Rafael Rosell nearly misses his flight back home after doing In My Life in New York

"Ten o'clock sa gabi ang flight ko, just imagine. Feeling ko, wala na akong masasakyan kaya naisip kong lakarin ko na lang. E, naligaw ako. Mabuti na lang, may taxi driver na nagmagandang loob na ihatid ako sa hotel," relates Rafael Rosell about getting lost in The Big Apple.



Surprise guesting ang ginawa ni Rafael Rosell sa Shall We Dance noong Linggo sa TV 5 studio sa Novaliches, Quezon City, at sinadya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktor para sa mga kuwento niya sa pakikipagtrabaho with Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa In My Life, na nagkaroon ng ilang araw na location shooting sa New York.

"Nagkaroon ako ng chance na makatrabaho ang isang veteran at nirerespetong artista," bungad ni Raf. "Sobrang professional. Karamihan, take one. Super-support sa co-actors niya, sa crew.

"Dati kasi, sa akin, yung Vilma Santos is Vilma Santos. Ngayon, wow! Masasabi ko ngayong iba ang Vilma Santos nang makatrabaho ko na."

Very accomodating daw si Ate Vi lalo na sa mga hindi pa beterano at baguhan.

"First time ko siyang nakatrabaho," sabi pa ni Raf. "Yung eksena namin, medyo mahaba ang lines ko. Gusto ni Direk Olive [Lamasan], with the New York accent pa. Naglalakad kami sa park, hindi pa satisfied si Direk sa accent ko roon sa rehearsal.

"It has to be thick to make it authentic na matagal na akong nakatira sa New York. Sabi ni Ate Vi, 'Huwag kang kabahan. Kakayanin mo 'yan.' After the take-one, satisfied si Direk, pati si Ate Vi.

"Nakita ko yung gesture of approval ni Ate Vi, and it meant a lot to me. Grabe! Astig talaga yung Vilma! May encouragement at energy talagang naibigay sa akin si Ate Vi, kaya naging okey yung eksena namin," patuloy pa ni Rafael.

BAD FIRST TIME. Nine days din ang ginugol ni Raf para sa shooting ng In My Life sa NY.

"We shot every day naman there," aniya pa. "Yung dalawang araw, papunta sa New York, and another day, yung pabalik na. So, all in all, seven days of work yun na tuluy-tuloy.

"First time ko sa NY, pero nanghihinayang ako. Kasi, nanakaw yung kotse ko rito sa Pilipinas, di ba? Nasa hotel lang ako most of the time, tumatawag para ayusin yung problema," napapailing na sabi ni Raf.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WALKING AROUND NY. Noong last day raw, 'tsaka lang siya lumabas at naglibot.

"Pero, nawala ako sa New York. Sabi ko kasi, lalakarin ko na lang. Mali yung direksyon na napuntahan ko dahil nagtanong lang ako sa taxi driver. Tinanong ko kung saan yung hotel namin, yung nilakad ko, sa opposite direction pala.

"Kaya kung lalakarin ko nang hindi nagtatanong, hindi ako makakarating sa hotel at lalo lang akong napalayo. E, ang flight ko pabalik sa Manila, on that same day. Mabuti na lang, may isa pang taxi driver na nag-offer sa akin na ihahatid ako roon sa hotel.

"Sobrang lakas ng ulan at that time. Hindi ako agad nakakuha ng taxi. Four to six ng hapon, nagpapalitan yung mga driver doon, kaya wala talagang masyadong bumibiyahe.

"Ten o'clock sa gabi ang flight ko, just imagine. Feeling ko, wala na akong masasakyan kaya naisip kong lakarin ko na lang. E, naligaw ako. Mabuti na lang, may taxi driver na nagmagandang loob na ihatid ako sa hotel," sabi pa niya.

TO LIVE OR NOT IN NY. Sa experience ni Raf sa NY, nakikita niya ba ang sariling titira siya sa lugar na ito?

"I see myself living anywhere naman, kaya lang, sa ngayon, I still live comforatably here in the Philippines. I would love to live in New York, pero may trabaho kasi ako rito, may opportunities pa rin, kaya rito na muna ako.

"Marami kang puwedeng ma-experience doon. Iba't ibang klaseng tao. Yung characters na dati, napapanood ko lang sa TV, totoo pala yun doon sa New York. But, I really had fun just watching those people," pagwawakas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN