Vilma Santos defends son Luis and ex-husband Edu Manzano

"Ito'y isang role na pinag-aaralan. Ito'y isang role na tinitingnan muna kung ako ba ang nararapat para diyan. Kaya ko bang gampanan 'yan? At the same time, 'pag ginampanan, paniniwalaan ba ako ng tao at makikita nila ang respeto sa role ko? A lot of things to consider in this particular role. So, I'm looking forward to do it," says Vilma Santos about playing the role of Cory Aquino.


Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Star For All Season at Batangas Governor na si Vilma Santos sa presscon ng Bear Brand Powdered Milk Drink's annual nutrition advocacy "Laki sa Gatas" kaninang tanghali, September 9.

Ipinaliwanag ng actress-politician kung bakit hindi pa rin niya tinatanggap ang offer na gumanap bilang Cory Aquino sa pelikula tungkol sa buhay ng yumaong dating presidente ng Pilipinas.

"Tinitingala si Presidente Cory Aquino, minahal 'yan," sabi ni Ate Vi. "Nakita natin kung paano nirespeto ng buong mamamayan. Hindi porke't artista ako... I'm proud to do this, you have to give justice to her 'pag ginawa ang role niya. Dapat magampanan nang tama 'yan dahil kung hindi, palagay ko ay sisisihin ka rin ng buong bansa.

"So, ito'y isang role na pinag-aaralan. Ito'y isang role na tinitingnan muna kung ako ba ang nararapat para diyan. Kaya ko bang gampanan 'yan? At the same time, pag ginampanan, paniniwalaan ba ako ng tao at makikita nila ang respeto sa role ko? A lot of things to consider in this particular role. So, I'm looking forward to do it.

"But again, may kinalaman pa rin 'yan sa pagiging isa kong gobernador. Hindi pa naipapalabas yung In My Life, baka sabihin naman nila, 'Mag-artista ka na lang.' Again, mangangailangan ng proper consultation sa kanila kung papayag sila na gumawa ulit ako ng movie, kasi may responsibilidad din ako sa kanila. Baka sabihin nila, 'Puro showbiz ka na lang.'

"Pero the mere fact na na-offer-an ako at sinabihan ako ng magkakapatid na Aquino, sina Kris na, they could not think any actor or actress who can portray the role of their mom, para na rin akong nananalo nun. Looking forward na lang... Tingnan natin, one day at the time. Kung talagang para sa akin, para sa akin 'yan at malaking karangalan," deklara ng multi-awarded actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LUIS MANZANO. Kinumusta rin kay Gov. Vi ang anak niyang si Luis Manzano at ang upcoming film nilang In My Life.

"Luis is very excited about the film, excited siya. Sabi ko, 'Hintayin mo anak dahil tao ang maghuhusga sa iyo, hindi ako, ang nanay mo bilang isang artista.' But I think he delivered.He is excited and nervous at the same time. It's something different. Iba rin ako dito."

Kahit si Ate Vi ay may kaba factor din sa In My Life.

"Oo naman. Every showing naman kasi ang gusto mong sabihin diyan, sana kumita dahil pinaghirapan namin ito. Maganda yung message ng pelikula. Yung ayaw at gusto niyong makita sa nanay niyo, makikita n'yo rito. At the same time, acceptance sa kung anong klaseng anak meron ka at kung anuman siya. At sa klase ng boyfriend na meron siya."

Ano naman ang masasabi niya na malungkot daw ngayon si Luis at may pinagdadaanan dahil sa breakup diumano nila ni Angel Locsin?

"Ah, yun, gawin ba naman akong pakialamera!" natatawa niyang sabi. "I'd like to take this opportunity na may nagtampong reporters sa anak ko, especially nung presscon. Please understand my son 'cause lalaki siya. Dapat maging gentleman siya. And Angel [Locsin] is close to my heart and she is so quiet. How can you expect my son to elaborate things about their love affairs.

"So, yun ang sinabi ko, 'Anak, less talk, less mistake. Basta't aminin n'yo lang ang totoo na you're not in a good status.' But to elaborate on it na hinihingi sa kanya ay huwag naman sanang ma-misinterpet because I know my son. Hindi niya gustong itago, pero hindi naman para sa kanya manggaling para isa-isahin what happened sa relationship nila ni Angel.

"If you notice, even up to now, hindi nagsasalita si Angel. Maybe because either may pain pa or maybe because they're looking forward. Malay mo, baka magkausap sila ulit. So, give them a chance. Give my son a chance. Kilala n'yo naman si Luis, hindi niya intensyon yun," pagtatanggol ni Ate Vi kay Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bilang isang ina, ano ang nararamdaman niya?

"Siyempre, unang-una, ayaw kong makitang malungkot ang anak ko. Secondly, close sa akin si Angel, but I'm also a mother na who doesn't meddle on these things. I don't impose on things. I will wait for them to come. Kung kakausapin nila ako, I'll always be here for them and just guidance. Pero yung makialam na kausapin ko anak ko, kausapin ko, no, no, no... Malalaki na sila. Matatalino ang mga taong 'yan. Alam nila yung nasa nila. As a mother, I will respect it," deklara niya.

Nasasaktan ba siya sa mga lumalabas na babaero raw si Luis, na siya yung may karelasyong iba?

"Noong araw pa naman nila sinasabi na babaero ang anak ko, e! Aba, I should be proud...as a mother. Pero yung para sabihin yung alam mo rin naman na hindi totoo, e, may pagka-unfair din naman yun. Kung meron din namang makakaalam, ako rin in a way, kahit papaano, as the nanay. Kasi, tuloy-tuloy pa rin ang communication namin ng anak ko kaya medyo nasaktan din siya. Alam n'yo naman si Luis, malambing kahit naman sa inyo, e. Ma-touch 'yan, palatawag 'yan. Kung may email ka, lagi mong ka-email 'yan, sa Facebook niya. Si Luis, ganyan 'yan.

"So with other women, even may girlfriend siya, ganyan din siya. Sometimes, nami-misinterpret yun. So, kung yun ang sinasabi ni Luis na pinaninindigan niya na walang third party, I will believe my son, and same thing with Angel. Kung sinabi ni Angel na there's no such thing between her and Sam [Milby], why not, I believe Angel, too. I mean, nakita ko yung relationship ng dalawa, e. Ang ganda ng suporta, respeto, at pagmamahalan ng dalawa. Dun, testigo ako.

"Now that they're having this problem, nirerespeto ko rin. Give them space, bigyan natin sila ng espasyo. Malay mo, it's either of the two, magtuloy-tuloy na 'yan at maging friends or may chance magkabalikan pero ibigay natin sa kanila," saad ni Ate Vi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa raw sila nagkakausap ni Angel, pero open naman daw ang Star For All Seasons sa young actress. Wala pa raw silang chance na pag-usapan ang isyu. Si Luis naman, konti lang ang ino-open sa kanya, pero as a mother reminder lang daw siya at hindi niya tinatanong ang detalye.

"Maski naman ako nahihiya. Basta ang sinasabi ko lang, 'Anak, pag tinanong ka diyan, less talk, less mistake. Be a gentleman,'" sabi niya.

EDU MANZANO. Tinanong din kay Ate Vi tungkol sa ex-husband niyang si Edu Manzano, na may isyu rin ngayon sa press, gaya ng anak nilang si Luis. Nagtatampo raw kasi ang entertainment press kay Edu dahil sa naging acceptance speech nito nang manalo siya sa 1st MTRCB TV Awards. (Click here to read related story.)

"Isa pa yan... Ano ba 'yan? Bakit may isyu ang aking mga... Eto rin naman kay Eduardo, even nung presscon, nandun naman kayo na mas magaling na artista si Lucky. That was meant to be a joke, sinersosyo naman. E, si Eduardo naman... Siyempre kung pag-uusapan natin ang galing ni Lucky, siyempre genes niya 'yan sa tatay at sa akin.

"Anyway, kilala niyo naman si Eduardo, maybe ipinaliwanag na niya yung side niya na hindi yun ang ibig sabihin. Naku, protector daw ako, o! Maybe, because I know Eduardo also, yung pagkakasabi niya nun has something to do with kanyang posisyon as chairman ng OMB [Optical Media Board].

"Pero kung ibibigay natin ang holistic approach ng pinagkakautangan niya ng loob sa lahat ng mga awards na nabigay sa kanya, I don't think PMPC [Philippine Movie Press Club] ay makakalimutan niya. If I'm not mistaken, unang-una nagbigay ng recognition sa kanya, sa pagiging Best Supporting Actor o Best Host o ng kanyang show, ay PMPC. It's not utang na loob, e. Hindi niya ma-acknowledge o mabigyan ng halaga, hindi niya mine-mean yun. Dialogue lang 'yan sa PMPC, tiyak na maaayos 'yan," pahayag ni Ate Vi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN