Luis Manzano says his mom was probably joking when she said he's a better actor than his dad

"Siguro nagbibiro lang si Mommy, o siguro lang kahit papaano nagustuhan niya yung mga eksenang ginawa namin. Everyone naman knows that my dad is a competent actor. Naglalambing lang nun si Mommy kasi ako ang katabi niya," says Luis Manzano about his mom Batangas Governor and Star For All Seasons Vilma Santos's praise for his acting.


Trailer pa lang ang ipinapakita, pero positibo na at magaganda ang mga reaksiyon at feedback ng publiko sa acting na ipinakita nina Ms. Vilma Santos, John Lloyd Cruz, at Luis Manzano sa pelikulang In My Life ng Star Cinema.

Epektibo raw na nagampanan nina John Lloyd at Luis ang roles nilang bilang gay lovers. Sa husay nila, napagdududahan tuloy ang sexual preference nilang dalawa.

"Hindi ako naniniwala na may thinking na ganun ang iba. Napakatalino na ng audience natin. Hindi naman porke't gay roles ang ginampanan mo at naging effective ka, mai-stereotype na kami as gays. Everyone knows kung ano ang sexual preference namin ni John Lloyd," kibit-balikat na lang ni Luis nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa iniisip ng iba sa kanila.

"Actually, kung na-convince nga namin sila, I think it goes to show na effective kami. But I don't think na aabot sa puntong kukuwestiyunin kung ano ang sexual preference namin," aniya.

Sa ipinakitang galing sa role niya bilang gay, tatanggap kaya uli ng ganitong roles si Luis?

"Siguro pag-aaralan kong mabuti," sagot niya. "Sinabi ko naman dati, dalawa ang dream role ko—yung mentally challenged at saka yung complex gay character. Heto [gay character] nagawa ko na ito, nagawa ko na ito under Direk Olive [Lamasan]. Siguro, if it's still a very nice script, a very nice story, I will still do it. I don't think na dito dapat nagtatapos yung growth ko as an actor."

"Star For All Seasons" ang ina ni Luis at kilala bilang isa sa pinakamahuhusay na young actors si John Lloyd. Inamin ni Luis ang takot na lamunin siya nang buung-buo sa eksena dahil sa husay ng mga co-stars niya. Isa ito sa mga rason kung bakit nagdalawang-isip siya noon na tanggapin ang role.

"Oo naman, isa pa 'yan sa nagpa-hesitate sa akin sa project. Siyempre, makikipagsabayan ka sa dalawa sa napakagaling. Medyo mahirap-hirap yun, pero may tiwala ako kay Direk Olive na hindi niya ako pababayaan. May tiwala ako na hindi ako pababayaan ng co-actors ko, the same way na may tiwala ako sa sarili ko na magagawa ko yun [makipagsabayan sa acting nina Gov. Vi at John Lloyd]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BETTER THAN DADDY. Naging biru-biruan, pero sineryoso ng iba ang nabitawang salita ni Ate Vi sa nakaraang presscon para sa In My Life na para sa kanya ay mas magaling umarte si Luis kesa sa ama nitong si Edu Manzano.

"Siguro nagbibiro lang si Mommy, o siguro lang kahit papaano nagustuhan niya yung mga eksenang ginawa namin. Everyone naman knows that my dad is a competent actor. Naglalambing lang nun si Mommy kasi ako ang katabi niya," katuwiran ni Luis.

Speaking of his dad, hiningan ng PEP ng reaksiyon si Luis sa pagbibitiw sa tungkulin ni Edu as Optical Media Board (OMB) Chairman effective September 10.

"I never really got the chance to talk to him about his resignation, nabalitaan ko na lang din. But siguro, whatever my dad's reasons are for resigning, siguro it's very legit and napakaganda ng basis kung bakit kinakailangan niyang bitwan ang OMB. There was a lot of thinking behind it bago siya nagdesisyon," sabi ni Luis.

Hayagan ang pakikipagrelasyon ni Edu sa news anchor na si Pinky Webb. Para kay Luis, masaya siya kung saan niya makikitang masaya ang ama.

"Honestly speaking, I never got to hang out with them, like, over dinner. But I see my dad happy, so I'm happy for him. I know naman Pinky is a very, very good woman, I have nothing bad to say against her," aniya.

GOV. VI TO PLAY CORY? Very vocal ang mga Aquino na kung gagawing pelikula ang buhay ng namayapang ina nila na si dating pangulong Corazon C. Aquino, gusto nilang si Ate Vi ang gumanap. Pero gaya ng Star For All Seasons, para kay Luis ay isang mabigat na responsiblidad ang role na ito.

"The fact that they are considering my mom, and we all know Madam Cory, kung ano ang nagawa niya at ang influence niya sa bansang ito, that's not an easy role. Napakadaling sabihin na, 'Ang gusto po naming maging ganito ay si Ms. Vilma.' But for my mom, that's very, very hard. It's a very, very big responsibility para sa mommy ko. Pero siguro if that project pushes through, I am more than sure my mom will do a great job," pagmamalaki ni Luis sa kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALL'S WELL THAT ENDS WELL. Ang In My Life ay ipalalabas na sa September 16. Pero bago ito, magkakaroon muna ng dalawang premiere ang pelikula: 5 p.m. sa Trinoma at 7 p.m. naman sa SM Megamall.

Aminado si Luis na masaya siya at naaayos na ang gulo sa pagitan ng Star Cinema at SM Malls. Dahil sa pagbabating ito, maipapalabas ang In My Life sa SM Cinemas.

"I'm happy, relieved na naayos na yung gulo and from the very start naman, positive ako na maaayos talaga ang lahat. Sabi ko nga, ang industriya, tulungan lang naman, we both benefit from each other. Hindi natin maiiwasan na here and there magkaroon ng kaunting gusot. But maayos din yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN