Jean Garcia on being dubbed "Bagets Killer": "Naku, tigilan naman ako!"

Jean Garcia gets the admiration of young Paolo Avelino. The actress says she has no idea why she attracts younger men. "Hindi ko alam, kapatid. Nakakalukrey nga, aminin mo 'yan," says Jean.


Tawa nang tawa si Jean Garcia nang biruin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang showbiz press habang ini-interview siya during the grand press launch ng bagong GMA-7 drama series na Stairway To Heaven last September 7 sa Studio 7 ng GMA Network.

Panay kasi ang biro ng press kay Jean na "nakakabulag at nakaka-amnesia" pala ang mga sampal at pananakit niya kay Jodi (Rhian Ramos), at kahit sa batang Jodi (Barbie Forteza). Ginagampanan kasi ni Jean sa Stairway To Heaven ang role ni Maita Aragon, ang malditang madrasta ni Jodi. Hindi lang daw pagtataray ang gagawin niya kay Jodi kundi pisikal na sasaktan talaga niya ito.

"Hindi naman masyado. Yung pagkakabulag at pagkakaroon ng amnesia ni Jodi dito ay dahil sa pagkakasagasa sa kanya ni Eunice. Pero siguro may konting contribution din ako doon dahil panay ang sabunot at sampal ko kay Jodi, baka naapektuhan ang mga nerves niya sa ulo!" balik-biro ni Jean.

SUPER EVIL ROLE. Aminado si Jean Garcia na sa lahat ng mga kontrabida roles na kanyang ginawa, si Maita raw ng Stairway To Heaven ang pinaka-evil sa lahat.

"Sobra, oo talaga, promise! As in super evil siya. At saka usually kasi yung mga ginagawa ko, kontrabida, pero alam mo yun, may pagbabago in the end. Nagsisisi. Eto kasi, yung original Koreanovela nitong Stairway To Heaven noong pinanood ko, salbahe siya rito all the way. So, maluluka-loka na lang siya, di ba, sa ending? E, sabi nina Direk Joyce [Bernal] at Direk Andoy [Ranay], kailangang higitan ko pa raw yun. Susme, may hihigit pa ba dun, super sakitan-to-the max sa pananampal si Maita!" saad ni Jean.

Ini-enjoy naman ni Jean ang very challenging role na ito, pero natatakot din siya sa magiging reaksyon ng viewers sa mga gagawin niyang kasamaan sa serye.

"Feeling ko nga, hindi na ako makakalabas ng bahay ko kapag naipalabas na itong Stairway To Heaven. Super maldita talaga ako dito at super nananakit. Kaya scared na ako sa magiging reaction ng mga manonood sa series namin. Ayokong mabato ng mga tao, 'no!" ani Jean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa buong career niya, may naranasan na ba siya na may nang-away sa kanya dahil sa pagiging kontrabida niya?

"Wala pa. Honestly, mukhang dito pa lang, feeling ko. Huwag naman sana. Mabait naman po ako. Nagtatrabaho lang, di ba? May dalawang anak, aminin mo 'yan. Ang hirap kumita ng pera!" biro pa ni Jean.

Although alam naman ni Jean na matatalino na ang viewers ngayon, may pakiusap pa rin siya, lalo na sa mga fans ng mga artistang sasaktan niya sa serye.

"Kung hindi nagalit ang mga tao sa mga kontrabida roles ko noon, baka dito magalit na sila sa akin. Kaya pakisulat na lang sa mga column n'yo yung pakiusap ko na huwag naman nilang personalin. Trabaho lang po ito at walang personalan," aniya.

HURTING BARBIE AND RHIAN. So far daw sa kanilang mga natapos na episodes ay ang gumaganap na batang Jodi na si Barbie pa lang daw ang talagang nakakatikim ng matinding sampal mula sa kanya.

"Grabe, todohan talaga ang sampal!" bulalas niya. "Naaawa nga ako kay Barbie. Niyayakap ko nga yung mga bata after. Kasi hindi naman puwedeng dayain. Hindi pumapayag sina Direk na dayain. Ako nga, sumusuko na ako kasi ang sakit na ng palad ko, e."

Hindi pa raw masyadong nakakaeksena ni Jean si Rhian kaya hindi pa raw nito natitikman ang matinding pananakit niya. Ang tanging sampal daw na natikman ni Rhian mula sa kanya ay ang ginawa niyang pagsampal dito during the presentation na inihanda nila sa grand press launch.

"Actually, hindi ko pa siya nakakaeksena. Wala pa, yun pa lang. Kasi ang mga kaeksena ko yung mga bagets pa lang. Si Glaiza [de Castro], nakaeksena ko na. Pero si Rhian, tomorrow makakaeksena ko na."

Excited na ba siyang "saktan" si Rhian?

"Alam mo kagabi sinabi niya sa akin, 'Ms. Jean, I'm looking forward na makaeksena ka na.' Sabi ko, 'Be prepared. Prepare yourself, honey,' sabi ko talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jean, mahirap din daw talaga yung lagi siyang nananakit. Mas gusto pa nga raw niya yung siya ang sinasaktan.

"Ano lang, nakakapagod lang minsan yung lagi kang nananakit. Mas nakakapagod. Actually, mas masarap nga yung sinasaktan ka, tanggap ka lang nang tanggap, di ba? Pero 'pag ikaw ang nananakit, may force, e. Sobra yung energy na ibinibigay mo, pati yung emotions. Nakakatanda siya," sabi niya.

Ano naman ang ginagawa niya para hindi niya madala after ng take ang maldita character niya?

"Nag-e-FB [Facebook] lang ako, Farmtown. O, di ba?" natatawang wika ni Jean. "Puma-Farmtown lang ako, sorry, limot na agad. Level 23 na ako at one month pa lang ako, ha!"

NOT A BAGETS KILLER. Dumako naman ang usapan sa lovelife ni Jean. Pabiro niyang sinabi na wala raw siyang ka-love team ngayon in real life.

"Wala, mare. Very much single ako ngayon," aniya.

Madalas ma-link si Jean sa mga lalaking mas bata sa kanya. Ang bago ngang nali-link sa kanya ngayon ay ang young actor na si Paulo Avelino, matapos aminin ng binata na si Jean ang crush niya. Ano ang masasabi ni Jean na "bagets killer" daw siya?

"Naku, tigilan naman ako! Bagets na naman, ha! Actually, hindi ko nga siya kilala, e. Hindi ko pa siya nakikita in person. Basta tinanong lang siya sa akin na may crush daw siya ever sa akin. Sorry, ha, I'm just being honest. Sabi ko, 'Sino yun?' Ganun. 'Ilang taon?' sabi ko.

"'Twenty.' 'Ay, Diyus ko po!' yun lang ang nasabi ko. O, di ba, bumebente? Bantay bata," paliwanag ni Jean.

Ano ba ang meron siya at habulin siya ng mga lalaking mas bata kaysa sa kanya?

"Hindi ko alam, kapatid. Nakakalukrey nga, aminin mo yan," pabaklang sagot ni Jean.

Wala muna raw siyang lovelife ngayon at focus muna siya sa role niya sa Stairway To Heaven. Kasama ni Jean sa bigating cast sina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, Glaiza de Castro, TJ Trinidad, Sandy Andolong, Jestoni Alarcon, Soliman Cruz, Joshua Dionisio, Barbie Forteza, Joana Marie Tan, Jhake Vargas, Karen delos Reyes, Carlo Gonzales at Paul Holmes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood ang Stairway To Heaven simula Lunes, Sept. 14, sa GMA Telebabad pagkatapos ng Darna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN