Young stars of Stairway To Heaven portray childhood of the lead characters

(From left) Young actors Barbie Forteza, Joshua Dionisio, and Joana Marie Tan play the young Jodi, Cholo, and Eunice, respectively, in the new GMA-7 teleserye Stairway To Heaven.


Mahalagang bahagi ng buong kuwento ng Stairway to Heaven ang kabataan ng apat na pangunahing tauhan sa naturang Pinoy adaptation ng hit Koreanovela.

Simula pagkabata pa lang ay isang espesyal na pagkakaibigan na ang namamagitan kina Cholo (Dingdong Dantes) at Jodi (Rhian Ramos). Magiging sandigan ni Jodi si Cholo hanggang mahulog ang loob nila sa isa't isa. Magdaraan sa matitinding pagsubok ang pag-iibigan nila, lalo na sa pagpasok sa buhay nila ng stepsister ni Jodi na si Eunice (Glaiza de Castro) na gustong agawin ang lahat kay Jodi, pati na ang lalaking mahal niya.

Bukod kay Cholo, mamahalin din si Jodi ng stepbrother niya at kapatid ni Eunice na si Tristan (TJ Trinidad). Madadagdag pa sa paghihirap ni Jodi ang mapang-aping pangalawang asawa ng kanyang ama na si Maita Aragon (Jean Garcia), ang nanay nina Eunice at Tristan.

Kaya naman ipinagmamalaking ipakilala ng GMA-7 ang apat na kabataang gumaganap sa mga importanteng roles sa teleserye—sina Joshua Dionisio bilang batang Cholo, Barbie Forteza bilang batang Jodi, Joana Marie Tan bilang batang Eunice, at Jhake Vargas bilang batang Tristan. Aabot din ng isang linggo ang exposure ng mga batang ito bago tuluyang lumaki ang kanilang mga karakter na gagampanan naman nina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, Glaiza de Castro, at TJ Trinidad.

During the grand press launch ng Stairway To Heaven na ginanap sa Studio 7 ng GMA Network last September 7 ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Joshua, Barbie at Joana Marie. Hindi nakadalo sa presscon si Jhake dahil nagbabakasyon siya sa Canada..

JOSHUA DIONISIO. Hindi na baguhan sa pag-arte ang 14-year-old na si Joshua. Una siyang napanood sa mga Kapamilya shows noon, gaya ng Kay Tagal Kitang Hinintay, Kung Fu Kids, at guestings sa mga shows ng ABS-CBN, tulad ng Maalaala Mo Kaya.

Sa kanyang batang edad ay nagkamit na rin ng acting award si Joshua nang tanghalin siya bilang Best Actor in a Single Performance sa Star Awards for TV last year dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya entitled "Sako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dati nga siyang Kapamilya, tinanong ng PEP kay Joshua kung ano na ang nangyari sa contract niya sa ABS-CBN Star Magic.

"Nagpa-release na po ako. Si Mama po ang nakipag-usap sa kanila," sagot ni Joshua.

Ayon sa batang aktor, wala raw siyang ginagawa ngayon sa ABS-CBN kaya nag-decide silang mag-try sa GMA.

"Maganda daw po kasi yung role kaya sinubukan namin," aniya.

Nag-audition si Joshua para sa role niya bilang batang Cholo. Mismong si Direk Joyce Bernal pa ang nag-audtion sa kanya. Na-excite naman si Joshua nang siya ang mapili.

"Masaya po ako. Nag-enjoy po ako sa taping. Sabi naman po nina Direk Joyce, okay naman daw ang pagkakaganap namin."

Itong Stairway To Heaven pa lang daw ang ibinibigay sa kanya ng GMA-7 at hindi pa raw siya nakakapirma sa network. Pero aniya, ito ang pinakamalaking break niya, so far, sa kanyang career.

"Sa kabila po kasi, marami kaming bida, kumbaga marami kaming naghahati sa billing. Dito po kasi sa Stairway, kahit bata lang po ang ganap ko, pero yung bidang lalaki naman po na si Cholo. Maganda po yung exposure na ibinigay sa akin. Tapos, isinama pa po kami ngayon sa presscon."

May pagkakatulad ba sila ng batang Cholo in real life?

"Opo, makulit at maloko," sagot ni Joshua.

Katulad ng batang Cholo na agad umibig sa kababatang si Jodi ay maaga ring nagkaroon ng babaeng mamahalin si Joshua. Thirteen daw siya nang unang magka-girlfriend, pero break na raw sila. Isa pa lang daw ang naging girlfriend niya at ngayon ay puro crush lang daw. Tumanggi namang pangalanan ni Joshua ang mga showbiz crush niya dahil puro Kapamilya raw. Hindi pa raw kasi niya masyadong kilala ang mga Kapuso beauties.

Kumusta naman katrabaho ang batang Jodi na si Barbie?

"Magaling po si Barbie. Sabi niya po kasi sa akin, first teleserye niya raw ito sa GMA, tapos ganito kaagad na heavy drama," ani Joshua.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Puwede ba niyang magustuhan si Barbie, tulad ng pagkagusto sa isa't isa ng mga karakter nila?

"Puwede naman po. Pero twelve pa lang po si Barbie, e. Grade six pa lang po siya. Masyado pa po siyang bata. Mas gusto po muna naming unahin ang mga career namin."

Ano naman ang mga natutunan niya kay Direk Joyce?

"Si Direk Joyce po kasi, tuwing may eksena, lagi niya pong sinasabi na i-push natin. Gusto niya na ipakita ko kung ano yung kaya ko. Tinutulungan niya po talaga ako sa pag-arte ko."

Sa ngayon daw ay ini-enjoy ni Joshua ang pagtatrabaho sa GMA-7. Nag-a-adjust pa rin daw siya dahil nasa bagong bakuran daw siya at hindi pa niya kilala lahat ng mga tao sa Kapuso kumpara raw sa Kapamilya na five years din siyang nagtrabaho.

BARBIE FORTEZA. First teleserye ng 12-year-old na si Barbie ang Stairway To Heaven, pero kinakitaan na agad siya ng potential sa drama. Bago raw ang big break niyang ito sa TV ay gumagawa na siya ng commercials, gaya ng Nido, Coke, Frutos, Red Ribbon at marami pang iba.

"Masaya po ako and talagang honored na gumanap bilang Jodi. Tapos sinasabi po nila na bilang young Rhian, kahawig niya raw po ako. At saka idol ko rin po si Ate Rhian, kaya masayang-masaya po ako," bulalas ni Barbie.

Young lovers sila ni Joshua sa Stairway To Heaven. Kumusta naman katrabaho si Joshua?

"Okay naman po. Kumportable naman po ako sa kanya. Madalas po kaming nagkukulitan. Kaya pagdating sa set, acting-acting, wala na pong hiyaan," sabi niya.

Paano niya pinaghahandaan ang mga madrama niyang eksena?

"Sa bahay po, nanonood po ako ng mga Sharon Cuneta movies. Tapos 'pag walang pasok, humaharap ako sa salamin. Makikita na lang ako ni Mama parang may sore eyes dahil sa kakaiyak ko sa pag-arte," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Barbie, wala naman daw siyang pinipiling role. Puwede raw siyang magbida, puwede rin siyang maging kontrabida.

Naiyak daw siya nang sampalin siya nang malakas ni Jean Garcia, na gumaganap bilang Maita Aragon, ang madrasta ni Jodi.

"Naiyak po ako sa sakit! Pero okay lang naman po. Pagkatapos nga po ng eksena, niyakap po ako ni Tita Jean at nag-sorry siya. Before po ng sampalan, ginayd [guide] niya ako. At saka tinuruan niya po ako kung paano maki-ride-on para maging makatotohanan ang eksena."

Anong advice ni Jean sa kanya?

"Yun po, to stay sweet and lagi pong i-try ang best ko."

Grade 6 pa lang si Barbie sa St. Michael's College of Laguna. Sa Biñan, Laguna raw sila nakatira ng family niya.

JOANA MARIE TAN. Malaking challenge naman para sa 16-year- old na si Joana Marie Tan ang pagganap bilang batang Eunice, ang kontrabida sa buhay ni Jodi. Bagama't masaya siya na siya ang napili for the role, nag-aalala rin siya dahil baka magalit ang mga tao sa kanya.

"Masaya ako pero medyo nakakatakot kasi kahapon [September 6, sa special screening ng Stairway To Heaven sa SM Megamall], parang nagbabanta yung mga nanood na hindi raw ako makakalabas ng buhay! Alam ko naman po nagbibiro lang sila. Pero masaya rin po kasi habang naiinis sila ibig sabihin effective yung pagganap ko bilang kontrabida," pahayag ni Joana.

Kinontak daw siya ng executive producer ng show na si Joseph "Otep" Boncalan para mag-audition. At nang muli siyang ipatawag ay dun na niya na-meet sina Joshua, Jhake, at Barbie.

Hindi baguhan sa pag-arte sa telebisyon si Joana dahil nakalabas na rin siya sa ilang maliliit na roles sa mga drama shows ng GMA-7 at ABS-CBN. Ang pagganap niya bilang batang Eunice ang biggest break niya, so far.

Kumusta naman katrabaho sina Joshua, Barbie at Jhake?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya po kami lagi. Lagi po kaming nagkukulitan, lalo na po sina Joshua at Jhake, ang kulit-kulit nila! 'Pag inaantok po kami nagpo-pompiyang po kami, naglalaro po, ganun. Magkakasundo po kami lahat. Walang hindi nakiki-bond. Close po kaming apat."

Sa ipinakita niyang husay bilang kontrabida, sinasabing siya raw ang susunod sa yapak ng mga sexy kontrabida katulad nina Katrina Halili at Iwa Moto. Ano ang masasabi niya rito?

"Hala, sexy ba ako? Ang taba-taba ko!" biro ni Joana. "Kung ganun po yung mga roles na ibibigay po nila sa akin, tatanggapin ko po kasi ibig sabihin nagtitiwala po sila sa akin na kaya kong gawin yun at effective ako sa ganung role."

May point ba na nainis siya sa role na ginagampanan niya?

"Opo, parang ano ba ito, sobrang insecure. Kung anu-anong kabaliwan yung ginagawa niya."

Ano ang pinakaayaw niya sa ugali ni Eunice?

"Yung nananakit po siya. Sobra siyang maldita."

Fourth year high school na si Joana sa Our Lady of Lourdes College sa Valenzuela City, Bulacan. Sa Caloocan siya nakatira.

Bukod sa mga malalaking artistang kasama sa cast, kaabang-abang din ang mahuhusay na pagganap ng mga batang artistang ito sa Stairway To Heaven na mapapanood na sa GMA Telebabad simula Lunes, September 14, pagkatapos ng Darna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN