John Lloyd Cruz describes his kissing scene with Luis Manzano as "liberating"

"After nung take na yun, grabe! Sobrang parang alam mo, yung headrush? Ganun yung pakiramdam. Parang sobrang liberating. So, parang ganun ka-liberating yung experience. Parang feeling ko after that, I can conquer everything," says John Lloyd Cruz about his kissing scene with Luis Manzano in In My Life.


Inunahan na ni John Lloyd Cruz ang moviegoers na huwag mag-expect ng napakataas sa latest movie niya na In My Life, kung saan kasama niya sina Ms. Vilma Santos at ang anak nitong si Luis Manzano. Ngayon pa lang kasi ay ikinukumpara na ang In My Life sa mga nakaraang pelikula ni John Lloyd, much more sa naging success ng latest movie ng ka-loveteam niyang si Bea Alonzo na And I Love You So.

Paliwanag ni John Lloyd, "Hindi naman namin intention na mapantayan o mahigitan ang kinita ng movie nina Bea, pero umaasa ka na siyempre maging successful din siya nang hindi mo sinusukat, hindi ka nagbibigay ng projection. Pero, siyempre, ang hope ko, sana kumita rin ang pelikula namin.

"Hindi kami puwedeng maging masyadong confident. Hindi dahil pelikula 'yan ni Ate Vi o pelikula 'yan ni Olivia Lamasan, puwede na kaming maging confident o kampante na kikita 'yan. Naku, sana! Sana, kasi ang ganda ng story, e. Ang ganda ng story na io-offer namin and it's really something new," paliwanag ng aktor nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang expectation niya sa In My Life, personally?

"Well, we really have a very good story to tell," sabi ng aktor. "Punung-puno ang pelikula. Biruin ninyo, yung istorya pa lang, ha, busog na busog na, punung-puno pa. Tapos, set pa in New York City. So, kapag nanonood ka, talagang what a treat! Yung pinapanood mo, ang ganda ng istorya, ang ganda pa nung visuals mo. So, doon pa lang. Pero tingnan natin. Ayokong i-claim na yun. Pero tingnan natin kung hindi sila mahu-hook sa mga characters."

KISSING SCENE WITH LUIS. Sa trailer pa lang ng In My Life, nakikita na may chemistry sila ni Luis sa screen.

"Eto yung klase ng chemistry na we were able to create with the help of Direk Olive Lamasan. So, ayun, I feel blessed na hindi lang ako sa babae nagkakaroon ng chemistry, kahit pala sa lalaki!" natatawang sabi ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inaabangan na rin sa pelikula ang "kissing scene" nila ni Luis.

"Hindi siya... Ayaw kasing tawagin ni Inang [Direk Olive]... nag-brush [yung lips]. Parang mahirap siyang ipaliwanag. More than the kissing scene, kasi yung pagiging intimate nung eksena at sobrang emosyunal nung eksena, yun ang gusto naming makita ng mga tao o mag-transcend."

Habang hinahalikan niya si Luis, ini-imagine ba ni John Lloyd na babae ang kanyang kaeksena?

"Hindi babae," mabilis na sagot ni John Lloyd. "Ang tinitingnan ko, si Mark, yun ang name ng character niya [Luis], e. Kapag tinitingnan ko siya, ang nakikita ko, yung lover. Pero not necessarily sa utak ko ini-imagine ko na babae siya. Parang, halimbawa, ini-imagine ko na siya yung ex ko, hindi ganun, e. When I look at him as Mark, I look at him with love and I see my love. So, ganun yung treatment."

Ano ang naramdaman niya nang "mag-brush" ang lips nila ni Luis?

"After nung take na yun, grabe! Sobrang parang alam mo, yung headrush? Ganun yung pakiramdam. Parang sobrang liberating. So, parang ganun ka-liberating yung experience. Parang feeling ko after that, I can conquer everything," saad niya.

LUIS-ANGEL RUMORED BREAKUP. Speaking of Luis, ano ang masasabi niya sa naging "engkuwentro" ng co-star niya with the entertainment press dahil sa pagtatanong tungkol sa rumored breakup nila ni Angel Locsin? (Click here to read related story.)

"Well, it's something na hindi mo naman puwedeng iwasan, e, di ba? Siyempre, you owe it to the public. We owe it to you, to all of you. Kasi, alangan namang lalapit lang kami sa inyo kapag kailangan naming mag-promote?" aniya.

Isa sa nakadagdag ng init sa "engkuwentro" ni Luis with the entertainment press ay ang sagot nito na "private part" na raw yun ng buhay niya at hindi raw sila public property. Ano ang komento rito ni John Lloyd?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro ano, well, I cannot speak for them, especially for my friend Luis. Pero ako, sa mga tao naman, sa inyo, nung nangyari sa akin 'yan, humingi lang ako ng respeto, ng time na pagdating ng panahon, mas masasagot ko nang diretso 'yan, nang mas malinaw, nang walang paliguy-ligoy. Sa inyo naman, madali kayong umintindi. Kapag humingi sa inyo, kapag hiniling sa inyo, nireresepto n'yo rin naman.

"Yung kay Luis, hindi ko alam. Kasi kanila yun, e. I regret to hear that na hindi nagiging ganun yung approach. Pero baka kasi medyo mahirap pa yung pinagdadaanan niya," paliwanag ni John Lloyd.

Nag-dialogue pa raw si Luis ng ganito: "I don't need to answer that." Ano ang masasabi rito ni John Lloyd?

"Okey lang, wait lang. Wala ako dito, ha," paalala ni John Lloyd. "Ayokong mag-comment. Ako, naiintindihan ko siya. Pero, siyempre, iba-iba naman kami. Siguro at that time na natanong ninyo siya, medyo... Hindi mo masasabi, e."

JOHN LLOYD'S LOVELIFE. Siya ba ay may pinagdadaanan din ngayon tungkol sa lovelife tulad ni Luis?

"Wala naman. Anong bago sa akin? Wala," sagot ni John Lloyd.

May balita na nagkabalikan na sila ng ex-girlfriend niyang si Liz Uy. Totoo ba ito?

"Hindi, hindi po. Wala pong balikan na nangyari," tanggi niya.

Kumusta sila ni Liz ngayon?

"Yun naman ang sabi ko, kasi parang nagkausap nga kami isang beses, parang sinasabi niya, 'Ano ba 'yan? Kahit wala na tayo, parang hanggang ngayon hindi pa rin ako nawawala sa mga usap-usapan.'

"Sabi ko, 'Pasensiya ka na, kasi siyempre hindi ko rin naman hawak yun. And ang media, maglalabas ng gusto nilang lumabas without consulting me.' Kumbaga, hindi ko na discretion yun, e. Sabi ko na lang, 'Pasensiya ka na.' Sabi ko na lang sa kanya, 'From now on, I will talk less about you para maano na rin...'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nahihiya naman ako dun sa tao dahil, di ba, para masabi niya yun, baka nakakaapekto rin sa personal niyang buhay. And sabi ko nga, gusto ko lang irespeto na, lalo na ngayon. Kung dati nga, hindi ko masyadong pinag-uusapan, lalo siguro ngayon na wala na kami.

"So, para sa akin, ipinangako ko na lang sa kanya, 'Hayaan mo sa mga next interviews ko, hihilingin ko na lang sa kanila na medyo iwas na lang.' Dahil, siyempre, ngayon na wala na nga kami, mas gusto niyang protektahan yung private life niya. Kung anuman yung personal niya, kailangan kong hayaan na. Kailangan kong ibigay sa kanya yun," saad ni John Lloyd.

May nililigawan ba siya ngayon?

"Kung darating, darating 'yan. Basta ngayon, kung nasaan ako, masaya naman ako," sagot niya.

Magpa-Pasko ba siya na walang girlfriend?

"Hindi ko alam. Hindi ko masasabi. Mahirap magsalita. Siyempre, parang sa akin, kung gusto ko naman... di ba, parang iba kasi yung klase ng happiness na nabibigay ng girlfriend at iba ang happiness na nabibigay ng family mo?"

Hinahanap-hanap ba niya ang happiness na ibinibigay sa kanya ng isang girlfriend?

"Oo, totoo," aniya. "Siyempre masarap umuwi ng bahay na may inspirasyon siya."

SARAH, BEA & ANGEL. Samantala, naapektuhan ba siya kahit konti ng balitang nililigawan ngayon nina Christian Bautista at Mark Bautista ang isa pa niyang leading lady na si Sarah Geronimo?

"Hindi naman sa apektado tayo," sabi ni John Lloyd. "Parang kung nanliligaw man kahit na sino kay Sarah, wala naman tayong magagawa doon. Si Sarah, maraming gustong manligaw sa kanya. Napaka-attractive niya, napakaganda ng personality. Walang dahilan para hindi siya ligawan. So, ayun, kanila yun."

Ano ang next project niya?

"Kami ni Bea [Alonzo] meron, pero inaayos pa, e."

Tuloy ba ang teleserye nila ni Angel Locsin?

"Teleserye ba ito o movie? Hindi ko alam kung puwede ko nang sabihin ngayon. Anyway, kung matuloy man o hindi, ang niluluto namin sa Star Cinema, kaming tatlo—Bea, Angel, and John Lloyd," banggit ni John Lloyd.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN