Dingdong Dantes will not force Dongyan fans to support his team-up with Rhian Ramos

"Oo naman, wala naman talaga. At saka, klaro naman ang objective namin dito, which is magampanang mabuti ang mga trabaho namin, ang aming mga characters, so wala dapat na mahalong personal or anything. Just the same way na hindi rin ako nagiging involved sa whatever personal ni Marian," says Dingdong Dantes.


Parehong sinasabi nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos na ang characters na ginagampanan nila ang tanging nakakapag-motivate sa kanila to act passionately in love with each other sa primetime series nilang Stairway To Heaven. No more, no less. Pure work daw talaga ang mga ipinapakita nilang emotions on screen.

Si Rhian ay nagsabi nang hindi siya puwedeng pumasok sa isang relasyon kung saan "taken" na ang lalaki. Kaya sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong, hiningan namin siya ng reaksiyon tungkol sa binitawang salita ni Rhian.

"Sinabi niya yun?" tila nasorpresang tanong ni Dingdong, kaya tinanong namin siya na baka naman bigla siyang na-challenge sa statement ni Rhian.

Natawa ito sabay sabing, "Hindi, hindi... Kaya nagugulat ako kasi we never talked about these things. Ako, I never asked if she was in a relationship, kung anuman ang background niya. I don't even know kung totoo ba yung mga dati kong nakikita sa TV. I don't wanna know kasi kapag nakikita ko siya, I want to see a fresh Jodi. I don't wanna see Rhian. I want to see Jodi.

"Like ganyan, kapag nalalaman mo, nagugulo, parang nagkakaroon ng conscious effort na magtanong ka. So, maganda na makilala ko siya in the process of working. Makikita ko kung sino siya at hindi lang dahil sa naririnig ko."

"Wala naman kasing isyu to begin with. Normally, you will think na there might be something. Pero ako, I would like to believe na wala dapat, especially kapag ganito kaseryoso yung ginagawa namin. At mas seryoso kami na mag-work ito kesa magkaroon ng personal attachment.

"At saka palagi, ang personal attachment is always a resort of how we are. How we develop our friendship. Magiging resulta na 'yan. But one thing is for sure, kailangan maganda ang pagkakakilala namin ni Rhian. Kasi sa amin magkakaroon ng trust, at kami ang magkakasama hanggang sa dulo nito. Walang ibang magtutulungan dahil kami ang cast. Specifically, kaming dalawa ni Rhian."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halatang natuwa naman si Dingdong sa mga narinig na feedback, especially after ng cinema premiere ng Stairway To Heaven noong Linggo, September 6, sa Megamall. Marami ang nagsasabing nang lumabas sila ni Rhian, hindi na ang mga totoong katauhan nila ang nakikita ng manonood kundi sina Cholo at Jodi na mismo.

"Buti nga ganun... yun ang talagang una naming gustong malaman," sabi ng aktor. "Kasi, kahit kami, hindi namin pinapanood ang eksena. Halimbawa, may gawin kami, hindi namin pinapanood. Gusto naming ma-surprise kami sa mapapanood namin."

CHEMISTRY. Kahit na alam ng publikong in real life, meron siyang "special someone," lumalabas pa rin ang magandang chemistry niya sa ipinapareha sa kanya. Paano ba ito nagagawa ni Dingdong?

"Well, nagkataon lang siguro na nasa timing din. It's about time for me to do other things and nagkataon din na ang kailangan kong gawin ay isang ganitong klaseng show. So, since nandiyan siya, we have to do our show always. Hindi nga lang madali, pero masayang proseso lalo na kung maraming tumangkilik."

Ayon kay Dingdong, wala siyang "special privilege" o "power" kung sino ang puwede niyang maging leading lady, kung kaya't hindi raw siya ang may say na si Rhian nga ang napiling leading lady niya.

So, paano niya nalaman na may chemistry pala sila?

"Noong unang taping namin, meron. Pero bukod sa chemistry... Yung chemistry kasi, mas nakikita dapat ng audience. Pero yung sa actor, kumbaga sa set, ang naramdaman ko, siya si Jodi. Ako nga, hindi pa 'ko sure kung si Cholo nga ako nun. Parang may kuwestiyon pa ako nun. So, naramdaman ko na siya si Jodi. From there, everything else followed.

"Yung chemistry, ang manonood talaga ang magsasabi sa amin nun. Although, para sa akin, kumbinsido ako na siya si Jodi," saad ni Dingdong.

Hindi pa raw masasagot ni Dingdong kung tulad ng naging loveteam nila ni Marian Rivera, magtatagal o aabot din ba sila ni Rhian ng hanggang dalawa o tatlong teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ang importante, e, magawa namin nang tama ang ngayon. Kumbaga, hindi pa naman namin alam kung ano ang mangyayari sa future. Hindi pa natin alam kung ano ang susunod na magiging interes ko, or ano ang magiging na interes niya. Baka magiging iba-iba na, di ba?" aniya.

Feeling ni Dingdong, posible naman talaga na intrigahin sina Marian at Rhian tulad nga ng nangyayari na ngayon.

Aniya, "You know, I would think it's a possibility because of the set-up. Maiisip mo na baka ganyan. Pero ang sa akin, ang palagi ko lang iniisip, walang dahilan para mangyari yun. Walang dahilan para mangyari yun."

Pero noong lumabas yung isyung kesyo nag-isnaban sina Marian at Rhian, ano ang ginawa niya? Did he talk to Marian or Rhian?

"Hindi naman because, you know, one instance talaga na pupuwede kong mapatunayan na maaaring hindi naman talaga totoo yun... Because when we were in the event of Tatakbo Ka Ba? ng GMA, I saw it with my own two eyes that they greeted each other. Sa akin, kumbaga, that's enough. And, like I always say, there's no reason para mangyari yun."

ATTRACTION TO RHIAN. Kung nagkataong walang Marian sa buhay niya, posible rin kaya siyang ma-in love kay Rhian tulad ng sinabi ng huli sa kanya?

"Well, masasagot ko 'yan kung talagang walang ganun," nakangiti niyang sabi. "Ayoko kasing bigyan ng kahit anong kahulugan. Kahit hypothetical pa 'yan. Ako kasi, I respect her for what she is. If I say something, ayoko namang bigyan ng different light. Ayoko ng kapag magpe-perform kami pareho, e, mag-iisip siya ng kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Ang gusto ko, kapag magkaharap kami, fresh na fresh at magulat siya kung ano ang maibibigay ko sa kanya sa harap ng camera, whereas alam na niya."

Does he find Rhian attractive?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, bakit naman hindi? Kumbaga, there's a reason kung bakit niya nakuha ang role and she has the qualities kung bakit siya si Jodi. Physically, pati ang talents niya. Lahat 'yan isang package kung bakit siya naging si Jodi."

Totoo ba na nasabi ni Marian na wala naman itong dapat ika-insecure kay Rhian?

"Oo naman, wala naman talaga," pagkumpirma ni Dingdong. "At saka, klaro naman ang objective namin dito, which is magampanang mabuti ang mga trabaho namin, ang aming mga characters, so wala dapat na mahalong personal or anything. Just the same way na hindi rin ako nagiging involved sa whatever personal ni Marian."

WHAT ABOUT THE FANS? Napi-feel ba niya na parang sa lahat ng ito, siya yung mas naiipit dahil may following na ang Dingdong-Marian loveteam? And now, kailangan din niyang i-prove ang bagong team-up niya with Rhian.

"Well, hindi naman, depende sa kung saan mo titingnan. Kung titingnan mo sa aspetong kung susuportahan ba nila o hindi, e, choice nila yun. Yun ang bagay na hindi mo maipipilit. Kumbaga, may dahilan kung bakit sila nabuo at yun ay dahil tinangkilik nila ang isang certain tandem and ngayon nagkakaroon ng ibang formula, hindi naman guarantee yun na magugustuhan din nila."

Nakausap ba niya ang mga fans nila ni Marian?

"Hindi, ayoko kasing pilitin and I don't wanna force the issue. Kumbaga, support should be coming from initiative and sincerity. Kumbaga, kung gusto nila, gusto nila. Ganoon lang yun. And for whatever it is, ako, forever grateful ako sa suportang ibinigay nila sa akin at naniniwala ako na kumbaga, kaibigan ko na talaga sila. So, walang personalan."

May kaba pa ba siya sa nalalapit na pag-ere ng Stairway To Heaven?

"Oo naman siyempre. So, ang importante lang naman, mapanood nila ang first week. Yun lang ang gusto ko sanang maiparating. Malaking bagay na mapanood nila yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HE PREDICTED KIMMY DORA'S SUCCESS. Samantala, masaya raw si Dingdong sa naging resulta ng Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme.

Aniya, "Since day one pa lang, sinabi ko na sa lahat, hindi ko naman sinabing maghi-hit, pero sabi ko, very positive. Usually, mataas ang batting average ko sa mga predictions ko.

"At si Eugene [Domingo], she deserves all the happiness at lahat ng ligaya, dapat sa kanya lahat 'yan. Para sa akin, nagmarka siya ng napakalaking event sa history ng pelikula dahil meron siyang idinagdag na galing sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN