Dennis Trillo's first vacation in Boracay turns into tragedy

What was supposed to be an enjoyable Boracay vacation for actor Dennis Trillo (in photo) turned into a tragedy when his friend, JB Borbajo, died from an accident while swimming.


Sa halip na masayang bakasyon, isang malagim na trahedya ang naranasan ng aktor na si Dennis Trillo at ng ilan niyang mga kasama nang masawi ang kanyang kaibigan na si Jollybee "JB" Borbajo kaninang bandang tanghali, September 9, sa Boracay.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa manager ni Dennis na si Popoy Caritativo kaninang bandang alas-sais ng gabi ay ikinuwento nito ang pangyayari, ayon na rin sa lahad sa kanya ng aktor.

Nasa Boracay raw si Dennis sa dalawang dahilan—officially and unofficially.

"Una kasi, matagal na niyang gustong magpunta ng Boracay because he has never been in Boracay. He was there for a while, dumaan lang for Extra Challenge years ago. Pero he always wanted to go to Boracay. Ngayon, he found a chance kasi tapos na ang Adik Sa 'Yo.

"There was an event for Discovery Shores in Boracay that invited Dennis. So, parang he found it an opportunity para i-segue na 'yon into his vacation na matagal na niyang gustong gawin. So I allowed him. Sabi ko sa kanya, since he wants to go into a vacation, hindi na lang ako ang sasama sa kanya. Kasi, I usually accompany him sa mga out-of-town shows niya. Sabi ko, 'Since gusto mo ng break mula sa trabaho and all, I think you should bring someone na kaibigan mo o ano, di ba?'" kuwento ni Popoy.

Ang isinama raw ni Dennis ay ang kaibigan niyang si JB, ang road manager ng singer na si Gian Magdangal. Hanggang tatlong araw lang daw ang inilaang bakasyon ng kanyang talent at ng kasama nito.

"They went there yesterday morning, September 8," sabi ni Popoy. "Dennis did the event for Discovery Shores and after that, bakasyon na. They had fun, they went swimming and all."

THE INCIDENT. Patuloy ni Popoy, after lunch kanina ay nag-swimming ulit sina Dennis at JB sa may Station I. Kasama nila ang young actress at anak ni Mark Gil na si Maxine Eigenmann, na nandun din para sa event ng Discovery Shores.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Apparently, malakas daw yung alon, yung mga waves. They were on this area na maraming bato, matatalim daw na bato. Tinanong ko naman siya [Dennis] kung umuulan, hindi naman daw.

"Tapos, parang si JB, nag-dive. He jumped from the rock, then when he was about get up again to the rock formation, may malakas daw na alon na humampas sa kanya. So, humampas siya sa mga bato. He asked for help, so Dennis dove in, he tried to save JB. Nahawakan naman daw niya. But then nahampas silang pareho dun sa mga batuhan at nagkahiwalay sila."

Sa lakas daw ng pagkahampas ng alon, tumama sila sa mabatong bahagi ng dagat. Nagkasugat at nagkapasa sa maraming bahagi ng kanyang katawan si Dennis, gayundin si Maxine. Samantalang tumama naman sa bato ang ulo ng kaibigan nitong si JB na siyang dahilan ng pagkamatay nito.

Sinubukan daw i-revive ni Dennis at ng kanyang mga kasama si JB, pero sa lakas ng pagkakabagok ng ulo nito, binawian na ito ng buhay.

Agad naman daw dinala sa pinakamalapit na pagamutan sina Dennis at ang mga kasama nito para mabigyan ng lunas ang tinamo nilang mga sugat at pasa sa katawan.

Nang makausap ng PEP si Popoy ay sinabi nitong kaka-discharge lang ng aktor. Dalawang beses na raw silang nagkausap magmula nang mangyari ang aksidente.

Kinumusta namin kay Popoy ang kalagayan ni Dennis.

"He's very distraught, shocked," sabi niya. "He was crying all the while I was talking to him. He was crying kasi parang he was asking, bakit nangyari 'yon... He had a lot of questions. Parang he was very confused kasi they were just having fun, e, they were having a good time. Kasi it was his first time in Boracay, to go into vacation in Boracay. And he's always looking forward to go there. So, naano lang, alam mo yung instant na..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat na lang si Popoy at ang pamilya ng aktor dahil ligtas ito sa nangyaring sakuna.

Hindi raw alam ni Popoy kung nasaan na ngayon ang mga labi ni JB dahil ang mga employer na raw nito ang nag-aasikaso ng paglilipat ng kanyang bangkay rito sa Manila. Pero tiniyak naman ng manager ni Dennis na tutulong sila sa abot ng kanilang makakaya.

Si Dennis naman daw ay nakatakdang bumalik dito sa Manila bukas, Sept. 10.

A WITNESS' ACCOUNT. Bago pa na-interview ng PEP si Popoy, isang text message na ang natanggap namin mula sa kaibigan naming si Keo Aguas, isang professor. Ibinalita niya ang aksidenteng nangyari kay Dennis na ikinasawi ni JB.

Nasa Boracay raw kasi ang kapatid ni Keo na si James Aguas, na nakasaksi ng pagkakaroon ng commotion sa lugar kung saan na-rescue ang grupo ni Dennis.

Sa phone interview ng PEP kay James, ikinuwento niyang habang naglalakad siya sa baybaying dagat patungo sa Station I ng Boracay, nakita niyang humahangos ang mga guards at pulis sa di kalayuan. Maya-maya ay nagsidatingan na ang ambulance at iba pang puwersa ng mga pulis. Nakita niyang nagkakagulo ang lahat at nalaman niyang grupo ni Dennis ang pilit na dinadaluhan para bigyan ng first aid.

Ikinuwento pa sa amin ni James na agad ngang dinala sa pinakamalapit na pagamutan na nasa "The Mall" ang actor at ang mga kasama nito.

Napalibutan raw ng maraming tao ang lugar kung saan na-rescue sina Dennis at pati sa pagamutan.

Matapos mai-ayos ang lagay ng kanyang mga kasama at ang labi ng kaibigang si JC bumalik na raw si Dennis sa tinutuluyang Discovery Hotel.

Sinubukan ni James na ipakausap sa PEP ang isang pulis para sa iba pang detalye ng insidente, pero tumanggi nang magbigay ng impormasyon ang naturang officer. May advice daw sa kanilang huwag magbigay ng kahit na anong statement tungkol sa nangyari sa aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GIAN'S ROAD MANAGER. Nakausap din ng PEP si Sandra Chavez, ang tagapamahala ng Artist House International, kung saan nagtatrabaho si JB.

Ayon kay Sandra, nagulat daw sila nang mabalitaan ang pagkamatay ni JB. "It's a big loss," sambit nito

Ikinuwento rin ni Sandra sa PEP na naging malapit sina Dennis at JB dahil na rin kay Gian. Mahilig din daw kasi sa musika at banda si JB kaya naging magkasundo ang tatlo. Sa katunayan nga raw ay ayaw nang pakawalan ni Gian si JB magmula nang maging road manager niya ito.

Nalaman daw ni Gian ang nangyari sa kanyang road manager kaninang hapon habang nagte-taping ng primetime drama series na Rosalinda. Ayon kay Sandra, hindi pa rin daw makapaniwala ang singer sa pagkawala ni JB.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN