Glaiza de Castro enjoys playing kontrabida but doesn't want to be typecast

"Ine-expect ko po na marami po ang magagalit sa akin. At kapag lumabas ako, sasabihan nila ako ng kung ano-ano. Pero trabaho lang naman po yun. Huwag po nating personalin," says Glaiza de Castro about her role as Eunice in Stairway To Heaven.


Nagkaroon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataon na mapanood ang compressed first week ng upcoming romantic-drama series ng GMA-7 na Stairway to Heaven sa red-carpet celebrity premiere nito last Sunday, September 6, sa SM Megamall Cinema 10, at sa grand launch nito kagabi, Sept. 7, sa Studio 7 ng GMA Network.

Base sa napanood naming mga eksena, malaki ang posibilidad na marami ang magagalit sa character na ginagampanan ni Glaiza de Castro bilang Eunice, ang stepsister ni Jodi (Rhian Ramos) na pilit aagawin ang pag-ibig ni Cholo (Dingdong Dantes).

Kaya ngayon pa lang ay may pakiusap na si Glaiza sa mga manonood.

"Ine-expect ko po na marami po ang magagalit sa akin. At kapag lumabas ako, sasabihan nila ako ng kung ano-ano. Pero trabaho lang naman po yun. Huwag po nating personalin. Ako po, gusto ko lang po talagang gumawa ng iba't ibang roles. Pero, hindi naman po ibig sabihin nun, magiging kontrabida na ako forever," saad ng young actress nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

MORE EVIL. Bukod sa Stairway To Heaven, napapanood pa rin si Glaiza sa afternoon soap na Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, kung saan kontrabida rin ang role niya bilang stepsister naman ni Maxene Magalona. Pero ayon kay Glaiza, mas grabe raw ang pagka-kontrabida niya sa Stairway To Heaven.

"Si Eunice kasi, very different from Gladys [her character's name in Kung Aagawin...]. Mas ano siya, yung iniisip niya, hindi mo talaga alam. Yung tumatakbo sa isip niya, parang devious talaga. Si Gladys, kung ano ang nararamdaman niya, sinasabi niya. Dito hindi, scheming. So, mas complex. Mas mahirap. May puso rin siya, umiiyak siya, e. Kasi, meron siyang needs, meron siyang wants. Umiiyak si Eunice. Kahit nang-aapi siya, naapi rin siya. Pero, mas evil 'to. Nananagasa 'to, e," paghahambing niya sa kanyang dalawang kontrabida roles.

Ganoon ba siya kapag-in love?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman. Hindi naman ako mananagasa!" natatawa niyang sabi, patungkol sa isang eksena sa Stairway To Heaven kung saan sasagasaan niya ang character ni Rhian.

Speaking of Rhian, kumusta naman sila sa set?

"Si Rhian, okey si Rhian. Nakakasama ko siya before sa mga events, sa SOP... Pero yung actually working with her onscreen, ito yung first time. Tapos, hayun nga, nagsasampalan kami. Nasasaktan ko siya," sabi niya.

Paano kapag ganun?

"Alam n'yo, noong nag-preview nga kami, magkatabi kami, napapahawak ako sa kanya. Talagang sabi ko, 'Sorry, sorry talaga.' Kasi, totoo talaga [yung sampalan]. Sabi naman niya, 'Okey lang yun, 'no. Trabaho, trabaho.' Game naman siya."

Pero siya ba yung tipong makikipaglaban din nang todo?

"Depende sa sitwasyon," sagot ni Glaiza. "Siguro kung sobra-sobra naman ang gagawin to the point na mananakit ako ng ibang tao, hindi naman. Hindi naman ako ganoon. Kasi, para sa akin, kung talagang para sa 'yo, para sa 'yo. Si Lord na lang ang bahala. Parang wala na sa mga kamay natin kung sinuman ang para sa atin."

Handa na ba siyang kainisan?

"Kagabi nga sa screening, parang yung mga tao, sobra talagang maka-react. Kaya kami ni Ms. Jean Garcia, parang, 'Ingat na lang tayo kasi parang ang daming mang-aaway.' Sabi pa nila, magsama na raw kami ng bodyguard dahil baka raw bigla may manapak sa amin ng bigla!" natatawa niyang sabi.

Nae-enjoy niya ba ang pagiging kontrabida?

"Nae-enjoy ko, pero ayoko namang ma-typecast as kontrabida forever. Kasi, mahirap naman yun, di ba? Mahirap makawala sa ganoong image and mahirap din dahil yung mga tao, sabihin na nating nadadala talaga sa mga eksena mo. So, siguro, iba-iba lang."

PATRICK GARCIA. Kapag lovelife na ang pinag-uusapan, tila nagiging mailap naman bigla si Glaiza sa pagsagot. Kaya diretsuhan na namin siyang tinanong tungkol sa nakarating sa aming balita na nagkakamabutihan na raw talaga sila ni Patrick Garcia?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, hindi naman nagkakamabutihan na nagkakamabutihan talaga," sabi ng dalaga. "Parang lately lang, kami nila Max [Maxene], kami nila JC [Tiuseco], actually, lahat kami sa Kung Aagawin..., nagba-bonding na kami. Kasi before the show talaga, wala kaming connection. Hindi kami nag-uusap masyado. Ngayon, ironically, before mag-end yung show, 'saka lang kami nagkaayos lahat. Parang wala nang inhibitions. Yung ganoon."

So, ito ang nakapag-break ng ice sa pagitan nila ni Patrick dahil dumating ang time na bago nila gawin ang Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin ay hindi na sila halos nag-uusap?

"Yes, dumating ang time na nagde-dedmahan kami," pag-amin ni Glaiza. "Kasi, nailang talaga ako sa kanya. Alam n'yo, yung ang laki ng time na hindi kami nag-uusap, tapos biglang magkakatrabaho kami. Para sa akin, hindi naman imposible para sa akin na hindi mailang. Siguro, dahil sa mga intriga na rin."

A MORE INSPIRED GLAIZA. Ibang-iba si Glaiza ngayon, halatang hindi siya palagay sumagot sa mga tanong about her lovelife. Pero sa kanya na rin nanggaling na mas inspired at driven siya this time.

"E, siyempre, blessings ni Lord! At saka, 'eto pa, di ba, habang kumakanta si Ms. Reg [Regine Velasquez], tinitingnan ko ang set, tinitingnan ko kayo, parang sobrang I'm so blessed to be here," sambit niya.

Bagamat matagal na rin si Glaiza na nag-aartista, ngayon lang nagkakasunud-sunod ang opportunities na naibibigay sa kanya. Ang makatambal nga raw si Dingdong sa isang soap ay hindi niya akalaing posible palang mangyari.

"Sobrang saya! Grabe!" nakangiti niyang sabi. "Pero noong nagwo-workshop kami, medyo naiilang pa rin ako sa kanya [Dingdong]. Kasi, para siyang co-worker mo lang talaga na susuporta sa 'yo.

"Hindi ko talaga ine-expect na mapapasama ako sa mga ganito kalaking projects. Hindi pa nga tapos yung Kung Aagawin... kaya hindi ko pa iniisip kung ano ang kasunod."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN