Rhian Ramos explains "snubbing incident" with Marian Rivera

"Natanggap ko na nga na part ng trabaho na kapag na-prove mo ang sarili mo sa isang show, hindi yun sapat, e. Ang tatanungin, yung show mo na ito. I plan to do what I've always done. I don't know... Siguro, sa tingin ko, ibigay mo lang talaga ang sarili mo sa character mo and it will follow," says Rhian Ramos about the negative reaction of some people about her playing Jodi in Stairway To Heaven.


Malaking challenge sa bagong tandem nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos ang mga bagong character na ginagampanan nila sa GMA-7 primetime series na Stairway to Heaven. Sila ang gaganap sa papel nina Cholo at Jodi, na unang ginampanan ng Korean superstars na sina Kwon San Whoo at Choi Ji Woo, respectively.

Pareho ring nanggaling sa ibang loveteam sina Dingdong at Rhian. Sa kaso ni Dingdong, three consecutive hit series ang nagawa niya with Marian Rivera—Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Habang si Rhian naman ay mas identified kina JC de Vera (Lalola) at Richard Gutierrez (Zorro).

Pero ngayon, sa unang pagkakataon ay magtatambal sina Dingdong at Rhian at nagkataon pang romantic series ang kanilang serye. Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa premiere ng Stairway to Heaven sa SM Megamall kagabi, September 6, kung paano nila maku-convince ni Dingdong ang mga manonood na tutukan ang kanilang tambalan?

"Sa tingin ko talaga, may pressure more on sa story," sagot niya. "So, mas may confidence ako sa show na ito dahil alam kong minahal na natin ang show na ito. Since kuwento talaga ang nagdadala ng show, may confidence na talaga 'ko na magugustuhan ng audience."

Wala bang pressure na maraming tao ang pamilyar sa original na Stairway to Heaven?

"Meron talaga, lalo na itong Filipino version. Mas makaka-relate nga ang lahat. At yung story niya, hindi lang basta-basta story, beloved talaga siya ng bawat Pinoy. Kaya confident nga ako na magugustuhan nila dahil may Filipino flavor."

Yung mga romantic scenes nila ni Dingdong, nai-ready na ba nila ang sarili nila?

"Personally, ako kasi, sa tingin ko, yung maganda sa acting dapat spontaneous siya. Parang ganoon. Yung dapat sa moment na yun, may mga nuances na doon mo lang mararamdaman kapag ginagawa mo na. Na hindi mo maasahang mararamdaman mo before the scene. So, in the moment, doon ko lang din siya naiisipan," sabi ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WORKING WITH THE WORLD'S THIRD SEXIEST MAN. Anong meron kay Dingdong physically na naa-attract siya?

"Gusto ko, matangkad siya!" natatawang sabi ni Rhian. "Pero yung naa-appreciate ko nga sa kanya, sa tingin ko, kaya nasasabi kong nakikita ko siya bilang isang taong mapagkakatiwalaan, kasi yun yung ipinaparamdam niya sa akin. Parang napaka-gentleman niya lang. Ginagawa niya lang kung ang ano ang dapat. Anything the show requires, handa siyang gawin."

Physically?

"Physically? E, kasi naman, hindi naman kailangang pag-usapan. Kasi, sexiest man in the Philippines. Top three siya sa buong mundo!" ani Rhian.

How does she feel working with the world's third sexiest man?

"Tingin ko, one day, kapag pumunta ako ng States, sasabihin ko, 'You know, the third in the world, sexiest man, partner ko!' Ipagyayabang ko!" natatawang sabi niya.

THE PINAY JODI. Maraming crying scenes sa Stairway To Heaven, lalo na sa character ni Rhian bilang Jodi. Sa tingin ba niya, handa na nilang paiyakin ang manonood sa matutunghayan na love story nila?

"Ako, my only hope ko lang para sa show is sana mabigyan ng chance ng lahat para maging parte kami ng gabi nila."

Hindi mawawala ang pagkukuwestiyon ng ilan kung bakit siya ang napili bilang si Jodi. Paano niya mapu-prove na siya talaga ang karapat-dapat sa naturang role?

"Ayun, natanggap ko na nga na part ng trabaho na kapag na-prove mo ang sarili mo sa isang show, hindi yun sapat, e. Ang tatanungin, yung show mo na ito. I plan to do what I've always done. I don't know... Siguro, sa tingin ko, ibigay mo lang talaga ang sarili mo sa character mo and it will follow."

Nasasaktan pa rin ba siya kapag may nagdududa? Nagsasabing hindi siya ang deserving?

"Oo, dahil tao lang ako at puwede rin naman akong masaktan kahit konti. Siyempre, dahil pinaghirapan ko naman kung anuman ang nakukuha ko. And hopefully, mabigyan lang ako ng chance para i-continue lang kung ano ang ginagawa ko ngayon," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ISNABAN ISSUE. Ipinalinaw rin ng PEP kay Rhian ang lumabas na report na nang mag-guest daw siya sa sitcom nina Manny Pacquiao at Marian Rivera na Show Me Da Manny, nagkaroon daw ng isnaban sa pagitan nila ni Marian. Si Marian ang rumored girlfriend ni Dingdong. Kaya iwasan man, tila hindi mawawala na mababanggit ang pangalan ng aktres.

Pero itinanggi ni Rhian ang isyung ito. Aniya, "Hindi... Kasi, noong nag-hi ako sa kanya, nag-hi rin naman siya sa akin. Nandoon na siya sa room, tapos pumasok ako sa room, so siyempre ako ang magha-hi. Alangan naman na hintayin ko ang lahat ng tao na lumapit sa akin, di ba?"

So, bakit may ganoong isyung lumabas?

"Siguro dahil may show kami ni Dong!" natatawang sabi ni Rhian. "Alam n'yo naman, ganoon talaga. Pero nag-hi kami, nag-beso. Pero hindi kami yung nagkausap. Kasi, medyo busy kami. Nagmamadali na kami sa taping dahil si Manny, may training na siya for his next fight. Kaya pagpasok mo sa dressing room, parang bihis ka lang, labas na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN