kay Noynoy. Kung gusto halimbawang... Kasi kuwarenta'y nuwebe si Noynoy na, e, hindi naman disinuwebe, e."

Sa The Buzz kahapon, September 6, matapos parangalan si Kris ng platinum record award para sa kanyang album na Kris Aquino: The Greatest Love (A Special Tribute to President Corazon Aquino) under Universal Records, ay sinagot na ni Kris ang patutsada sa kanya ni Sen. Lacson tungkol sa lovelife ni Noynoy with Shalani.

"I want to put this issue to rest kasi na-front page na po yung kami ni Noy and his lovelife sa Philippine STAR today, and ang nagsalita po doon was Sen. Ping Lacson," bulalas ni Kris. "Very close ako kay Jodi [Sta. Maria-Lacson], so I was able to communicate with him [Sen. Lacson]. And ise-share ko lang po sa inyo yung tinext sa akin ni Jodi from her dad, from her father-in-law."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang nilalaman ng text ni Jodi galing kay Sen. Lacson na binasa ni Kris: "First, is a little spin on how I said it in my radio interview yesterday. Second, I've said what I have to say out of concern for Shalani who was like a daughter to me. Be that as it may, please say sorry to Kris for me. I now think I was a bit out of bounds to comment on what seems to be a family affair."

Nagbigay rin ng maikling mensahe si Kris kay Shalani.

"I'll take this chance, kasi nangako ako kay Noy. Kay Shalani, I have never naman said anything bad about you. Sana hindi lang... kasi nami-misjudge po."

Ayon kay Kris, nagiging protective lang siya kay Noynoy dahil tinutupad lang niya ang pangako niya sa kanilang inang si dating Pangulong Cory Aquino na hindi niya pababayaan ang kapatid.

"Kasi ang dami ko pong ipinangako kay Mom about Noy especially. I can say it now, ibinilin po ako at si James [Yap, asawa ni Kris] ng Mom kay Noy. We really went through a lot of problems. It was Noy who went out of his way na kausapin si James, talagang without my knowledge. This week ko lang po nalaman kay Noy yun. Sinabi niya, 'The last request of Mom is to make sure you guys will be okay.' Noy, did that for me.

"Yung sa kay Noy, kung saan siya liligaya, alam niya doon ako. Kung anong mga pangarap niya sa buhay, alam niya na doon din ako. Ang difference nga po namin, si Noy is very private. Hindi n'yo nalaman, hindi ko rin nalaman na inayos niya yung gulo naming mag-asawa. I am exceptionally public, pero natututo din naman ako. In the same way that Sen. Lacson himself said that it's strictly a family issue. I will keep it a family issue," paliwanag ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagdiinan din ni Kris na hindi naman niya pinakikialaman kung sino man ang gustong mahalin ni Noynoy.

"Pero hindi po ako nagdidikta sa kapatid ko. Wala po sa kapasidad ko yun. Ang sa akin lang talaga is out of love. Anybody who has a brother, Ruffa [Gutierrez, Kris' co-host] will understand this. Kung may kapatid kang lalaki, talagang you will do anything for your brother. To my sisters who said, 'Kris, quiet ka na.' I'm quiet naman, a," sabi niya.

May mensahe rin si Kris para sa kanyang yumaong ina.

"So, mom, if you're watching right now, just know that everything na ibinilin mo sa akin, I'll never forget. And to all those who love mom dearly, thank you very, very much. And I can promise to all of you, I will not disappoint my mother. So, mom, promise also to just take care of Noy and do it so quietly. To all of you, again, thank you very much."

Sa huli, isang mensahe ng pakikipagbati kay Sen. Lacson ang iniwan ni Kris.

"Sen. Lacson, peace, bati na tayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN