UPDATED Edu Manzano clarifies context of his speech at MTRCB TV Awards


"Sana nalinawan 'yung iba d'yan, hindi ko sinabing hindi ako nagpapasalamat sa ibang award-giving bodies. Kasi marami ring nagbigay ng award sa Game KNB? at sa inyong lingkod through the years," says Edu Manzano.


Sa nakaraang First MTRCB TV Awards na ginanap noong September 4 ay nagsilbing host si Edu Manzano. Pinarangalan din ang nagbitiw na Optical Media Board (OMB) chairman bilang Best Male TV Host.

Sa kanyang acceptance speech, tila na-misinterpret ang sinabi niya na dalawa lang ang special award para sa kanya—Anak TV at itong sa MTRCB.

Sa mga naisulat sa tabloid, nag-react ang ilang miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC) at Entertainment Press Society (Enpress) sa tinuran ni Edu. May award-giving body ang dalawang grupo—ang Star Awards ng PMPC at Golden Screen ng Enpress—kunsaan nanalo na rin ang TV host-actor.

PMPC'S STATEMENT. Nakakuha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng official statement ang PMPC, sa pamamagitan ng presidente nito na si Roldan Castro, kaugnay ng naturang insidente.

Narito ang pahayag ng PMPC:

"Noong Biyernes, September 4, sa 1st MTRCB TV Awards na ginanap sa Gateway Cinema 5, nanalong Best Male TV host si Ginoong Edu Manzano.

"Bahagi ng kanyang acceptance speech (na inemail niya kay Ms. Len Llanes, isang PMPC member) ay ito: "MTRCB, maraming, maraming salamat po. I would like to say na in the course of my almost three decades of being part of the television and film industry, there would be now be two awards that I will hold especially close to my heart, one will be the MTRCB for what it stands for and also an award that I have been receiving two years running at 'yan po ang ANAK TV Awards."

"Ang PMPC ang nasa likod ng taunang Star Awards for Television and Movies. Dito po ay nanalo si Ginoong Manzano bilang Best Male TV Host sa kauna-unahang Star Awards for Television noong 1987 (para sa Not Sooo Late Night with Edu), at bilang Best Game Show Host for two consecutive years (2007 at 2008) para sa Pilipinas, Game Ka Na Ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nang gabing iyon sa nasabing venue, maraming officers and members ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang nasaktan sa napanood at narinig sa naturang speech ni Ginoong Manzano.

"Nirerespeto po ng PMPC ang ipinahayag ni Ginoong Manzano sa kanyang speech, pero sana po ay respetuhin rin niya ang naging damdamin ng aming club.

"Napagkasunduan ng pamunuan ng PMPC na sa official statement na ito ay mabigyang-linaw ang nasabing isyu."


EDU EXPLAINS. Kahapon ng tanghali, September 8, bilang paglilinaw sa "tampo" ng dalawang grupo ng entertainment writers, ay nagpaunlak si Edu ng interview sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ.

"Unang-una sa lahat, yung MTRCB Awards is not televised," umpisa ni Edu. "Marami d'yan na hindi nakapunta nung awards, e, umasa na lang do'n sa mga nire-relay sa kanila. Hindi sila actual na nandodo'n. Buti na lang kahapon po ay nakakuha kami ng transcription. So, naipasa ko na po yung transcription nung mga sinabi ko sa ibang mga members ng PMPC at ibang members ng media. Sinabi nila na ngayon nila naiintindihan.

"Ang sinabi ko nung gabi ng MTRCB Awards: 'In my almost 30 years in the entertainment industry, nakatanggap ako ng mga awards din. There are two awards that are special to me, and that is, Anak TV at MTRCB.' Pagkatapos, ang hindi naisulat ng iba d'yan, ang sinabi ko, in the context, 'Kaya ko sinasabi ito, napansin ko gaano katindi ang impluwensiya ngayon ng telebisyon sa buhay ng mga tao.'

"So, I qualified ang aking statement na sila po, nagmo-monitor ng telebisyon 24/7, 365 days a year. Kumbaga, ginawa nilang trabaho ang pagpapanood at pagre-review ng mga programa na nilalabas nila sa telebisyon.

"Unang-una, yung Anak TV, hindi rin televised po 'yon. That is an NGO na binubuo ng ilang members ng ating industriya. And then ang MTRCB is a government agency. It was said in their capacity bilang mga watchdog, hindi award-giving body. Ang ginawa naman din sa kanila, this is a recognition ng Anak TV at ng MTRCB. So, nai-qualify po 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun naman po ang hindi nasulat na sinabi ko, kaya ko po sinabi ito, dahil sa aking kapasidad bilang OMB chair for over five and half years, na nakita ko, darating po ang araw na lahat ng content o material, sa telebisyon.

"Sana nalinawan yung iba d'yan, hindi ko sinabing hindi ako nagpapasalamat sa ibang award-giving bodies. Kasi marami ring nagbigay ng award sa Game KNB? at sa inyong lingkod through the years. At bilang isang ama, na-clarify ko rin 'yon kahapon, sa speech, na as a father, it is important to protect our children," paliwanag ni Edu.

Ano ang message niya sa members ng press na "na-offend" sa kanyang speech?

"I have been in this business for almost 30 years na halos lahat na ng members of the press, e, nakilala ko. Pinanatili ko pa ang iba na kaibigan o kumpare. I would never do anything to offend them as a body," pahayag ni Edu.

TRANSCRIPT OF EDU'S SPEECH. Upang mas maliwanagan ang lahat, ipinadala rin ng manager ni Edu na si June Torrejon-Rufino sa PEP ang buong transcript ng acceptance speech ni Edu sa MTRCB TV Awards:

"I would just like to say na in the course of my almost three decades of being part of the television and film industry, there would be now be two awards that I will hold especially close to my heart... One will be the MTRCB for what it stands for and also an award that I have been receiving two years running at 'yan po ay Anak TV Awards.

"The reason why I speak about it is because of late at mula noong ako po ay nakapagsimula sa Optical Media Board for over five years, I have seen the speed with which technology is being developed. Everybody now has access to televisions and computers at lahat po ng bagay ay accessible sa telebisyon and there's no stopping the technology from developing even further.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I also have come to realize na napakalaki po ng aming responsibilidad sa manonood and I take it upon myself that I would also put up my own set of standards that I would feel confident to let my eventually grandchildren watch. And I hope this will continue to inspire us to realize that television will serve a bigger role in nation building in the future.

"Kaya pag-ingatan po natin ang ating mga programa at alagaan po natin ang ating mga manonood.

"I didn't expect it. Mr. [Dingdong] Dantes, maraming salamat.

POLITICAL PLANS. Bumaling naman ang usapan sa political plans ni Edu. Hanggang September 10 na lang ang kanyang panunungkulan bilang OMB chair. Tuloy na bang pagtakbo niya sa Senado?

"Pinag-uusapan nga namin. Yung iba sinasabi, ba't daw ako nag-resign. Ayoko namang isipin ng iba na ginagamit ko yung resources ko sa aking ahensiya. Dalawa ang option ko: isa is to run for a political office and yung pangalawa, mag-private practice sa intellectual property.

"Matagal-tagal na rin akong naghahandog ng serbisyo-publiko. Ang hinahanap ko naman kasi, yung maganda ang plataporma. Sa halip na puro batikos, e, solusyon naman ang hinahanap ko."

Kung sakali bang ituloy niya ang political career niya, lalapit pa rin ba siya sa movie press?

"Hindi ko puwedeng talikuran ang movie press dahil sila ang naging part and parcel ng aking tagumpay. Kung hindi sa kanila, hindi ko maaabot o mayayakap ang aking nalalasahan ngayon," pagtatapos ni Edu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN